Si Anastacia De Masilang ay isang ulila at naging padre de pamilya siya nang kaniyang mga kapatid nang mamatay sa bisyong pagdro-droga ang kaniyang mga magulang. Natagpuan ng mga pulis ang bangkay nito sa ilog habang parehong may tama ng baril sa ulo.
Diyes anyos palang siya simula 'nung mamatay ang mga magulang niya kaya't siya ang tumayong nanay at tatay ng mga kapatid niya. Iniraos niya ang kanilang pangangailangan sa araw-araw sa paglalaba niya, pagiging isang dispatcher ng jeep at pagiging dishwasher ng restaurant na malapit sa kanila. Naging kayod kalabaw siya para matustusan ang pangangailangan ng mga kapatid niya. Sa murang edad niya ay natuto siyang makipagsapalaran sa buhay para sa kaniyang mga kapatid.
Hanggang sa mag-edad siya ng kinse anyos. Pumasok siya sa pagawaan ng mga tsinelas ngunit kulang parin ito dahil maliit lang ang sweldo niya.
Nagtratrabaho siya sa umaga at naglalako siya ng balot sa gabi. Minsan ay tinatakbo pa ng mga lasingero ang paninda niya ngunit hindi siya sumuko.
Nang tumuntong siya sa edad na dise-otso ay pumasok siya bilang silbidora ng isang sikat na restaurant ngunit hindi niya nakayanan dahil minomolestiya siya ng kaniyang amo kaya umalis siya sa puder nito.
Isang araw habang naglalakad siya sa daan pauwi ay may napulot siyang isang dyaryo. Napangiti siya nang makita niyang naghahanap ng janitress ang isang sikat na kumpanya.
Hindi siya nagdadalawang isip na sunggaban ang oportunidad na iyon. Agad siyang nag-apply sa kumpanya bilang janitress, pinagtawanan pa siya ng ibang mga aplikante nang makita ang resumé siya.
“ Hindi ka manlang nakatapos ng elementarya,”sarkastikong sambit ng nag-iinterview sa kaniya. Samu't saring bulungan at tawanan ang natanggap niya mula sa mga kasamang aplikante at mga trabahante ng kumpanya.
Kaya tumayo na lamang siya bago niya maihakbang ang kaniyang mga paa ay tinawag siya ng CEO ng kumpanyang pinag-aplayan niya.
“ You're hired, at bukas na bukas pwede kanang magsimula,”cold nitong wika na ikinagulat niya lalo na ang mga aplikanteng kasama at trabahante ng kumpanya.
“And all of you magsi-uwian na kayo. Hindi ako tumatanggap ng aplikanteng walang puso.” wika nito sa ibang aplikante. Nadismaya ang mga ito at padabog na lumabas ng building.
“Pabida ka talaga!” galit na wika ng isa sa mga ito bago lumabas ng building.
Siya pa ang naging masama sa mga mata nito. “ At ikaw Miss Nicolette Santos you're fired mag-impaki kana!” hindi ito makapaniwala nang tanggalin siya nito sa trabaho.
“ Get out of my company, now!” galit nitong utos sa trabahante niya. Samu't-saring bulungan ang umalingawngaw sa buong mansyon nang dahil sa ginawa ng binata.
“ S-sir don't do this to me!”pagmamakaawa nito sa binata.
“ I said pack your f*****g things and get out of my company!”
“ At ikaw babae, umalis kana.”
-----------------
Isang gabi bago umuwi si Anastacia ay napadaan siya sa opisina ng binata, palihim niya itong sinilip sa bintana.
“ Pasok!”
Nakita pala siya nito mula sa labas. Napapalunok siyang pumasok sa loob ng opisina nito. “ S-sir m-may kailangan po ba kayo?”nauutal nitong tanong sa binata.
“ Take a seat at uminom ka muna,”
Nagdadalawang isip siyang tanggapin ito dahil sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasang uminom ng anumang alak. “ Take it, or else I will fire you.”cold nitong sambit kaya wala siyang magawa kundi ang tanggapin at inumin ito.
“ Kapalit- palit ba ako? Gwapo naman ako diba? Bakit niya ako pinagpalit sa iba?”
*Hik
* Hik*
Hindi makapagsalita ang dalaga nakayuko lamang siya. Ngunit inangat ng binata ang nguso niya.
“ Look tignan mo ng maigi,”
Hindi siya makatingin dito ng deretso dahil naiilang siya dito. Nagulat siya nang bigla itong umiiyak habang tumutungga ng alak.
“ Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya siya sa kama pero pinagpalit niya lamang ako sa ibang lalaki,”
“At ikaw naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang umiyak?”
“ S-sir, lasing kana po. Tigilan niyo na po ang kakatungga ng alak,”
“ Pati ba ikaw? Gusto ko lang naman maramdaman na may silbi ako at kamahal-mahal ako.”
“ Iiwan mo rin ba ako?”
“ Please! Don't ever leave my side. I need you right now!"
Sinubukan niyang agawin ang hawak nitong bote ng alak ngunit agad itong nailayo ng binata. Inilapag nito ang bote sa ibabaw ng lamesa nito.
At bigla siyang hinila nito kaya't napaupo siya sa hita nito. “ Ellise, bumalik kana sa akin,”pagmamakaawa nito sa kaniya.
Hindi siya makagalaw dahil bigla itong yumakap sa kaniya. “ I can't live without you, Ellise. Please bumalik kana sa akin.” sambit ng binata at sabay na hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
Naramdaman niya lamang ang labi nito sa labi niya. Napapikit na lamang siya ng mga ito. Ngunit naudlot ito dahil nakatulog ang CEO'ng kumpanyang pinagtratrabahuan niya.
Kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan bugso ng init ng katawan niya at ang tawag ng laman ay nagawa niyang gahasain ito habang natutulog.
-----------------
“Ginawa mo lang akong panakip butas,”
“ Tacia, let me explain hindi ko sinasadya ang nangyari. Please don't leave me!”
“ Hindi mo ba nagustuhan ang halik ng ex-girlfriend mo? Nagkamali ako sayo, ang akala ko ay mahal mo rin ako iyon pala ay parausan mo lang ako. At ang masakit pa ay binigay ko ang tiwala ko sayo. Nung bumalik siya sa buhay mo, bumalik rin ba ang pagmamahal mo sa kaniya?”
*
“ Babe,hayaan mo akong magpaliwanag please!”
“Anong ipapaliwanag mo? Iyong nagustuhan mo ang ginawa niyo sa isa't-isa sa kama iyon ba? Minahal moba ako ng kaunti?”
“ Mahal na mahal kita, Tacia.”
“ Wag mo kong hahawakan dahil aalis na'ko sa letseng kumpanya mo!”
At agad nag-alsa balutan ang dalaga. Nagpakalayo-layo siya. Ngunit lumipas ang ilang buwan ay bigla siyang nahimatay sa daan. At nalaman niyang buntis siya sa anak nito. Lalong gumuho ang mundo ni Anastacia.
Nang maipanganak niya ito ay muling nagkrus ang landas nilang dalawa nang maospital ang anak niya.
“ Anastacia!”
“ Wag mo ng guguluhin pa ang buhay naming mag-ina!"
“Please comeback!”
“ Never again, Mr. CEO