Ang ginang ay doon muna namalagi sa barangay facility. Awang-awa ako sa ginang. Pamana din ang bahay na iyon ng mga magulang niya. Siya'y matandang dalaga, ka edad siya ni Manong Steban. “ Salamat ng marami sa inyong dalawa.”pasalamat nito sa amin lalo na kay Raisle. “ Walang anuman iyon. ”nakangiting saad ni Raisle. Green flag siya sa akin ngayon kasi kusa siyang tumulong sa mga taong nangangailangan. Lihim ko siyang pinagmasdan nang di niya namamalayan. Mas lalo akong nahulog sa kaniya. Ayokong magkaro'n ng kaaway, alam kong niloloko siya ng girlfriend niya ngunit may posibilidad na babalik ang babaeng iyon baka sa huli ako pa ang masaktan. Paano ko maiiwasan ang lalaking ito kung panay ang pagdikit niya sa akin lalo na't sa akin siya pumupunta kapag nag-iinit ang katawan niya. Di ko

