BUSY'NG nagbabasa ng mga papeles si Lexus ng biglang bumukas ang pinto ng opisina nya. Hindi na sya nag-abalang tumingin dahil alam nyang ang sekretarya nya ito at ibibigay sa kanya ang pinapakuha nyang mga dokumento. Lumapit ito sa kanya. Napatingin sya sa paper bag na inilapag nito. Napakunot-noo at nagtatanong na nag-angat ng tingin sa naglapag nito doon. Gulat syang napatingin sa hindi nya inaasahang bisita. "Busy ka ata." Anito saka umupo sa visitor chair. "Not much." Napangiwi ito sa naging tanong nya saka tumingin sa nakatambak na mga papeles sa mesa nya. Gusto nyang iuntog ang ulo sa sinabi nya, kita na ngang madaming nakatambak na mga dokumento sa mesa nya ay sinagot nya pa ito ng not much. "Not much nga." Tumango-tango pa ito. "Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" Pag-iiba n

