8 years later... "DADDY!" Agad na napalingon si Lexus sa kinaroroonan ng anak. Naka-uniform ito at galing sa school. Binaba na nya ang tawag saka lumapit dito. "How's school buddy?" nag-squad sya para mapantayan ang anak. "It's great dad." Ginulo nya ang buhok nito dahilan para mapasimangot ito. "Dad naman!" Natawa sya at tumayo ng tuwid. "Magbihis ka na at kakain na tayo maya-maya." "Opo dad." Napailing nalang ito ng tumakbo papunta sa ikalawang palapag kung saan ang kwarto nya. Tumungo sya kung saan ang harden ng bahay nya saka umupo sa isang duyan sa ilalim ng puno. Isang oras nalang ay magdidilim na ang langit. Tumingin sya sa langit at unti-unting namumuo ang lungkot sa puso nya. Walong taon. Walong taon na ang nakakalipas simula ng mangyari ang trahedyang bumago at ang dahila

