NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog si Allisa dahil sa iyak ni Allexus. Alam nya kung sino sa kambal ang umiiyak. Kapag si Allexies ang umiyak ang masyadong malakas, pero kapag si Allexus naman ay hindi gaano kalakas. 'Yong tama lang para magising ka mula sa pagkakatulog. Pero kapag si Allexies ang umiyak ay mabubulabog ka talaga mula sa pagkakatulog. "Allexus, baby." Kinuha nya ito sa crib at pina-didi habang sinasayaw. "Shh, 'wag masyadong maingay baka magising ang kakambal mo." Napatingin sya sa pinto ng bumukas ito at iniluwa non si Lexus. Agad itong lumapit sa kanya at hinalikan sa labi saka hinalikan si Allexus sa pisngi. "Ako na L, magpahinga ka na." Sinubukan nitong kunin sa kanya si Allexus pero inilayo nya ito. "Let me X, gusto ko syang hawakan." She hummed to make her

