"DITO KA BA matutulog ngayon X?" Tanong ni Allisa kay Lexus na naghuhugas ng pinagkainan nila.
Humarap ito sa kanya at napabuntong hininga. Sa tingin palang sa kanya ng binata ay alam na nya ang sagot nito. Pinunasan nito ang basa nyang kamay saka lumapit sa kanya.
Sinapo nito ang mukha nya saka hinalikan sa noo. Napapikit nalang sya sa ginawa nito.
"Sorry L pero hindi ako makakatulog ngayon dito. Tumakas lang ako kina mommy para makita ka lang."
Nagsimula ng manubig ang mga mata nya. Niyakap nalang nya ang binata para hindi nito makita na anomang oras ay iiyak na sya.
"Hanggang kailan ba tayo ganito X? Hanggang kailan ako magtatago?" Nagsimula ng magsilaglagan ang mga luha nya ng yakapin sya ng mahigpit ng binata.
"Shh.. Please, 'wag ka ng umiyak." Lumayo ito mula sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha nya. "Gagawa ako ng paraan para makatakas tayo. Para mailayo ko kayo. Just please, please give me some time."
Tumango-tango sya habang patuloy paring naglalaglagan ang masasagana nyang luha. Napapikit sya ng halikan sya nito sa labi at niyakap ulit habang hinahaplos ang buhok nya.
"Magiging okay din ang lahat." Tumango nalang sya at lihim na nananalangin na sana nga matapos na ang lahat.
NAGLULUTO sya ng pananghalian nya ng may nag-doorbell ng pangalawang beses. Napangiti nalang sya dahil alam nyang ang binata ang nagdo-doorbell. Pinatay nya ang apoy ng stove at dali-daling binuksan ang pinto.
Mas lumawak ang ngiti nya ng makita ang binata at ang hawak nitong limang galon ng vanilla ice cream. Agad nyang kinuha ang isang supot at iniwan ang binata na nasa pintuan parin saka tinungo ang kusina.
"Careful baby. Nakakatampo ka ha. Nakita mo lang ang ice cream, nakalimotan mo na ako." Sabi nito sa tunong nagtatampo.
Sumandok sya ng ice cream saka ito sinubo sa bibig nya. Napangiti sya ng maramdaman ang lamig ng ice cream sa loob ng bibig nya. Sumandok ulit sya at isinubo ito sa binata. Agad naman itong kinain ng binata.
"Sorry na X. Alam mo naman na nagka-crave kami ng ice cream eh." Niyakap nya ito sa bewang ng naglalambing.
Napanguso sya ng pinisil nito ang tungki ng ilong nya. "Nagbibiro lang."
Kinuha ng binata ang iba nitong dala at nilagay sa ref habang sya naman ay kinakain ang vanilla ice cream nya.
NAKAUPO sila ng binata sa mahabang sofa ng sala habang nanunood ng pelikula. Nakasandal ang binata sa sofa habang ang kamay nito ay nakaakbay sa kanya. Sya naman ay kumakain ng ice cream habang nakahilig ang ulo sa balikat ng binata. Paminsan-minsan naman ay sinusubuan nya ang binata.
"Nakilala mo na ba ang fiancee mo?" Naramdaman nyang nanigas ang binata, nararamdaman din nya ang bahagya nitong pagtigil sa paghinga.
"L, alam mong ikaw lang ang fiancee ko." Sagot nito sa ilang minutong hindi pagsasalita.
"Sa mata mo, ako ang fiancee mo. Pero sa mata ng mga magulang mo at sa ibang tao ay iba ang fiancee mo at pakakasalan." Napakagat labi sya ng magsimula na namang manubig ang mga mata nya.
Simula ng magbuntis sya ay naging iyakin na sya. Sabi ng doctor nya ay normal lang daw ito sa buntis ang maging emotional.
Anim na buwan na ang nakakalipas simula ng malaman nilang buntis sya. Nang una palang may mangyari sa kanila ay may nabuo na. Kahit hindi na sya nakapag-aral ay okay lang. Masaya sya dahil sa anghel na dadating sa buhay nila na nabuo dahil sa pagmamahalan nila.
Masaya sila. Walang araw na hindi sya pinapasaya ni Lexus, inaalagaan at araw-araw ay mas pinaparamdam nito na mahal na mahal sya nito. Sya at ang magiging anak nila.
Lahat ay nakaplano na. Magpapatuloy sa pag-aaral si Lexus, habang sya ay nasa bahay lang para sa anak nila. Kapag nakapag-trabaho na ang binata ay sya naman ang magpapatuloy. At kapag nakapag-ipon na sila ay magpapakasal na sila. Bubuo ng masayang pamilya.
Masaya silang nagpaplano. Ang hindi nila inaasahan ay masisira ang lahat ng plano nila sa isang iglap. Sa isang iglap ay nasa Brazil na sila. Nagtatago. Sya lang pala. Samantalang si Lexus ay nasa magulang nya nakatira at pinagpaplanohang ipakasal sa iba.
Ayaw nya sanang sumama, pero ayaw din syang iwanan ni Lexus sa Pilipinas. Wala syang magawa dahil pinagbantaan si Lexus na maghihirap sila kapag hindi sya sumunod. Hindi alam ng mga magulang ng binata na dinala sya ni Lexus sa Brazil.
"Okay." Sagot nalang nya. Ayaw na nyang mag-away sila. Pero hindi sya mapanatag kapag hindi nito nasasagot ang tanong nya. "Pero nakita mo na ba sya?"
Hinalikan nito ang noo nya bago sumagot. "Hindi pa. Pero sa susunod na araw ay makikipag-dinner kami sa kanila."
Tumango nalang sya at hindi na nagsalita. Pinagpatuloy ang panonood ng movies. Pinapanalangin nyang sana hindi matuloy ang kasal ng binata at ng babae kung sino man ang ipapakasal sa kanya.
Ayaw nyang maging anak sa labas ang anak nila at mas lalong ayaw nyang maging kabit sya. Okay lang na masaktan sya, 'wag lang ang anak nya.
"LEXUS bilisan mo!" Naiinis syang lumabas sa kwarto nya habang tinutupi ang manggas ng polo nya hanggang siko. "My God Lexus. Ayosin mo nga 'yang buhok mo."
Inirapan nya lang ito at nagpatuloy sa paglabas ng bahay saka pumasok sa passenger seat na hindi hinihintay ang mga magulang nya. Kung sya lang ang masusunod ay ayaw nyang sumama at makilala ang mapapangasawa nya 'daw'.
Kung hindi lang pinagbantaan ng mga magulang nya ang babaeng mahal nya. Mabuti nalang din at hindi nila alam na buntis si Allisa dahil kilala nya ang mga magulang nya, sigurado syang gagawa ito ng paraan para lang mawala sa landas ang mga harang sa plano nila.
Napatingin sya sa labas ng kotse at nakatulalang nakatingin sa mga malalaking building. Maganda ang lungsod ng Brazil, pero hindi nya ma-appreciate dahil hindi naman nya kasama si Allisa at ang magiging anak nila.
Kung kaya lang nyang ipasyal ang dalaga ay ginawa na sana nya. Gusto nyang maging masaya ang dalaga. Kahit hindi sabihin nito ang tunay nitong nararamdaman ay alam nya na nalulungkot ito. Ilang buwan na sila sa bansang Brazil pero hindi parin sya nakakaisip ng paraan para makatakas sa sitwasyong ito.
Habang patagal ng patagal ay para syang mababaliw sa kakaisip kung paano makatakas.
Walang sali-salita syang lumabas sa sasakyan at sumunod sa magulang nya papasok sa isang magara at pangmayamang restaurant. Hindi nya pinansin ang pakikipag-usap ng mga magulang sa de maitre.
KALAHATING ORAS na silang naghihintay sa fiance nya. Nabo-bored na sya at pinagdarasal na sana hindi na dumating ang babae. Nandito naman ang lolo ng babae pero sana hindi talaga ito dumating.
Sana naman nagbago ang isip nito at ayaw na ng magpakasal sa kanya, para naman makawala na sya at makasama na ang babaeng mahal nya at ang magiging anak nila.
Napabuga sya ng marahas na hininga.
"Wag ka ngang ganyang Lexus. Fix yourself." Pabulong na singhal sa kanya ng nanay nya.
Hindi nya pinansin ang nakakairitang ina nya at inirapan nya lang ito. Sinoot nya ang walang emosyon sa mukha nya. Ayaw nyang makita nito ang emosyon nya, nang makita nilang ayaw nya talaga sa kasalang 'to.
"Oh! There they are."
Agad na tumayo ang matanda para salubongin ang dumating. Tumayo na din ang mga magulang nya pero hindi sya nag-abalang tingnan ang mga dumating. Hindi sya interesado.
"This is Lelouch and Allison. My grandson and granddaughter."
Narinig nyang pakilala sa matanda sa mga magulang nya. So Allison pala ang pangalan ng babae.
"They are so handsome and gorgeous."
Napairap sya sa sinabi ng ina nya. Wala paring mas gaganda sa Allisa nya. Kung sana binigyan sya ng pag-asa ng mga magulang nya na makilala ang babaeng tinitibok ng puso nya. Pero kahit gaano naman kaganda si Allisa ay hindi parin nila ito matatanggap dahil mahirap lang ito.
Kahit kailan talaga ay napakamukhang pera ng mga magulang nya. Kaya hindi makakapayag ang mga magulang nya na hindi sya magpakasal sa hindi mayaman.
"Yes they are. Saan pa ba magmamana kundi sa lolo. Haha."
Gusto nyang takpan ang tenga nya sa mga naririnig nya.
"Mga apo this is Mr and Mrs Lennon."
"And oh, meet our son."
Ayaw sana nyang tumayo at magpakilala sa mga bisita ng bigla syang palihim na sipain sa paa ng ina nya. Bumuntong-hininga muna sya bago tumayo. Nakayuko parin sya habang tumatayo. Hinanda nya ang walang emosyong mukha nya para sa pagtingin sa dalaga.
Nang mag-angat sya ng tingin para makita ang mukha ng dalaga. Mula sa walang emosyong mukha ay unti-unting naging gulat ang emosyon nya. Imposible!
Kitang-kita nya ang pagkunot ng noo ng babae dahil sa uri ng tingin nya dito. Nakakagulat naman kasi talaga kung ang babaeng ipapakasal pala sayo ay kamukhang-kamukha ng babaeng mahal mo.
Pero alam nya magkaiba sila. Hindi sila magkatulad ng mga mata. Her dark brown eyes, na bagay na bagay na itim nitong aura. Samantalang kay Allisa ay light brown eyes ang mga mata.
Nang makomperma nyang hindi nga ito ang dalaga ay bumalik ulit ang walang emosyon nyang mukha. Hindi nga ito ang dalaga, dahil kung sya iyon ay agad na bibilis ang t***k ng puso nya habang nakatingin sya sa mga mata nito.
Sya na ang unang naglahad ng kamay para makipag-kamay sa dalaga. Bago pa sya makipagkilala ay tinanggap na nito ang kamay nyang nakalahad saka unang nagpakilala.
" Allison Santillan. "
Bahagya syang ngumiti pero may pagtataka parin. Pwede kayang magkambal sila? He really needs to find out.
" Lexus Lennon. "
NAPATINGIN sa kabuohan ng bahay si Lexus. Unang kita palang nya sa gate na pinasukan nila kanina ay halata ng mayaman ang may-ari. Nang makapasok sya sa mala-mansyong bahay ay ang napakalaking chandelier agad ang sumalubong sa kanila.
Kitang-kita nya kung gaano nalula ang mga magulang nya lalo na ang ina nya sa laki ng bahay. Ngayon ay alam na nya kung bakit gustong-gusto ng mga magulang nya na ipakasal sa babaeng 'yon.
Kagabi ay ang mga magulang at ang lolo ng dalaga lang ang nag-uusap. Sumasagot lang sya kapag tinatanong sya, minsan naman ay tango at iling lang ang sinasagot nya.
Kahit ang dalaga at ang binata na kasama nito ay hindi din nagsasalita. Minsan ay hindi nya mapigilang mapalingon sa gawi ng dalaga. Talaga kasing sobra silang magkamukha.
Napapaiwas agad sya ng tingin kapag napapatingin din sa kanya ang dalaga. Ramdam na randam nya ang matatalim na tingin mula dito. Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Allisa.
"Lexus?" Tawag sa kanya ng matanda.
"Ha?" Wala sa sariling sambit nya.
Hindi pinansin ng matanda ang wala sa sariling tanong nya at tumingin lang ito sa dalaga na nasa tabi nya habang nakatayo. Gaya nya ay wala ding emosyon ang mukha nito.
"Follow me." Malamig na sabi ng dalaga at nauna na itong maglakad.
Kahit hindi nya naiintindihan ang nangyayari ay sumunod sya dito. Umakyat ito sa ikalawang palapag at pumasok sa isang pintuan. Ilang segundo nyang tinitigan ang pinto ng kwarto na pinasukan ng dalaga. Humugot sya ng isang malalim na hininga bago ito binuksan.
Nanlaki ang mga mata nya ng may biglang isang mabilis na bagay na dumaan sa bandang pisngi nya. Napatingin sya sa dingding na nasa likod lang nya. Mas nanlaki ang mga mata nya ng may umuusok doon.
Agad syang napalingon sa kinaroroonan ng dalaga. Akala nya wala ng ikakalaki ang mga mata nya, meron pa pala. Kitang-kita nya ang mukha ng dalaga na walang emosyong nakatingin sa kanya habang may nakatutok na baril sa kanya. Doon lang pumasok sa isip nya na bala pala ng baril ang mabilis na bagay na dumaan sa may pisngi nya.
"Anong ibig sabihin nito?" Kinakabahang tanong nya. s**t! Ayaw nya pang mamatay. Paano nalang si Allisa? Paano nalang ang magiging anak nila?
Ipinilig ng dalaga ang ulo nito at tumitig sa kanya. Unti-unti syang kumalma ng pumasok sa isip ang imahe ni Allisa. Ganon na ganon din ang ginawa nito noong una silang magkita.
"May kambal ka ba?" Huli na para bawiin nya ang naging tanong nya. Ang tanong nya na nakapagpa-kunot noo sa dalaga.
Wala parin itong emosyon. "Wala. Bakit?"
"Magkamukhang-magkamukha kasi kayo."
Unti-unti ng binaba ng dalaga ang baril na hawak nito. "Nino?"
"Ni Allisa." Napatigil ito sa paglagay ng baril sa bedside table nito. Ilang minuto itong hindi nagsalita.
Inilagay nito sa drawer ang baril saka sya hinarap. "Gaano kamukha?"
"Kamukhang-kamukha." Sabi nya habang titig na titig parin sa dalaga. "Para ko nga syang kaharap ngayon. Well," nagkibit balikat sya. "Magkaiba lang kayo ng mga mata. Dark brown sayo, samantalang light brown sa kanya." Kinuha nya ang cellphone nya at pinakita ang litrato ni Allisa. "Here."
Mula sa walang emosyong mukha ay unti-unti naging gulat na may halong pagtataka ang mukha ng dalaga. Ganon na ganon din ang naramdaman nya kagabi ng makita ang dalaga.
"That's Allisa." Ani nya ng hindi ito nagsalita. Titig na titig lang sya sa litrato na nasa cellphone nya.
"How? Paano... I mean." Huminga ito ng malalim. "I really look like her." Wala sa sariling sambit nito at nanghihinang napaupo sa kama. "Anong buo nyang pangalan?"
"Allisa Panaz."
Napatingin sa kanya ang dalaga. "Kaano-ano mo sya?"
Bumuntong hininga sya at napaupo sa tabi ni Allison. "In my mind, in my eyes and in my heart she's my fiancee. The woman that I love." Napangiti nalang sya ng maalala ang mukha ng dalaga na nakangiti.
"I want to see her." Napalingon sya sa dalaga ng may pagtataka. "I want to see her." Ulit nito ng hindi sya nakapagsalita. "Can I?"
Wala sa sariling napatango sya. May nagsasabi sa isip nya na kailangan magkita ang dalawa para masagot na ang mga tanong na gumugulo sa isipan nya simula pa kagabi.