Chapter 19

1139 Words
MAY NGITI sa labi ng gumising si Lexus at bumungad sa kanya ang magandang mukha ng fiancee. Fiancee. Kay gandang pakinggan. Sa kanya na talaga ang babae. Mas napangiti sya ng maalala ang nangyari sa kanila kagabi. She give her self to him. Sa mga oras na 'yon ay sya na ata ang pinaka-masaya at pinama-swerte dahil pinagkatiwalaan at minahal sya ni Allisa. Sobrang saya nya ng tinanggap ng dalaga ang proposal nya. Matagal pa man bago sila ikasal ay ayos lang sa kanya, basta alam nya na sa kanya na ang dalaga. Sa kanya na talaga ito. Maingat nyang hinaplos ang maamo nitong mukha. Mula sa singkit nitong mata, patungo sa matangos nitong ilong hanggang sa malambot nitong mga labi. Those sweet lips that can make him crazy and craving for more. "Ang aga, pinagnanasaan mo na ako ha." Ani ng dalaga na nakapikit parin. "Good morning L." Bati nya dito at hinalikan sa labi na tinugon naman agad ng dalaga. Dahan-dahang iminulat ng dalaga ang mga mata. "Good morning too." "Kamusta ang tulog mo?" "Okay lang." Yumakap ito sa kanya ng naglalambing. "May na-realize lang ako kagabi." Sinuklay nya ang buhok nito gamit ang kamay nya saka hinalikan ang buhok nito. "Ano naman 'yon?" "Your monster in bed." "And your wild." Napatawa nalang sya ng pabiro nitong hinampas ang dibdib nya. "Hindi kaya." "Oo kaya. I still can hear your moan." He chuckle when he see her blush. "Ow, my baby got blush." "Ewan ko sayo." Napatawa nalang sya ng isubsob nito ang mukha sa dibdib nya para itago ang pamumula nito. SABAY silang kumain ng pananghalian sa condo unit ni Lexus. Tahimik lang silang kumakain hanggang sa basagin ito ni Lexus. "Gusto ko dito ka na tumira L." Napaangat sya ng tingin sa binata. Nakangiti ito pero makikita mo naman na seryoso ito sa sinasabi nya. "Bakit naman?" "Dahil fiancee kita." Sagot nito na para bang nasagot lahat ng katanungan nya. "Pero hindi pa tayo kasal." Ibinaba ng binata ang hawak nitong kutsara't tinidor at tinitigan sya. Napalunok sya sa uri ng tingin nito. " L, fiancee kita kaya gusto ko dito ka na tumira and beside may nangyari na sa atin kaya okay lang na mag-live in tayo." Biglang nag-init ang mukha nya kaya napayuko sya. Naalala nya tuloy ang nangyari sa kanila kagabi. "Paano ang trabaho ko?" Tanong nya habang nakayuko parin. Hindi nya magawang tingnan ang kasintahan dahil nahihiya sya. Talaga lang Allisa? Ngayon ka pa mahihiya, eh nakita na nya lahat-lahat ng tinatago mo. Mariin syang napapikit sa sinabi ng isip nya. "Pwede ka parin naman magtrabaho, hindi kita pagbabawalan kung ano man ang gusto mo basta ang gusto ko ay dito ka na tumira kasama ko." May awtoridad na sabi nito. "Paano ang mga magulang mo?" "Wala akong pakialam sa kanila. Basta gusto ko lagi kitang kasama at nakikita." Lakas loob nyang sinalubong ang tingin ng binata. "Nagkakasama at nagkikita naman tayo sa campus." Napakagat-labi sya ng mariin nitong ipinikit ang mga mata at gumagalaw ang panga nito. Parang pinipigilan nitong magalit sa kanya. Makalipas ang segundo ay dumilat na ito at tinitigan sya ng walang emosyon. Parang pinilipit ang puso nya sa uri ng pagtingin nito sa kanya. "Ikaw bahala kung ayaw mong dito tumira. Hindi kita pipilitin." Namasa ang mga mata nya sa lamig ng pananalita nito. Napatingin sya ng tumayo ito. "Paki-lock ng pinto kung aalis ka na." Pagkasabi non ay walang lingong-likod itong umalis. Nang mawala na ito ay doon na nagsibagsakan ang mga luha nya. Kahapon lang ay ang saya nila tapos ngayon ay galit na naman sa kanya ang binata. Pinunasan nya ang luha at tinapos ang pagkain. Nilinis nya ang pinagkainan nila at tinungo sa kwarto nitl. Papasok na sana sya ng hindi nito mabuksan ang pinto. Naka-lock. Kumatok sya. "X? X? Buksan mo naman ang pinto oh." Katok nya pero lumipas ang ilang minuto ay hindi sya nito pinagbuksan. Para na namang sinakal ang puso nya. "Uuwi na ako."   Ilang minuto muna syang nakatayo sa harapan ng pinto bago sya tuluyang umalis. Mabigat ang loob nyang umalis sa condo unit ni Lexus. PABAGSAK nyang inihiga ang katawan sa kama nya. Hapon na pero hindi parin sya kinakausap ni Lexus. Galit kaya sa kanya ang binata. Napabangon sya bigla ng may pumasok na senaryo sa isip nya. 'Yon ang araw kung saan hindi nya sinunod si Lexus hanggang sa nagalit ito at hindi sya nito pinansin. Tumayo sya saka tinungo ang closet nya at nagsimula ng mag-impake. Ayaw na nyang mangyari ang mga panahon na 'yon. Masyado syang magdusa ng mga panahon na 'yon. Kaya gagawin nya ang gusto ni Lexus na doon na tumira sa condo nito. Mahal nya ito at gusto din naman nya itong makasama. Nang matapos syang mag-impake ay agad syang lumabas sa bahay nya at kinandado iyon. Pumara sya ng taxi at nagpahatid sa condominium building. Nang makarating sya sa harap ng pintuan ng condo unit ni Lexus ay huminga muna sya ng malalim bago pinihit ang pinto pabukas. Bumungad sa kanya ang TV na nakabukas pero wala namang nanunood. Pinatay nya ito at napabaling sa sofa, doon nya lang napansin na nandon ang binata at mahimbing na natutulog. Hindi na nya ito nilapitan para hindi ito magising. Tinungo nalang nya ang kwarto ni Lexus at inilagay ang mga damit nya sa closet nito. Nang matapos sya ay nagluto na sya ng haponan nila. Nang matapos sya ay nilapitan nya ang binata na hanggang ngayon ay mahimbing paring natutulog. Umupo sya sa carpet at hinaplos ang maamong mukha ng binata. Nadako ang tingin nya sa bahagyang nakaawang nitong labi. Parang may sariling isip ang katawan nya at huli na para bawiin pa. Naglapat ang mga labi nila, aalis na sana sya ng biglang higitin ni Lexus ang batok nya para mas mapalalim ang halik. Habol ang mga hininga nila ng maghiwalay ito. "Hey." Nakangiting bati ni Lexus sa kanya saka sya binigyan ng magaan na halik sa labi. "Hindi ka na galit sa akin?" Tanong nya imbis na batiin pabalik ang binata. Bumangon ang binata at umupo ng tuwid. Tumayo na din sya at napahiyaw ng bigla syang hilain ng binata paupo sa kandungan nito. Hindi na sya nakapagsalita ng ilagay ng binata ang baba nito sa balikat nya. Napalunok sya ng bahagya sya nitong hinalikan sa leeg. "Hindi. Nagtampo siguro. Hindi ko naman kasi kayang magalit sayo. Mahal na mahal kita." May paglalambing nito. Napangiti nalang sya. Hinaplos nya ang buhok nito at inihilig ang ulo sa binata. "Sorry. Wag ka ng magtampo, dito na ako titira gaya ng gusto mo." "Talaga?" Tumango naman sya at ngumiti kahit hindi naman ito nakikita ng binata. "Oo. Gusto din naman kitang kasama eh." "Thank you." Tumango lang sya. Ilang minuto silang nasa ganong posisyon bago napagpasyahan na kumain ng haponan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD