Chapter 18

2906 Words
" Allisa! " Tawag ni Lexus sa dalaga. Napalingon din ang mga kapwa nila estudyante dahil sa lakas ng pagtawag nya sa pangalan ng dalaga. Sino nga naman ang hindi mapapalingon kapag narinig mo ang boses nya. Isa yata sya sa pinagkakaguluhan ng mga babae. Pero kahit ganon ay nasa iisang babae lang ang buo nyang atensyon. Nasa kay Allisa Panaz lang. Ang babaeng nagpapatibok ng puso nya. Mas lumapad ang ngiti nya ng lumingon ang dalaga sa kanya at ng makita sya ay ngumiti ito ng matamis. Damn those smile. It make his heart melt and it make him fall in love on her over and over again. Tumakbo sya patungo sa kinatatayoan ng dalaga ng huminto ito. " Good morning L. " " Good morning din X. Mukhang masaya ka ah. " Nagsimula na silang maglakad ng sabay. Napapatingin din sa kanila ang mga ibang estudyante. 'Yong tingin na may paghanga at inggit. " Oo naman. Nakita kita eh. " Napangiwi sya ng bigla syang kurotin ng dalaga sa tagiliran. " Ang aga, ang mais muna. " " Asus! Kinilig ka naman. " Napaiwas ito ng tingin. Napangiti nalang sya dahil isa na namang araw na nakita nyang namumula ang mukha ng dalaga. Natutuwa sya kapag nagagawa nyang papulahin ang mukha ng dalaga. Alam nya kasing sya lang ang nakakagawa non kay Allisa. Isang taon. Isang taon na din ang nakakalipas simula ng maging okay sila. Simula ng mapagdesisyonan nilang magsimula ulit. Simula ng matanggap nila ang pagkakamali ng isa ay naging okay na sila. Mas naging matatag sila. Wala namang nang-bully sa dalaga dahil palagi nya itong kasama. May mga hindi tanggap ang relasyon nila dahil sinasabi nilang pinikot lang sya ng dalaga, pero syempre nandyan sya para ipagtanggol ang dalaga. Linggo lang ang lumipas ay napanatag na sya ng matanggap din ng mga ito ang relasyon nila. NAKAHIGA SA kama si Allisa habang nakatingin sa kisame. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi nya. Gabi na pero hindi pa sya tinatawagan ni Lexus. Napatingin sya sa relong pambisig. Mag-a-alas syete na ng gabi. Ilang oras nalang ay matatapos na ang araw. Hindi nya tuloy maiwasang malungkot at magtampo sa binata " Ni hindi man lang nya naalala. " May pait nyang sambit. Umayos nalang sya ng higa at ipinikit ang mga mata. Matutulog nalang sya para hindi nya isipin ang binata. Naiinis sya dito at nagtatampo. Sabado ngayon pero hindi nagparamdam sa kanya ang binata. Ni hindi man lang nag-text. Ano naman kayang pinagkaabalahan non? Nako! 'Wag lang nyang malaman-laman na may iba itong babae dahil mapuputol talaga nya ang pwedeng maputol sa binata. Inabot nya ang nag-iingay na cellphone na nasa bedside table nya saka sinagot ang tumatawag ng hindi tinitignan ang caller. " Ano!? " Paasik nyang tanong. Beast mode sya ngayon, kaya kung sino man ang tumawag sa kanya ay pasensya nalang sya kung nasinghalan sya. " Bakit mukhang bad mood ang baby ko? " Napakalambing ng boses nito. Imbis na mawala ang inis nya dahil sa lambing ng boses nito ay mas lalong nadagdagan ang galit nya. " Buti naman at naisipan mo pang tumawag. " Hindi nya mapigilang maging sarkastiko. Naiinis sya. Naiinis sya sa binata. Parang gusto nya itong suntukin sa mukha para lang mawala ang inis nya dito. Pero ang tanong ay kaya nya ba? Mukhang hindi, mahal nya ang binata eh. " Sorry baby. May ginawa lang ako. " " Ah talaga? Talagang whole day? " asik nya dito. " Baka naman may iba ka ng babae Lennon. Nako! Sinasabi ko sayo Lexus Lennon puputolin ko talaga ang lahat ng pwedeng putulin sayo! " Asik nya sa binata pero tinawanan lang sya. Sa sobrang inis nya ay pinatayan nya ito ng tawag. Segundo lang ang binilang nya ay tumawag ulit ang binata. " Ano!? " " Sorry na L. Please? Wag ka ng magalit. " " May iba ka na ba Lexus? Kay - - - " " Wala akong iba. Pangako. " Sansala ng binata sa iba pa sana nyang sasabihin. " Ikaw lang ang mahal ko L. Alam mo naman na baliw na baliw ako sayo eh. " Hindi nya mapigilan ang ngumiti. Parang isang bula ang galit nya at bigla nalang itong nawala. Nagsalita ulit ang binata nang hindi sya nakasagot. " Nandito ako sa baba, magbihis ka ng damit na komportable ka. Hihintayin kita. " Bago pa sya makapagtanong ay pinatay na nito ang tawag. Tulala syang napatingin sa cellphone nya. Isang minuto bago rumihestro sa isip nya ang sinabi ng binata. Nasa baba ito at hinihintay sya. Yon na ata ang pinakabilis nyang pagkilos sa pagbihis. Tanging faded jeans at green blouse lang ang sinuot nya. Ang sabi naman ng binata ay magbihis sya ng damit na komportable sya. Ito na 'yon. Nang makababa sya ay nakita nya ang binata na nakasandal sa hood ng kotse nito. Hindi nya alam kung hindi sinasadya na katulad sila ng kulay ng damit. Sa paglipas ng isang taon na naging magkasintahan sila ay mas lalo itong nagiging gwapo sa paningin nya. " Hey. " bati nito ng makalapit na sya dito. " Hey, gwapo natin ah. Saan lakad natin? " biro nya dito. Imbis na sagotin sya nito ay nginisihan lang sya at pinagbuksan ng pinto. Napailing nalang sya bago pumasok. " Saan tayo? " Tanong nya ng makasakay na ang binata sa driver seat. Binuhay nito ang makina at tiningnan sya. " Secret. " Napailing ulit sya at hindi na ulit nagtanong. Excited sya kung saan man sya dadalhin ni Lexus. Sa isang taon din kasi na naging magkasintahan sila ay wala itong araw na sinu-surprise sya, lalo na kapag nagda-date sila. Napatingin sya sa labas ng huminto ang sasakyan. Napakunot-noo sya at nagtatanong na bumaling sa binata. " Anong ginagawa natin dito? " Katulad kanina ay hindi na naman sya nito sinagot. Lumabas ito at lumipat sa inuupuan nya saka sya pinagbuksan. Nagtataka sya kung anong ginagawa nila doon at mas lumalim ang gatla nya ng pumasok sila at dumiretso sa elevator. " Bumili ako ng condo unit dito last week. " pagsisimula ng binata. Napatitig sya dito. " Bakit hindi ko alam? " Hindi na nakasagot ang binata ng tumunog ang elevator at bumukas ito. Hinala ulit sya ni Lexus at huminto sa isang gray door. Inilahad ng binata ang kamay sa pintuan. " Surprise. " Tuluyan na nitong binuksan ang pintuan at napatanga sya ng makita ang loob. Hindi sya simpleng condo unit katulad ng iba. Paano nya nasabi? May condo unit ba na maraming red roses petals ang sahig. Pumasok sya at pinagmasdam ang loob. Puno ng mga red at pink balloons ang kisame. Pero hindi lang 'yon basta-basta mga balloons. It was a heart shape balloon and it craves a letters. Happy 1st Anniversary Mahal ko. Sa ilalim naman ng mga balloon ay mga picture nilang masayang magkasama. Sa mga balloon naman na may nakasulat na letters ay sa ilalim non ay nakasabit ang litrato nila nong una silang nagkakilala, hanggang sa pag-celebrate nila ng first monthsary hanggang sa eleventh monthsary nila. Sa ilalim naman non ay ang table for two for dinner. Katulad ng kulay ng mga balloon ay red and pink din ang kulay non. May champagne pa. Hinarap nya ang binata para sana kausapin ngunit hindi natuloy ng siniil sya nito ng halik. Pinagdikit ng binata ang noo nila ng maghiwalay ang mga labi nila. " Happy anniversary mahal ko. " Pinagkiskis nya ang mga ilong nila at binigyan ito ng isang mabilis na halik. " Happy anniversary din mahal ko. Akala ko nakalimutan mo. " Napapikit sya ng haplosin nito ang mukha nya. " Kaya ba bad mood ka kanina? " Tumango naman sya. She smiled when she heard him chuckle. It sound music to her ears. " Silly. Paano ko naman makakalimutan 'yon kung palagi itong araw na 'to ang palagi kong hinihintay. " Bahagya syang lumayo sa binata para titigan ito. Nakikita nya ang kislap ng kasiyahan sa mukha nito at masaya sya dahil nakikita nya itong masaya. " Hinihintay mo ang araw na 'to? " " Yeah. " walang pagdadalawang isip na sagot nya saka hinaplos ulit ang mukha nya at tinitigan sya sa mata. Those gray eyes that captivated her heart for the first time she saw it. Naglalakad sya para maghanap ng maganda at tahimik na lugar para mag-aral. Habang naglalakad sya ay may humintong grupo ng mga babae sa harap nya. Napakunot-noo sya. Anong ginagawa ng mga ito? Parang may hinahabol ang mga ito. Hindi na sana nya ito papansin at patuloy na maglalakad ng harangin sya ng isang clown este babae. Sa tingin nya ay ito ang leader ng mga ito dahil sa kapal ng make up. Natawa nalang sya sa naisip nya. Pakapalan na pala ng make up ngayon para malaman kung sino ang leader ng grupo. " Miss nakita mo ba sya? " " Sino? " Napatanga sa kanya ang babaeng nagtanong. Parang gulat ito sa naging tanong nya. " Si Lexus Lennon. My god! Hindi mo sya kilala? " Naiirita nyang tanong. Napairap naman sya. Duh! Sikat ba ang lalaking 'to para makilala nya. Isa pa wala syang pakialam sa lalaking hinahanap nila. Napatingin sya sa likod ng babae. Nanlaki ang mga mata nya na makita ang dami ng babae na naghihintay sa magiging sagot nya. Lihim syang napailing, kawawa naman ang lalaking hinahabol nila. Siguradong hindi sya tatantanan ng mga ito. " Ahhh... Nandon sya oh! " Hindi nya alam kung bakit lumabas sa bibig nya 'yon at kahit saan nalang napaturo ang daliri nya. " Tara don! " Napailing nalang sya ng makitang sabay-sabay itong tumakbo sa direksyon na tinuro nya. Kawawang lalaki. Ani nya sa isip nya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makakita sya ng puno sa hindi kalayuan ay napagpasyahan nya na doon nalang mag-aral. Medyo tago kasi 'yon kaya walang iistorbo sa kanya. Napahinto sya sa paglalakad ng may mahagip sya sa isang puno. Nilapitan nya ito at tinitigan ang mukha. Para syang natulala sa nakita. Para syang nakakita ng Greek goddess sa sobrang gwapo nito. Dahil sa nakapikit ito ay malaya nyang napagmasdan ang mukha nito. May makapal itong kilay na bumagay naman sa hugis ng mukha nya, ang matangos nitong ilong at ang manipis saka mapula-pula nitong labi. Kahit hindi nya pa nakikita ang mga mata nito ay hindi nya mapagkakailang gwapo ito. She wonder kung gaano kaganda ang mga mata nito. Parang may sariling isip ang katawan nya at mas lumapit pa sa lalaki. She's really wondering and it's killing her. And when the man open his eyes, her heart started to beat like crazy. Those gray eyes like ashes. Mas lalong gumwapo ang lalaki sa paningin nya ng makita ang mala-abo nitong mga mata. It's like hypnotising her, to see much closer. Pero hindi nya iyon nagawa ng bumakas sa mala-abo nitong mga mata ang gulat. Doon nya lang na-realize na ang lapit na pala nila sa isa't-isa, pero hindi sya lumayo dito at patuloy lang na tinitigan ang mga mata nito. She can't look away and she don't know why! Nang makita nitong unti-unting lumalaki ang mga mata nito dahil sa gulat ay napagdesisyonan na nyang lumayo. Napangiti sya sa nakitang reaksyon ng binata na sinapo ang dibdib, siguro ay dahil sa gulat. Pero agad ding nawala ang ngiti nya ng tumingin sa kanya ang binata. Tiningnan nya ito ng naka-poker face. " Ikaw siguro si Lexus no? " Hindi nya alam kung saan nanggaling ang tanong na 'yon. Basta bigla nalang 'yong lumabas na bibig nya. Napakunot-noo ito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. O-okay, bakit ang weird ng mga tao ngayon? Sya lang ba ang hindi nakakakilala sa Lexus Lennon na 'yon? " O-Oo. " May pagdadalawang isip pa nitong sagot. Itinabingi nya ang ulo nya at tiningnan ang binata mula ulo hanggang paa, balik na naman sa ulo. " Bakit ka ganyan makatingin? " Maangas nitong tanong pero ramdam naman nya na may pagkailang ang boses nito. " Kaya pala. " Ani nya pa habang tumatango-tango at hawak ng isa nyang kamay ang baba nya at nakatingin sa binata. " Anong kaya pala? " " Kaya pala para silang baliw na baliw kakahanap sayo. Gwapo din pala ang hinahabol nila. " Hindi nya maiwasang sabihin dito ang nakikita nya. Napangiwi ito. Bakit kaya? Compliment naman 'yong sinabi nya. " Bakit? Nagiging kagaya ka na rin ba nila? Hahabolin mo rin ba ako? " This time, sya naman ang napangiwi sa sinabi nito. Gwapo sana pero mahangin naman. Ano naman kayang nagustohan ng mga babae dito? Masyadong mahangin at malaki ang kumpyansa sa sarili. Sabagay may maipagmamalaki naman talaga ito. Pero kailangan talagang buhatin pa nito ang sariling upuan? Napailing nalang sya. " Nandito po ako para mag-aral hindi para maghanap ng gwapo. Tsk! " Pagsusungit nya dito at iniwan na nakatulala. Kumawala sa labi nya ang isang malapad na ngiti. God! Ito ang unang beses na naka-appreciate sya ng mukha. At lalaki pa! Napailing nalang sya. " Sorry. " Hinalikan ng binata ang tungki ng ilong nya para mabalik sya sa realidad. " Inihanda ko kasi ito lahat para sayo. " " This is too much X. Alam mo naman ako, simpleng date lang ay okay na ako. " " I know. Pero sadyang mahal kita para hintayin at paghandaan ang una nating anibersayo. I love you baby, I always do. " She nodded and give him a three sweet little kisses on his lips. " I know. I know. I love you too baby. I always do. " Siniil sya nito ng halik sa labi na puno ng pagmamahal, so she kiss him back with all her love to this man. Hindi nya aakalain na magmamahal sya ng ganito kalalim at sa isang kagaya pa ni Lexus. Wala na syang hahanapin pa sa lalaki. Lahat ng gusto nya ay nasa binata na. Mabait, inaalagaan sya, pinapasaya at mahal na mahal sya. Ganon din naman sya sa binata. Kaya pinapangako nya sa sarili nya na hinding-hindi nya papakawalan ang katulad ni Lexus. He would be the first and the last man that she will love. " Ang sarap ng pagkain. Ikaw ba nagluto? " Natapos na silang kumain ng dinner at ngayon ay magkatulong silang naghuhugas ng pinggan. " No. " nakasimangot nitong sagot. " In-order ko lang 'yon. Alam mo naman na hindi ko kaibigan ang pagluluto. "   Nilagyan nya ng bula ang tungki ng ilong nito na ikinatawa ng binata. " Okay lang 'yon. Mahal parin naman kita kahit hindi ka magaling sa pagluluto. " " Talaga? " Tumango naman sya. " Oo naman. " Pinunasan nya ang kamay nya ng matapos na silang maghugas at sinapo ang mukha ng kasintahan. " Minahal kita dahil ikaw ay ikaw. Minahal kita kahit na hindi ka marunong magluto, at kahit hindi ka matuto, hindi non mababawasan ang nararamdaman ko para sayo. Mahal kita maging sino o ano ka man. I love you, you and your weakness and your failures. " Tinugon nya ng halik na puno ng pagmamahal ng siilin na naman sya nito ng halik. Halik na ramdam nila ang pagmamahal sa isa't-isa. Hinihingal silang dalawa ng maghiwalay ang mga labi nila. Nagulat sya ng biglang lumuhod si Lexus at may kinuhang gray velvet box. " I love you L. " binuksan nito ang hawak na box at bumulaga sa kanya ang isang gray diamond ring. " Limang buwan na tayo bilang magkasintahan ng binili ko 'to. I know, bata pa tayo at gusto mo pang-magtapos ng pag-aaral pero hindi na ako makapaghintay na maging akin ka. I'm not saying that na ikasal agad tayo. Gusto ko lang na officially, as in officially na maging akin ka. And this ring. " kinuha nito ang singsing at isinuot sa palasingsingan nya. " Is the symbol that you are mine and mine alone. Ayaw ko na may kaagaw sayo at mas lalong ayoko na maagaw ka sa akin. Kaya ngayon palang, binabakuran na kita. At kapag sinabi mong Yes, para mo naring pinapangako sa akin na ako lang at ako na ang pakakasalan mo. " hinalikan nito ang palad nya. " Please say yes baby. Kasi para sa akin, una palang kitang nakita sinabi ko na sa sarili ko na ikaw na talaga ang babaeng papakasalan ko. Please, please say yes baby. " Hindi nya mapigilang mamilisbis amg mga luha habang sinasabi sa kanya 'yon ni Lexus. Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at pinatayo saka niyakap ito ng mahigpit. Marami syang pangarap at isa na ang pangarap nyang makasama habang buhay ang lalaking mahal nya at 'yon ay si Lexus. " Yes, yes I will marry you. " Umabot sa mata ang ngiti na kumawala sa labi ng kasintahan. Natawa sya ng pinugpog sya nito ng halik, sa mukha, sa noo, sa pisngi at sa labi nya. " Thank you, thank you. I love you. I love you so much. " Hindi na sya nagatugon ng halikan sya nito sa labi. Buong puso nyang tinugon ang halik nito. Pinulupot sya ang braso sa leeg ng kasintahan para mas mapalalim pa ang paghahalikan nila. Hinapit ni Lexus ang bewang nya pahapit sa kanya. Hindi nya alam kung ilang minuto na sila naghahalikan basta naramdaman nalang nya sa likod ang malambot na kama ng hindi parin napuputol ang paghahalikan nila.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD