Chapter 17

1489 Words
Araw na naman ang lumipas. Hanggang ngayon ay hindi parin sya pinapansin ni Lexus. Ipinatong nya ang baba nya sa magkadikit nyang palad. Wala sya sa mood, hindi nya alam pero wala syang gana. Ni hindi nga sya kumain eh. Ilang araw na din syang walang ganang kumain. Hindi nya alam kung dahil ba ito sa hindi pagpansin sa kanya ng binata. Naapektohan na ang kalusugan nya. Hindi nya lubos maisip na nakakawalang gana din pala kapag nasaktan ang puso mo. Marahas syang napabuga ng hangin. Bakit ba sya nagkakaganito? Kasalanan din naman pala nya. Walang ibang pwedeng sisihin kundi sya lang. Napatingin sya sa harap nya ng may inilapag doon. Parang nanubig ang bagang nya ng maamoy ang mabangong pagkain na nasa loob ng Styrofoam. Napangiti sya habang inangat ang tingin para sana pasalamatan ang nagbigay sa kanya. Pero ganon nalang ang pagkawala ng ngiti nya ng makita ang lalaking matagal na nyang gustong makausap. " A-Anong ginagawa mo dito? " Gusto nyang kutusan ang sarili dahil sa naging tanong nya. Talaga namang hindi na nakapagtataka kung nandito sya dahil magka-klasi din naman sila. Hindi sya nito sinagot, sa halip ay kumuha ito ng isang upuan at umupo sa harap nya. Napatitig sya sa binata ng buksan nito ang styrofoam saka inilagay ang kutsara't tinidor sa ibabaw ng pagkain. " Eat. " Wala sa sariling napasunod sya. Simula ng mag-away sila ay parang ngayon lang sya nagkaroon ng ganang kumain ulit. Hindi nya pinansin ang pagtitig sa kanya ng binata. Basta kain lang sya ng kain, parang ngayon lang sya nakaramdam ng gutom. Pakiramdam nya ay ilang taon syang hindi nakakain. Nang matapos sya ay nilahadan sya ng binata ng mineral water. Kahit nag-aalinlangan ay kinuha nya ito at ininom. Napasandal sya sa upuan nya saka hinimas ang tyan nyang busog. " Argh! Busog na busog ako. " " Good. " Napahinto sya sa paghimas sa kanyang tyan at napatingin sa kaharap nya. Nakatitig ito sa kanya ng matiim. Parang ngayon lang sya nakaramdam ng hiya. " Salamat pala sa pagkain. " Nahihiya nyang pasasalamat. Tanging tango lang ang sinagot ng binata at patuloy syang tinigan. Pakiramdam nya tuloy ay wala syang ulo kung makatitig sa kanya ang binata. Akmang magtatanong na sya kung bakit ganito ito makatingin ng bigla itong magsalita. " Pumayat ka. " Napaiwas sya ng tingin. Napansin pala nito. Hindi sya nakasagot dahil hindi nya alam kung anong isasagot o sasabihin. " Hindi ka ba masyadong kumakain? " Napatitig sya sa binata, pero wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa styrofoam na nililigpit nya. Dahil sa ginagawa ng binata ay malaya nya itong napagmamasdan. Ngayon nya lang napansin ang medyo maitim sa ilalim ng mga mata nito, tanda na hindi ito masyadong nakakatulog. Gaya nya rin ba ay hindi din ito mapakali habang may samaan sila ng loob? Wala sa sariling hinawakan nya ang mukha ng binata. Napaangat ng tingin sa kanya ang binata na may gulat sa mukha. Biglang nanubig ang mga mata nya ng magtagpo ang mga mata nila. How she miss this kind and handsome right sitting in front of her. Hindi na nya napigilan ang luha at may nalaglag na na isang butil ng hawakan ng binata ang kamay nya na nasa mukha nito at hinalikan ito. " I miss you. " Hindi na nya napigilang sabihin iyon sa binata. Wala syang narinig na tugon. Nakapikit lang ang binata habang nasa labi parin nito ang kamay nya. Ganon ang posisyon nila ng ilang minuto. Nang magmulat ang binata ay pinunasan nito ang mga luha nyang masaganang nagsibagsakan. " Na-miss din kita. " Dahil sa narinig ay walang sere-seremonyang niyakap nya ang binata ng mahigpit. Dahil sa sobra nyang pagka-miss sa binata ay hindi na nya namalayan na nakaupo na pala sya sa kandungan nito. Ang importante sa kanya ay na-miss din sya ng binata at nayayakap nya ito ngayon. Ang tagal din nyang hinintay ang araw na 'to. Salamat sa diyos at nadinig din ang matagal na nyang panalangin. " Hindi ka na ba galit sa akin? " Tanong nya habang nakayakap parin sa binata. Parang ayaw na nyang pakawalan ang binata dahil baka isa lang itong panaginip. Na kapag humiwalay sya ay maglaho nalang bigla ang binata. Mas hinigpitan pa nya ang pagkakayakap kay Lexus, ganon din naman ang ginawa ng binata. " Hindi ko naman kayang magalit sayo eh. Siguro nagtatampo lang. Mahal kita L, kaya masakit sa akin na itago mo ako sa ibang tao na para bang nahihiya kang malaman nilang tayo. " Walang imik syang umiyak. Hindi nya akalain na 'yon pala ang iniisip ng binata kaya gusto nyang itago ang relasyon nila. Ang kanya lang naman ay gusto nya parin ng tahimik na buhay sa loob ng campus. Pero alam nya na nang oras na tinanggap nya si Lexus sa buhay at puso nya ay hindi na magiging tahimik ang buhay nya. Dapat alam na nya 'yon. " Sorry. I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita. Please, bigyan mo pa ako ng isa pang-pagkakataon. Promise, hindi na mangyayari 'to. Mahal na mahal kita X. Mahal na mahal. " " Shhh... Hindi mo kailangang mag-please. Sorry din kung hindi agad kita pinansin at tiniis pa kita. " Agad naman syang umiling. " Hindi. Hindi mo naman kasalanan eh. Kasalanan ko. " Binaklas ni Lexus ang kamay nya at pinaharap sya sa kanya. Sinapo ng binata ang magkabila nyang pisngi. " Shh... Pareho tayong may kasalan at napatawad na kita sa nagawa mo. Ngayon na nagkaintindihan na tayo. Pwede ba... " Hinawi nito ang ilang takas nyang buhok na nakaharang sa mukha nya at inipit ito sa likod ng tenga. " Magsimula ulit tayo? " Walang pagdadalawang isip na tumango sya na may matamis na ngiti sa labi. " Oo naman. Ang tagal ko din itong hinintay, na maging okay tayong dalawa. " Isang matamis na halik ang natanggap bilang tugon nya mula sa binata. Ilang segundo lang na magkalapat ito hanggang sa magsimula ng igalaw ng binata ang labi nya. Walang pag-aalinlangan na iginalaw din nya ang mga labi nya. Napahawak sya sa batok ng binata para doon kumuha ng lakas dahil pakiramdam nya ay nanghihina ang nga tuhod nya. Buti nalang ay nakaupo sya, kung hindi baka bumagsak na sya sa sahig. Isang impit na ungol ang kumawala mula sa labi nya ng biglang hapitin sya ng binata sa bewang papalapit dito. Ilang minutong magkalapat ang labi nila bago ito naghiwalay at pareho silang habol ang hininga. " God, I miss you L. " Napangiti sya sa narinig nya mula sa binata. Hinihingal ito habang hinahaplos ang mukha nya na nakadikit sa noo nya. Napapikit nalang sya at ninamnam ang mainit nitong palad sa mukha nya. " Hindi mo lang alam kung gaano kita na-miss X. " Napangiti din ang binata sa sinabi nya. God, how she miss his smile. 'Yong ngiti na nakikita nyang may kislap ng pagmamahal para sa kanya. God know how much she love that smile of him. Akmang maglalapat ang mga labi nila ng may marinig sila ng isang boses lalaki. " Ang agang porn ah. " Napabaling sila sa pintuan dahil doon nanggagaling ang boses. Napairap nalang sya ng makita si Shawn. " Get a room guys. Malapit ng magsidatingan ang mga kaklasi nyo. " Pagkatapos nitong sabihin 'yon ay umalis na ito. Agad din naman syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan ng binata. Nagulat sya ng bigla syang hawakan sa palapulsohan ng binata at hinila paalis ng classroom. " Sandali, saan tayo pupunta X? May klasi pa tayo. " Nagtataka nyang tanong. Napapatingin sa kanila ang mga kapwa nila estudyante habang naglalakad sila sa hallway. Pero mas nakatitig ang mga mata nila sa kamay ni Lexus na nakahawak sa palapulsohan nya. " Sabi ni Shawn, get a room daw kaya 'yon ang gagawin natin. " Hindi agad nag-sink in sa utak nya ang sinabi ng binata. Anong get a room? Anong ibig nitong sabihin? Nagugulohan sya. Nang tuluyan nyang ma-gets kung anong ibig nitong sabihin ay nanlaki ang mga mata nyang napatingin sa binata. Hindi nya namalayan na nasa loob na pala sya ng sasakyan nito at isinusuot na sa kanya ang seat belt. Akmang magpoprotesta na sya ng bigla nitong ilapat ang labi nito sa labi nya. Nang maghiwalay ang labi nila ay may ngisi ito sa labi. Akmang magsasalita sya ng hinalikan ulit sya nito. It was just a sweet pick kiss. " Don't worry. Nagbibiro lang ako. " Umayos na ng upo ang binata at ito naman ang nagsuot ng seat belt. Nakahinga sya ng maluwag dahil sa sinabi ng binata. Alam naman nya na hindi talaga sya pipilitin ng binata lalo na kapag ayaw nya. " Saan ba kasi tayo pupunta? Saan mo ba ako dadalhin? " Tanong nya uli. Binuhay muna ng binata ang makina at tiningnan sya ng may matamis na ngiti sa labi bago ito sumagot. " Date. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD