Chapter 16

1556 Words
HINDI na tumutol si Allisa ng tumabi ng upo sa kanya si Shawn. Tahimik lang sila. Uwian na pero ayaw pa nyang umuwi. Wala din naman syang pasok dahil nag-live sya. Wala kasi syang ganang magtrabaho at kapag nasa trabaho naman sya ay wala naman sya sa sarili nya. " Ayaw mo pang umuwi? " " Ayaw ko pa. " Muling namayani sa kanila ang katahimikan. Napapikit nalang si Allisa at ninanamnam ang sariwang hangin. May munting ngiti ang namuo sa labi nya ng maalala nya kung paano nya nakilala si Shawn Bautista. Ang lalaking katabi nya ngayon. *** Napatingala sya para makita ang nabunggo nya. Nanlalabo ang mga mata nya habang inaaninag ang mukha ng nabunggo nya. Kahit malabo ang paningin nya ay alam nya na isa itong lalaki dahil sa uri ng buhok nito na nakatayo ang style. Napayuko nalang sya at pinunasan ang mga luha nya na walang tigil sa paglaglag. Nasasaktan sya. Nasasaktan sya sa mga naririnig nya na mga negatibong sinasabi tungkol sa kanya. Pero mas nasasaktan sya dahil sa inakto ni Lexus. Ni hindi man lang sya nito ipinagtanggol. Imbis na makaramdam ng galit at tampo sa binata ay mas nanaig ang pagkaintindi nya dito. Kahit masakit sa kanya ay naiinitindihan nya kung bakit ganon nalang ito sa kanya. Kung bakit hindi sya nito pinagtanggol. Kasalanan din naman nya. Walang ibang pwedeng sisihin kundi sya. Napaangat sya ng tingin ng makitang may itim na panyong nakalahad sa harap nya. Kahit nagdadalawang isip ay tinanggap nya ito ay pinunasan ang luha nya. " S-Salamat. " " Hmm, let me guess. Boyfriend? LQ? " Napaangat sya ng tingin para makita ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng panyo. Hindi sya nakasagot kaya inilahad nalang ng lalaki ang kamay nito. " Shawn Bautista. Ikaw si? " Suminghot-singhot muna sya bago tinanggap ang kamay nito. " Allisa Panaz. " NAKAUPO silang dalawa habang nakasandal sa isang puno ng narra. Inilalayan sya kanina ni Shawn na maupo sa malinis na damohan para doon kumalma. Ilang minuto na silang, nakaupo doon ay wala paring nagsasalita sa kanila. Hindi umimik ang binata habang umiiyak at inilalabas nya ang lahat ng sakit na kinikimkim nya. Nang kumalma na sya ay hinarap nya ang binata. " Salamat pala sa panyo. " " Alam mo bang may bayad 'yan? " Nagulat sya sa sinabi ng binata. May bayad? May bayad ang panyong pinahiram sa kanya? Napairap nalang sya sa hangin. " Sana sinabi mo ng hindi ko nalang 'to tinanggap. " Mahina namang natawa ang binata na ikinanoot ng noo nya. Baliw ata 'to eh. Sabi ng isip nya habang nakatingin sa binata. Napatitig sya sa mukha ng binata habang tumatawa ito. Hindi maipagkakaila na gwapo ito. May manipis at mapupulang labi. Matangos ang ilong at nawawala ang mata sa twing ngumingiti lalo na kung tumatawa. Tumigil ito sa pagtawa at tumingin sa kanya at ngumiti. " Baka ma-in love ka sa akin nyan Ally. " Napaiwas sya ng tingin sa tinuran nito. Nagtaka sya sa sarili nya at napangiti din kalaunan. Hindi uminit ang mukha nya o kaya naman ay bumilis ang pagtibok ng puso nya. Tanging kay Lexus lang nya nararamdaman ang mga 'yon. Ganon nga nya siguro kamahal ang binata, na kahit sa ganito kagwapong nilalang ay hindi magawang tumibok ng mabilis ang puso nya gaya ng nangyayari sa twing kasama nya ang binata. " Hindi din. " " Asus! Bakit naman hindi? Sa gwapo kong 'to. " Nakangiwi syang bumaling kay Shawn. Ang hangin naman nito. Bakit ba kapag alam nila na gwapo sila ay mas pinagmamalaki pa nila. Sabagay, may maipagmamalaki naman talaga sila. " Ang hangin ah. " " Haha totoo naman eh. " Napairap nalang sya ng mag-pogi sign ito. Napangiti nalang sya sa kahanginan nito na totoo naman na gwapo sya. " Anyways, bakit ka pala umiiyak kanina habang tumatakbo? Ayan tuloy, nabunggo ka sa matipuno kong katawan. " " Seriously? " Hindi makapaniwalang tanong nya sa binata na ikinatawa lang nito. Napapailing nalang sya. " So bakit nga? " " Close tayo? " Balik tanong nya dito. Kung makatanong kasi akala mo close friend sila, eh kakilala nga lang nila kani-kanina lang. Napaigta sya ng dumikit ito sa kanya. " Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? " Umatras sya para makalayo sa binata pero hindi sya nagtagumpay dahil ipinulupot nito ang braso sa balikat nya. " Oh, ayan. Close na tayo, kaya pwede ka ng magkwento. " Hindi makapaniwalang nakatingin sya sa binata. Tinaas-baba pa nito ang dalawang kilay. Hindi na nya napigilan ang sarili at binatukan ito para mapabitaw ito mula sa pagkaakbay sa kanya. " Aray! Masakit 'yon Ally ha. " Reklamo nito habang nakanguso at nakahawak sa batok. Napangiti nalang sya sa ka-cutan ng lalaki. Childish! " Ewan ko sayo. " Irap nyang ani sa binata. Nagulat sya ng bigla nalang nitong pinisil ang ilong nya. " Ang cute mo talaga. " Tinampal nya ang kamay na nasa ilong nya. " 'Wag mo nga akong hawakan. " " Ang sungit naman nito. " Parang gusto nyang sya na naman ang pumisil sa ilong nito dahil nacu-cutan sya pero pinigilan nya lang. Hindi naman kasi sila close para pisilin nya 'yon. " Anyways, ano na nga? Bakit ka umiiyak kanina? " Tinitigan nyang mabuti ang binata at sa hindi malamang kadahilanan ay nagsimula ng bumuka ang bibig nya at nagkwento. Lahat ikinwento nya. Sa simula hanggang sa nangyari kanina. Hindi nya alam kung saan galing ang gaan na pakiramdam nya sa binata basta 'yon ang nararamdaman nya ngayon kaya malaya syang nailalabas ang mga kinikimkim nya. Kay Shawn lang nya ito nakukwento ang nangyayari sa buhay nya, syempre maliban kay Lexus na alam na ang kwento ng buhay nya. " Kasalanan mo naman pala. " Napayuko sya sa una nitong komento pagkatapos nyang magkwento. " Alam ko. Kaya nga gusto ko syang makausap para maging okay na kami, pero ayaw na nya. " Malungkot nyang sabi habang tulalang nakatingin sa damuhan. Napaangat sya ng tingin sa binata ng tinapik nito ang balikat nya. " Okay lang 'yan. Kahit hindi ko pa nakikita o nakikilala ang Lexus na 'yan, nararamdaman ko na mahal ka parin nya. " " Paano ka naman nakakasigurado? " " Dahil lalaki din ako. " " Ano namang connect non? " " Sa sinabi mo kanina, nararamdaman ko bilang lalaki na hindi basta-basta mawawala ang pagmamahal nya sayo. Kapag ang lalaki nagmahal ng totoo, hindi 'yon basta-basta nawawala. Nasasaktan lang sya ngayon kaya ganon sya pero sigurado ako na mahal ka parin nya kaya 'wag ka ng mag-emote dyan. Sige ka papangit ka nyan. " Natawa nalang sya sa tinuran nito. " Baliw. " Naiiling nyang sabi. Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa kanila. Nabasag lang iyon ng may maalala sya. Napabaling sya sa binata na nakatingin sa mga halaman. " May naalala ako. " Napabaling sa kanya ang binata at may nagtatanong na tingin. " Ano 'yon? " " Ngayon lang kita nakita dito. Transferee ka ba? " " Yeah. " Napatango nalang sya. *** Simula ng araw na 'yon ay naging magkaibigan na sila. Ayaw nya sana kaso ang kulit ng lahi ni Shawn kaya wala syang nagawa. Hindi nya alam kung matutuwa sya o malulungkot sa inaakto ng binata. May pagkamakulit kasi ito, naalala nya si Lexus sa pagiging makulit nito. Mas lalo tuloy nyang nami-miss ang binata. Napabuntong hininga nalang sya. Kailan kaya sya papansinin at kakauspin ulit ni Lexus? Napamulat sya ng maramdaman nyang may nakatitig sa kanya. At tama nga sya. Nasa harapan nya si Shawn at titig na titig ito sa mukha nya. Hindi sya nag-iwas ng tingin at tinitigan din ang binata. Hindi naman sya nakakaramdam ng pagkailang dito kaya malaya nyang nasasalubong ang matiim na titig ng binata. " Bakit ganyan ka makatingin? " Ilang minuto pa itong tumitig sa kanya bago sumagot. Nagkibit balikat ito at umupo sa harap nya. " Para kasing nakita na kita. " " Ako ba pinagloloko mo? Malamang, isang linggo na tayong magkakilala kaya nakita mo na ako. " Napairap nalang sya sa kawerdohan ni Shawn. Minsan talaga parang ewan ito kaya minsan natatanong nya ang sarili kung paano nya ito naging kaibigan. " Alam ko. Pero, parang sa states kita nakita. " Tiningnan nya ito ng poker face. " Hindi pa ako nakakapunta don kay imposible 'yang sinasabi mo. " Nagkibit-balikat lang ito at hindi na nagsalita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD