Chapter 15

1091 Words
TATLONG LINGGO. Tatlong linggo ng nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi parin sya kinakausap at pinapansin ng binata. Nami-miss na nya ito at gusto na nyang bumalik sila sa kung ano sila dati. Nami-miss na nya ang lalaking mahal nya. Pabagsak syang umupo sa damohan at tumingala sa langit. Nagdadasal sa panginoon na sana pansinin na sya ng binata. Napabuntong hininga nalang sya ng maalala ang nangyari isang linggo ng nakakaraan. *** Nagmamadali syang pumasok sa silid kung saan magaganap ang una nilang subject. Laking tuwa nya ng makita ang binata na nakaupo sa dati nitong upuan at mag-isa lang ito. Ito na ang pagkakataon nya para makausap ang binata ng walang nakakakita sa kanila. Matagal na nyang gustong makausap ang binata pero naghahanap lang sya ng tamang tyempo na makausap ito ng sila lang. Hinihintay nya ito sa kubo pero hindi na ito pumupunta doon. Huminga sya ng malalim para makausap ng maayos ang binata. Kinakabahan sya pero kailangan nyang labanan ang kabang 'yon para makausap ang binata at para maging maayos na sya. Ayaw na nyang gumising ng isang araw na naman na iniisip na galit sa kanya si Lexus. Parang may sumasakal sa puso nya sa twing naiisip 'yon. Talagang nasasaktan sya sa sitwasyon nila ngayon. " X. " Bahagya syang napalunok ng tumingin ito sa kanya. Isang malamig at walang ekspresyong mga mata ang nakikita nya. Hindi na ito katulad dati kung tumingin sa kanya. Noon, kapag tumitingin ito sa kanya ay may kislap ng saya at pagmamahal ang mga mata nito. Pero ngayon ay wala na syang nakikita kahit katiting man lang. Ganon ba ka sama ang ginawa ko para mawala ang kislap na 'yon. Tanong ng isip nya. " Bakit? " Kung malamig ang tingin nya ay mas nakaramdam sya ng malamig ng magsalita ito. Kinakabahan sya pero hindi 'yon makakatulong sa kanya. Tama ng nagpadala sya sa takot noon. Humugot sya ng malalim na hininga bago nagsalita. " Pwede ba tayong mag-usap? " Buti nalang at hindi sya nautal ng magsalita sya dahil kung hindi ay mahahalata ng binata na kinakabahan sya. Hindi ito sumagot pero humarap ito ng upo sa kanya. Sapat na 'yon para malaman nya na makikinig ito. " Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa - - - " " Kalimutan mo na 'yon. Wala na akong pakialam don. " Tumayo na sya at nagsimula ng maglakad. Parang may pumiga sa puso nya dahil sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin? Na wala na syang pakialam sa kanya? Hindi na ba sya nito mahal? Pinigilan nyang huwag bumagsak ang mga luha nya. Huminga sya ng malalim at hinarap ang binata. " X, please - - - " Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng makitang nasa loob na ang mga kaklasi nila. Nakatingin sa kanya. Ang iba ay naaawa at ang iba ay may pandidiring tingin. Hinintay nyang ipagtanggol sya ni Lexus pero hindi iyon nangyari. Bahagya lang sya nitong nilingon pagkatapos ay walang sali-salitang umalis. Hindi na nya kayang pigilan ang mga luha kaya naman ay tumakbo sya palabas ng silid. Habang dumadaan sya sa mga kaklasi nya ay hindi nakaligtas sa pandinig nya ang mga negatibo nitong mga salita. " Akala mo kung sino tatahimik nasa loob pala ang kalandian. " " Yeah. Akala mo naman papatulan sya ni Lexus. " " Nangangarap ng gising girl. " Tuluyan na syang tumakbo paalis sa silid kung saan ang mga tao na nandoon ay hinuhusgahan sya. Naiinis sya sa mga taong mapanghusga, hindi naman nila alam kung anong totoong nangyari. Pero mas naiinis sya sa sarili nya dahil ang tanga nya. Hindi man lang nya napansin na may mga tao na pala sa loob ng silid. Napakatanga nya. Gusto nyang sabunutan ang sarili dahil sa katangahan nya. Takbo lang sya ng takbo. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Nanlalabo na din ang paningin nya dahil sa mga luhang kumakawala sa mga mata nya. Sa katatakbo nya ay nabunggo sya sa isang hindi masyadong katigasang bagay. *** Nabalik sa realidad si Allisa at napatingin sa panyo na nakalahad malapit sa mukha nya. Nakakunot noo syang nakatingin sa lalaking naglahad nito. " Ano naman 'yan? " Hindi ito sumagot. Sa halip ay umupo ito sa harapan nya at pinunasan ang pisngi nya. Hinawakan nya ang pisngi nya dahil sa pagtataka kung bakit nya ito pinupunasan. Ganon nalang ang gulat nya ng basa ito. " Isang linggo na ang nakakalipas pero umiiyak ka parin dahil sa kanya." Napaiwas nalang sya ng tingin, pero hindi din sya nakaiwas dahil hinawakan nito ang baba nya at pinaharap sya dito. Pinagpatuloy nito amg pagpunas sa mga luhang hindi nya namalayan na kumawala na pala. " Stop crying. He's not worth it. " Hindi nya alam pero bigla nalang syang napahagulgol ng iyak. Siguro dahil sa isiping, kahit sinasabi ng kasama nya ngayon na hindi karapatdapat si Lexus sa luha nya ay hindi nya mapigilang umiyak. Anong magagawa nya kung mahal nya ang taong iniiyakan nya. Nagiging iyakin na sya simula ng mag-away sila ni Lexus. Hindi nya maiwasang umiyak kapag naaalala nya ang binata, lalo na kung gaano sya nito kamahal dati at kaalaga. Sobrang miss na miss na nya ang binata pero wala syang magawa. Kasalanan din naman nya kung bakit nandito sila sa ganitong sitwasyon. Kasalanan nya dahil mas pinairal nya ang takot nya. Takot sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya kapag nakita sila na magkasama. Dahil sa pinairal nya ang takot nya kaya ngayon ay nasasaktan sya. Dapat naging matapang sya. Dapat handa syang ipaglaban kung ano man ang meron sila ni Lexus. Dapat handa sya ng umamin sya na mahal nya ito. Kung sana hindi nya pinairal ang takot... Kung sana. Pagdating sa pag-ibig, dapat handa at matapang ka. Dapat walang puwang ang takot kapag umibig ka. Dahil kapag pinairal mo ang takot at hinayaan mong lamunin ka nito ay hindi ka magiging masaya. Hindi mo maipaglalaban ang taong mahal mo. Maiisip mo nalang na dapat naging matapang ka kapag wala na ang taong mahal mo. Kapag huli na ang lahat. Kaya dapat, lumaban ka at maging matapang para makamit mo ang kasiyahan na gusto mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD