Napatingin ako sa cafe na pinagtatrabahoan ni Allisa ng marinig kong nagsasara na sila. Ilang minuto pa akong naghintay ng tuluyan na syang lumabas kasama ng mga katrabaho nya.
" Kita nalang tayo bukas Ally. "
" Okay. Ingat kayo. "
" Ikaw din. "
Nagkawayan pa sila bilang pamamaalam. Lumapit na din ako sa kanya. Bahagya pa syang nagulat ng pumihit sya paharap sa akin.
" Nakakagulat ka naman X. Anong ginagawa mo dito? "
Nagulat sya ng bigla ko syang niyakap. Napangiti nalang ako ng niyakap nya din ako pabalik. Ang sarap sa pakiramdam ang yakap nya. Nakakagaan ng pakiramdam.
" I miss you. "
May paglalambing kong sabi at mas niyakap nya. Napatawa naman sya. Humiwalay sya sa pagkakayap at bahagya pa akong pinalo sa braso.
" I miss you ka dyan. Eh nakita mo naman ako kanina. Baliw ka talaga. "
" Eh sa na-miss kita eh. "
Nakanguso kong ani. Napatawa sya sabay iling.
" Ewan ko sayo. "
" Ganyan ka naman eh. Hindi mo naman talaga siguro ako mahal kasi hindi mo naman ako nami-miss. "
Tumalikod pa ako sa kanya para maramdaman nya talaga na nagtatampo ako sa kanya. Hmp! Hindi nga nya ako sinusungitan pero pinagtatawana naman nya ako sa twing sinasabi ko na nami-miss ko sya.
Anong magagawa ko kung madali ko syang ma-miss. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
" Sorry na. 'Wag ka ng magtampo. Na-miss din naman kita eh. "
Palihim akong napahawak sa dibdib ko kung saan ang puso ko na nagwawala na dahil sa sinabi nya. Ramdam ko ang paglalambing ng boses nya habang nagsasalita.
" Hmm mukhang napipilitan ka lang naman sabihin na na-miss mo ako eh. "
Nagtaka ako ng bigla syang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin. Nagulat ako ng nasa harap ko na sya at pinamewangan ako. Napalunok ako ng makita ang mataray nyang ekpresyon. Oh-oh. Mukhang balik mataray na naman sya.
" Sinong nagsabi na napipilitan lang akong sabihin na na-miss kita at bibigwasan ako. "
Napatawa nalang ako ng ipakita nya pa sa akin ang kamao nya. Akala mo naman matatakot ako sa maliit nyang kamao. Nilapitan ko sya at inakbayan.
" Tara na nga. Ang siga talaga ng girlfriend ko. "
Napatingin ako sa kanya ng nagtataka ng bigla syang huminto. Kita ko sa mga mata nya ang gulat. Napatingin ako sa likod ko dahil baka may nakikita syang nakakagulat pero wala naman.
" Bakit? "
" S-Sinabi mong girlfriend mo ako? "
Tanong nya habang nakaturo sa sarili nya. Napatawa ako dahil sa ang cute nyang magulat. Nilapitan ko sya at ilang dangkal nalang ang layo namin.
" Bakit? Ayaw mo ba? "
Namula ang mukha nya na mas nakapagpangiti sa akin. Napaiwas sya ng tingin kaya hinawakan ko ang baba nya at pinaharap sa akin.
" Look at me. "
Tumingin naman sya sa mga mata ko. May nakikita akong kislap sa mga mata nya.
" Ayaw mo ba? "
" Syempre gusto ko. Akala ko kasi manliligaw ka pa. "
" Isang taon na akong nanliligaw sayo L. Ligaw tingin, pero kahit ganon sinisigurado ko naman na mararamdaman mong mahal kita. "
" Alam ko. "
Mas lumapit pa ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nya. Napatitig ako sa mapupula nyang mga labi. Parang may humihila sa akin para angkinin 'yon. Umangat ang tingin ko sa mga mata nya.
" Ayoko na din manligaw sayo dahil gusto ko akin ka lang. Akin lang. Mahal na mahal kita L at ayaw kong may umagaw sayo. Handa akong makipagpatayan sa kung sino mang poncio pilato ang mangangahas na agawin ka sa akin. "
Napatitig ako sa mga mata nya ng ngumiti ito. Para kong nakikita ang sarili ko sa mga mata nya. Ganyan na ganyan ang kislap na makikita sa mga mata ko sa twing nakikita ko sya. 'Yong kislap na may kasamang pagmamahal.
" Makasarili ako X. "
Napangisi ako sa sinabi nya. Hindi halata dahil kahit mahal nya ako ay pinamigay nya parin ako sa iba.
" Gusto ko akin ka lang din. Tama ng pinakawalan kita minsan. Hindi na 'yon mangyayari dahil simula ngayon, hindi na kita papakawalan. Wala na akong pakialam kung sabihin nilang makasarili ako. Basta akin ka lang. "
Napangiti ako. Makasarili nga sya pero gustong-gusto ko ang ugali nyang 'yon.
" Sayo lang ako L. "
" Sayo lang din ako X. "
Niyakap ko sya at hinalikan sa noo. Hinatid ko na din sya sa bahay nya dahil gabi na din. Hindi na din ako nagtagal at umuwi na din ako. Gusto ko na kasing magpahinga sya dahil alam ko na pagod sya sa trabaho nya.
Lunes na naman. Ibig sabihin may pasok na naman kami. Maaga akong nagising dahil makikita ko na naman si Allisa sa campus. Isang linggo din kasi kaming walang pasok kaya excited akong makita sya sa campus.
Kahit araw-araw ko naman syang nakikita sa pinagtatrabahoan nya dahil palagi akong tumatambay doon ay gusto ko parin syang makita sa campus.
Gusto ko syang makita at makausap sa loob ng campus at sa harap ng mga kapwa namin studyante. Dahil may relasyon na kami ay pwede ko na syang makausap sa public places. Pwede ko na syang makasabay pumasok o kahit magkasabay maglakad sa hallway.
Para akong high school student na araw-araw nae-excite pumasok dahil makikita na naman nya ang crush nya. Pero ang kaibahan sa akin ay excited akong pumasok dahil makikita ko na naman ang babaeng mahal ko.
Naglalakad na ako papunta sa building kung saan ang klasi ko. Napangiti ako ng makita ko si Allisa na naglalakad sa hallway. Nakatalikod sya sa akin, pero kahit ganon ay alam ko na sya 'yon.
Ganon nga talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Kahit saang anggulo ay alam mo na sya 'yon. Isa pa, sa higit isang taon magkasama kami ay kilalang-kilala ko na talaga sya kahit saang anggulo.
" Allisa! "
Sigaw ko sa pangalan nya. Napatingin sa akin ang mga kapwa namin estudyante dahil sa sigaw ko. Nagkaisa ang mga kilay ko ng hindi sya lumingon. Kahit nakatalikod sya ay alam ko na sya talaga 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.
" Allisa. "
Tumakbo na ako ng hindi sya lumingon. Nakita ko syang mabilis na naglakad sa daan patungo sa kubo. Mas binilisan ko pa ang takbo para mahabol sya. Nang malapit na ako sa kanya ay hinawakan ko sya sa braso at pinaharap sa akin.
" Hindi mo ba ako narinig? "
Nagtaka ako ng panay iwas ang tingin nya sa akin. Parang nababalisa sya.
" N-Narinig. "
" Bakit hindi ka huminto sa paglalakad o lumingon man lang. May problema ba? "
Nakunot ang noo ko dahil sa inakto sya. Basi sa inaakto nya ay nababalisa sya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at pinatingin sa akin.
" May problema ba? Sabihin mo. "
Kinakabahan ako sa inaakto nya. Bumuga sya ng hangin bago nagsalita.
" Pwede bang 'wag mo akong pansinin kapag nasa campus tayo? Gaya ng dati. "
Bigla kong nabitawan ang mukha nya at naguguluhang nakatingin sa kanya.
" Bakit? "
Napalayo ako sa kanya dahil parang hindi ako makahinga. Mas kinabahan ako ng makita ko ang mga mata nya na puno ng pagsusumamo.
" A-Ayaw ko lang ma-issue. "
Nakayuko nyang ani. Napatawa naman ako ng mapakla. Ayaw nyang ma-issue? f**k that reason!
Third Person's POV:
" Ayaw mo ma-issue o talagang hindi mo ako mahal? "
Biglang napaangat ng tingin si Allisa hindi dahil sa sinabi ng binata kundi dahil sa lamig ng tono nito. Kinabahan sya ng makita nyang walang kahit anong emosyon ang mukha nito.
" Hindi ganon X. "
" Eh ano? "
Napalunok sya at hindi nakasagot. Pakiramdam nya ay may bumabara sa lalamunan nya. Mas kinabahan sya ng bigla itong napatawa ng pagak at sinapo ang bibig nito na parang nagpipigil ng galit.
" Ano!? "
Napaigta sya ng bigla itong sumigaw.
Ito ang unang beses na sinigawan sya ng binata kaya hindi nya maiwasan makaramdam ng kaba.
" Pinaglalaroan mo lang ba ako Allisa? "
Galit nga ito dahil tinawag sya nito sa buo nyang pangalan. Lalapit sana sya pero lumayo ito. Parang may sumakal sa puso nya dahil sa paglayo ng binata sa kanya.
" Hindi kita - - - "
" Nakakatuwa bang paglaruan ang feelings ko? "
Putol ni Lexus sa iba pa nyang sasabihin. Sobrang dilim ng mukha nito. Nakakatakot pero hindi makakatulong kapag nagpadala sya sa takot.
" Hindi - - - "
" No. "
Sinenyasan sya nito na huwag lumapit gamit ang nakabukas nitong palad.
" Alam mo, tigilan nalang natin 'to. Kasi wala din naman 'tong patutungohan kung ganito ang gusto mo. Ayaw mong pansinin kita habang nandito tayo sa campus? It's fine with me. "
Nanunubig ang mga mata nya ng makita ang lalaking mahal nya na dahan-dahang umaalis. Nabuhayan sya ng loob ng lumingon ulit ito. Sinalubong nya ng may ngiti ang binata.
Alam nyang babalik ito dahil mahal sya nito at alam nyang hindi sya nito kayang tiisin. Pero nawala ang ngiting 'yon at tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha nya dahil sa sinabi nito.
" Alam mo. Mas makakabuting kalimutan nalang natin ang isa't-isa. "