┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Kung sino man ang magiging kapareha ko, I promise it will be worth your time to spend thirty minutes with me," wika ni Trenz. Nagpalakpakan naman ang mga kababaihan. Napayuko ng ulo si Mary at hindi na makatingin pa kay Trenz. Nakakaramdam siya ng panghihinayang, at nakakaramdam din siya ng selos kahit alam naman niya na walang pagtingin sa kanya ang kapatid ni Celestina. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Amore sa kanyang kaibigan na natahimik bigla. Ngumiti naman si Mary at ngumuso kaya natawa si Celestina at si Amore. "Excited sigurong maka-date si Sebastian mamaya," pang-aasar ni Celestina kaya nagkatawanan sila. Umismid naman si Mary at pasimpleng sinulyapan si Trenz, pero hindi na siya tinatapunan pa ng tingin ng binata. "Suplado!" bulong ni Mary kaya napal

