┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ang mga kalalakihang nakatapos na sa bidding ay nakatayo na lalong-lalo na ang mga Dux. Nagpoprotesta sila at hindi nila matanggap na ang unang bidding kay Marcus ay one billion agad. "Lo, ano nangyari? Bakit kami piso-piso lang tapos sa kanya ay one billion agad? Unfair naman yata ng labanan? Akala ba ninyo hindi kami worth it sa halagang bilyones?" may inis na ani ni Hugo sa kanilang lolo. "Oo nga naman lolo? Bakit kay Marcus one billion agad? Iba talaga kapag paboritong apo," may himig tampo naman ni Hanz. Natawa ang lolo nila pero hindi nagsasalita. Napatingin ito kay Marcus na tuwang-tuwa dahil magsisimula ang bid sa kanya sa halagang one billion pesos. "Bakit naman ganuon? Bakit kailangang maging malaki ang halaga ng kay Marcus samantalang pare-pareho lang naman ang

