Dahil hindi pa rin lubos na ma-i-proseso ang lahat ng sinabi ni Chelsy ay nagmamadali niya itong sinundan. Hinabol niya ito at tinawag ngunit tila ay hindi na siya nito napapansin. Mistula napaka lalim ng iniisip nito. Hanggang sa nakita niya itong pumasok sa isang silid. Sa pagkakaalam niya ay iyon ang silid ni Sy. Doon ay agad niyang naisip na mas makakapag-usap sila kung papasok din siya roon—at wala pang maraming mha hidden cameras. Itutulak na sana niya ang pinto lalo’t bahagya iyong nakaawang nang may narinig siyang boses ng lalaki. Awtomatikong natigilan siya ay hindi nakagalaw. Para siyang na-statwa at hindi maka kilos. Malinaw niyang narinig ang pangalan na tinawag ng kanyang kapatid. Doon niya tuluyang napagtanto kung sino ang lalaking tinutukoy nito ilang minuto lang ang nakalip

