Tatlong araw na ang lumipas simula nang huling beses na nakita niya si Onyx, matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya. Hindi naman ganoon ka lalim ang naging sugat niya sa noo. Subalit hanggang ngayon ay mahapdi pa rin iyon dahil sa bukol. Nang nagising si Zhyn ay panay na ang tawag niya sa personal nurse ng kanyang kapatid upang kumustahin ito. Nakahinga lamang siya nang maluwag dahil ayos lamang ang lagay nito at walang masamang nangyari noong araw na inatake siya ng masamang tao. Zhyn was caught between apologizing to Onyx or just letting him be. Ngunit ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya maipapangako sa sarili na kaya niyang makipagmatigasan dito. “Chelsy . . . Gusto man kitang dalawin, subalit para akong batang grounded ngayon at bawal lumabas,” sambit niya habang sinusuklay a

