Pakiramdam ni Zhyn ay sobrang tagal na simula ng malaglag siya sa may bangin. Yakap-yakap ang sarili habang walang habas na nangingilid ang kanyang mga luha. Pikit din ang kanyang mga mata habang taimtim na nananalangin. Habang tumatagal siya sa lugar ay pakiwari niya masisiraan siya ng bait. “Zhyn! Zhyn!” “O-Onyx . . .” bulong niya. Galing sa pagkakaupo sa may bato ay mabilis siyang tumayo at pinahid ang mga luhang ayaw paawat. Inayos din niya ang sarili at pinagpag ang suot na maraming alikabok at may putik pa. “Onyx! Narito ako. Sir! Dito! Narito ako!” sigaw niya habang puno ng pag-asa ang dati’y malungkot na mata. “Men! Ang mga K-9. Madali. Narinig ko ang boses ni Zhyn.” Naririnig niyang mas papalapit na ang mga ingay, lalo na ang boses ni Onyx. “Sir! Sir Onyx!” Mas lalo pang luma

