Hastrup Finn’s point of view:
Nagsisimula na ang misa nang makapasok kami ng tuluyan sa loob ng simbahan. Masyadong marami ang tao sa loob kaya’t nahirapan kaming makahanap ng bakanteng upuan para sa aming tatlo kaya naman pansamantala muna kaming tumayo habang umuusad ang misa.
“You may not always understand why God allows some things to happen but you can always be certain that God is not making any mistakes,” malumanay na sabi ng pari. Nanatili naman ang aming atensyon sa kaniya habang nakikinig. Hindi alinatana ang mangilan-ngilang mga tao na dumadaan sa aming tabi.
“Don’t be discourage when you feel like everything is falling apart,” sabi ng pari habang nakangiti. Sa paraan nito ng pananalita ay para bang kinukumbinsi nito isa-isa ang mga tao sa loob ng simbahang ito.
“Don’t turn your back on him when you feel like the world is betraying you, when you feel like you are being rejected, neglected and unappreciated by everyone because these things are the proofs that we are alive,” he paused. “And when we are alive, we are blessed because we still have the opportunity to experience God’s unconditional love,” pagpapatuloy pa nito.
“Funny how desperate we are to cling in this life when we already know that death is about to come,” mahinang bulong ni Xos ngunit sapat upang marinig. Nagtataka naman akong napalingon sa kaniya at gano’n na lamang ang gulat ko ng may mga butil ng luha ang kumawala sa mga mata niya.
“Hey are you okay? Is there something wrong?” magkakasunod namang tanong ko sa kaniya at mabilis na pinunasan ang mga luha niya rason kung bakit napalingon na rin si Singh sa amin.
“W-What? Why?” gulat ring tanong nito sa akin pabalik. Hindi yata niya inaasahang masabi ang ang bagay na dapat sa isip niya lang kaya gano’n na lamang ang gulat niya nang mag tanong ako.
“Hey what’s happening?” nag aalalang tanong din ni Singh kay Xos habang dahan-dahan itong inihaharap sa kaniya.
“Nothing. I’m just hungry.” iyon lamang ang isinagot niya sa amin bago pinunasan ang kaniyang natitirang mga luha at ngumiti.
Nagtataka kaming nagkatinginan ni Singh bago sabay na bumuntong hininga. Hindi nag dadalawang isip mag sabi sa amin si Xos sa tuwing may problema kaya’t alam kong mahirap ang pinag dadaanan niya ngayon bagay na hindi manlang namin nahalata ni Singh sa kaniya. Masyado siyang masigla nitong mga nakaraang araw kaya nakakapag-taka ang naging emosyon niya kanina.
“The mass has ended. Where do you want to go now Xos?” tanong ni Singh kay Xos habang papalabas kami ng simbahan. Napahinto naman kami upang hintayin ang magiging sagot nito.
“I want to see the whole church.” nakangiting sagot nito kay Singh kaya naman bumalik kami sa loob upang pag bigyan siya.
Kitang-kita ang pagka-mangha niya sa lugar. Bawat bahagi ng simbahan ay tinititigan niyang mabuti, para niyang pinag-aaralan kahit pa ang minakamaliit na detalye ng mga disenyo nito. Paminsan-minsan ay kumukuha siya ng litrato at minsan ay inaaya niya kaming mag picture kasama siya. Napapailing naman ako habang palihim na napapangiti sa tuwing nakikita kong palihim niyang kinukuhanan ng larawan si Singh kapag hindi ito naka tingin.
Makalipas ang halos isa’t kalahating oras ay nalibot na namin ang kabuuan ng simbahan kaya naman napag desisyunan na naming kumain muna bago pumunta sa ibang lugar na kakayanin pa naming puntahan. Nagdaan ang ilang minuto at nakarating na kami sa isang pinaka malapit na Restaurant sa simbahan. Nagpatiunang naglakad si Xos upang maghanap ng bakanteng lamesa kaya naman bago siya tuluyang makalayo sa amin ay nag paalam muna kami ni Singh na gagamit ng Comfort room at tinanguan lang niya kami bago talikuran.
Ilang minuto rin ang itinagal namin ni Singh sa loob at nang makalabas ay nakita namin si Xos nakasandal sa kaniyang upuan habang nakapikit.
“Hey, are you sleepy?” tanong ni Singh sa kaniya bago kami tuluyang makaupo sa kaniyang harapan.
“Nope, I’m just tired,” maikling sagot nito habang nakapikit pa rin.
“Do you want us to go home?” tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang napabalikwas habang umiiling.
“Hell no!” bulalas nito kaya naman sabay pa kaming natawa ni Singh. Same Xophea, kahit pagod na, hanggat may lakas pa tatapusin niya kung anong nasimulan niya.
Maya-maya pa ay isa-isa nang inilapag ang mga pagkaing inorder ni Xos sa aming lamesa.
“What’s this?” si Singh.
“This is Clove Chicken, Parmesan Crusted Chicken and chicken Scallopine,” pagpapakilala ni Xos sa mga pagkaing nasa harap namin.
“I know you will love these.” dagdag pa nito bago magsimulang kumain kaya’t nagsimula na rin kami ni Singh.
Masaya naming tinapos ang pananghalian at nang makakuha na ng sapat na pahinga ay nag pasya na kaming lumabas ng Restaurant. Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalayo sa Restaurant ay biglang hinawakan ni Singh si Xos bagay na ikinagulat ko.
“Xos, your nose is bleeding!” tarantang sabi nito. Nagtataka namang napahawak si Xos sa kaniyang ilong.
“Are you okay? How do you feel? Are you dizzy?” magkakasunod na tanong ni Singh habang hawak sa balikat si Xos ngunit wala sa mga iyon ang nasagot dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Dali-daling binuhat ni Singh si Xos at dinala sa kotse. Binuhay ko ang makina ng sasakyan kahit pa hindi ko alam kung saan kami dapat pumunta gayong hindi ako pamilyar sa kung saan ang mga hospital na malapit dito. Habang unti-unting umuusad ang aming sasakyan ay sinikap kong mag search sa internet ng pinakamalapit na hospital na matatagpuan sa aming lokasyon at ipinagpasalamat ko nang makita ang pangalan ng isang pamilyar na hospital. Dali-dali kong binuksan ang GPS ng kotse ko upang mabilis na mapuntahan ang hospital na tinutukoy ko.
Makalipas nga ang ilang sandali ay narating namin iyon. Mabilis akong bumaba at pinag buksan ng pinto si Singh upang tuluyang makapasok sa hospital. Buhat ni Singh si Xos habang kausap ko naman ang isang Nurse. Naging mabilis ang kanilang pagtulong sa amin kaya naman napanatag kami ni Singh.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng kwarto kung saan dinala si Xos. Pareho kaming hindi mapakali ni Singh kaya naman pareho kaming hindi nakatayo agad ng biglang lumabas ang isang Nurse mula sa kwarto.
“How is she?” mabilis na tanong ni Singh sa kalalabas lamang na Nurse matapos makabawi.
“Okay naman po siya sir. Ayon po rito sa record niya ay galing siya sa ibang bansa. Marahil nanibago lang po ang katawan niya sa klima na mayroon dito sa Pilipinas,” pagpapaliwanag nito kaya naman nakahinga kami ng maluwag.
“Dry air is one of the most common cause of nosebleeds. Dry air can be caused by hot, low-humidity climates or heated indoor air. Both environments cause the nasal membrane to dry out and become crusty or cracked and more likely to bleed when rubbed or picked or when blowing your nose,” pagpapatuloy nito bilang parte ng pagpapaliwanag sa naging rason ng nagyari kanina. Nagpasalamat naman kami ni Singh sa kaniya.
“Gising na po siya, alagaan niyong mabuti ang pasiyente. Huwag niyong hahayaang mag-isa siya,” makahulugang sabi pa nito sa amin bago mag paalam at tuluyang umalis.
Pinanuod pa muna namin siyang maglakad palayo bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Xos. Naratnan namin siyang nakaupo habang nakatingin sa labas ng bukas na bintana.
“How are you feeling?” tanong ko agad sa kaniya nang makalapit tuluyan. Dahan-dahan naman siyang lumingon at ngumiti sa amin ni Singh.
“You should’ve told us na hindi na maayos ang pakiramdam mo kanina,” si Singh.
“I’m sorry. I didn’t expect this to happen. Alam ko namang kaya ko pa kanina kaya hindi ko na sinabi pa sa inyo,” ramdam sa pananalita niya ang pagod. Nanatili siyang nakayuko matapos magsalita at nang mag-angat ito ng tingin ay gulat kaming napalapit sa kaniya nang makitang umiiyak siya.
“Stop crying, it’s okay. We’re just worried,” pang-aalo ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang likod.
“I’ll miss you both so much,” madamdaming sabi nito.
Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya at ayoko siyang piliting sabihin iyon sa amin dahil alam kong sa amin rin naman siya mag sasabi kapag kaya na niya.
“We love you,” bulong ko sa kaniya bago siya yakapin.
“We will always will,” si Singh matapos ay niyakap din si Xos nang kumawala ito mula sa pagkakayakap ko.
“I want to go home,” maikling sabi niya kaya naman nagkatinginan muna kami ni Singh bago siya mag pasyang lumabas upang bayaran ang hospital bill ni Xos.
Naiwan kaming dalawa ni Xos sa loob at hinayaan ko siyang umiyak hanggang sa tumahan siya. Bago pa man makabalik si Singh ay nakakatawa na ito. Tila napanatag naman si Singh nang makitang nakangiti si Xos pag pasok niya.
“Let’s go,” pag-aaya niya sa amin kaya naman inaalayan ko nang tumayo si Xos palabas ng hospital room niya.
Nakatulog si Xos habang nasa biyahe kami. At habang nasa daan ay panay ang lingon ko sa kanilang dalawa ni Singh. Maputla pa rin si Xos kaya naman hindi pa rin maalis sa mga mata ni Singh ang pag-aalala. Mabilis naming tinahak ang daan pauwi. Nagulat pa ang mga magulang ko nang maratnan namin sila sa sala ng bahay. Nagtataka ang mga ito kung bakit napaaga ang aming pag-uwi namin subalit nang makita nila ang maputla pa ring si Xos ay mabilis nilang pinakilos ang aming mga kasambahay para tulungan kami. Matapos masigurong nasa maayos ng kalagayan si Xos ay pumasok na kami ni Singh sa kaniya-kaniya naming kwarto upang maligo.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari kanina. Magmula sa simbahan kung saan naging emosyonal si Xos hanggang sa nawalan ito ng malay. Hindi ko mapangalanan ang mga emosyong naramdaman ko nang makitang wala siyang malay. Para bang nakaramdam ako ng biglaang takot. Takot sa posibilidad na balang araw o isang araw, isa na naman sa mga mahal ko sa buhay ang malagay sa gano’ng sitwasyon o sa mas malala pa roon.
Hindi pa ako handang mawalan at kahit kailan ay hindi ako magiging handa.