Chapter 11.

1653 Words
Hastrup Finn’s point of view: Ngayon ang araw nang balik nina Singh at Xos sa America. Sa halos tatlong linggo nilang pamamalagi rito ay hindi ko maipagkakailang nasanay na rin akong kasama sila sa bawat araw ko rito sa Pilipinas. Nakakalungkot man subalit alam kong kailangan na nilang makabalik dahil may mga buhay rin silang iniwan sa ibang bansa. Bukod pa riyan ay ayoko na ring maulit pa ang nangyari kay Xos nuong nakaraang araw. Baka kung mas magtatagal pa siya rito ay mas malala pa ro’n ang maaring mangyari sa kaniya. Alaskwatro ang lipad ng eroplano nila kaya bago pa man ang pananghalian kailangan ay nasa paliparan na sila. Alas-nuebe ang ang alis nila rito sa bahay kaya naman sinadya kong magising ng mas maaga kesa sa normal kong paggising sa umaga dahil balak kong gawing mas espesyal ang araw na ito kung ikukumpara sa mga nag daan. Sinabihan ko rin ang mga kasambahay namin kahapon na umuwi muna sa kanilang pamilya at bumalik na lamang mamayang hapon dahil ako muna ang mag luluto para sa aking pamilya ngayong araw. Umagahan ang kakainin namin ngayon ngunit pinili kong iluto ang lahat ng mga pagkaing pinaka nagustuhan nina Singh at Xos habang nandito kahit pa ang ilan sa mga iyon ay hindi pagkaing pang-umagahan. Naalala ko pa nu’ng unang beses na nagluto ako ng pagkain para kina Mommy and Daddy, pareho silang hindi makapaniwalang nagawa kong maghanda ng pagkain mag isa. Hindi naman kase talaga ako marunong mag luto bago ako mag-aral sa America, natuto na lamang ako nang magsarili ako ng bahay do’n. Hindi ko isinama sa plano nuon ang kumuha ng kasambahay na makakasama dahil gusto kong matutong mabuhay mag-isa. Dahil sa ibang bansa ako nagsimulang magluto, ang mga kaibigan ko ang madalas kong lutuan. “Chicken Afritada, Pork Adobo, Ginataang kalabasa at sitaw, Sarsyadong Isda, Sisig, Chapseuy, Pancit Guisado, Barbeque at Kare-kare,” pag iisa-isa ko sa mga pagkaing nakahain ngayon sa lamesa. Minsan ko pang inilibot sa kabuan ng lamesa ang paningin ko at napagtantong may kulang sa mga nakahain kaya naman binalikan ko iyon sa kusina. “I knew it!” malakas na sabi ni Xos habang papalapit sa dining table kasunod si Singh. Nakangiti ko namang ibinaba ang dala kong Fruit Salad habang inaantay silang makalapit. “Namiss ko luto mo!” si Xos matapos ay kumuha ng tinidor upang tikman ang paborito niyang Pancit Guisado. Napapikit pa ito habang nginunguya ang kinakain niya at pagdilat niya ay mabilis na nag thumbs up sa akin. Natawa naman ako sa kaniya kaya naman ginulo ko pa ang buhok niya bago sila anyayahang maupo. “You need to change your career brother, you shouldn’t be an Architect,” si Singh habang umuupo sa kaniyang upuan. “Then what should I suppose to be?” tanong ko sa kaniya. “A criminal,” maikling sagot naman nito bago sumandok ng kanin at inilagay iyon sa pinggan ni Xos. “Aray! You brutal!” bulalas nito matapos ko siyang batukan. Wala talagang masabing matino ang taong ‘to. Nagpatuloy ang asaran at tawanan naming tatlo hanggang sa dumating na rin sina Mommy and Daddy sa hapag. Gaya ng normal na gawain mag mula nang dumating ang mga kaibigan ko rito ay nagkwentuhan kami habang kumakain. “Mom, Dad, you guys are lawyers right?” maya-maya ay tanong ni Xos sa mga magulang ko. Dahil nga mag-isa ko lamang na anak ay mom and dad na rin ang itinatawag nila ni Singh sa mga magulang ko ayon na rin sa gusto nila mommy. “Yes Hija. We are both retired lawyers. We served for almost 45 years,” nakangiting sagot ni mommy sa kaniya “Then why did you choose architecture?” baling na tanong sa akin ni Xos. “Because Architects helps to make dreams turn into reality,” maikling sagot ko sa kaniya. “I asked him that same question almost 12 years ago,” si Dad. “and this is what he answered,” pagpapatuloy niya. Napaayos naman si Xos ng upo at itinuon ang buong atensyon kay Dad. “I want to be the architect of the world’s reality Dad,” nakangiting pang gagaya ni dad sa sinabi ko noon sa kaniya. “Funny how his answers stayed still until now,” he paused. “This is what he really wanted and I’m a proud parent,” dugtong pa niya. Para namang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Napangiti naman kaming lahat sa sinabi ni dad. “This is my wife’s dream house,” tukoy ni Dad sa bahay namin. “My son turned that dream into reality.” dugtong niya pagkatapos ay inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Dahan-dahang napatingin sa akin sina Xos at Singh. Natawa pa ako dahil kitang-kita sa kanila ang gulat. Ang buong akala kasi nila ay sa America ako unang nagkaroon ng proyekto matapos kong maging arkitekto. Subalit ang totoo ay ang bahay na ito ang unang proyektong nagawa ko bago pa man ako makapag tapos. Bata pa lamang kasi ako ay madalas nang sabihin sa akin ni Mommy kung anong klaseng bahay ang pangarap niya para sa amin. Ngunit hindi na iyon naibigay pa ng aking ama dahil mas pinili nila nuon ang manirahan sa bahay na ibinigay sa kanila ng mga magulang ni Dad. Kaya naman sa tulong rin ni Daddy ay sinikap naming dalawa na ibigay ang dream house ni Mommy. Hindi ko na kinailangan pa nuon na tanungin si Mommy tungkol sa mga detalyeng gusto niya dahil tanda ko pa lahat ng sinabi niya sa akin nuon kaya naman naging matagumpay rin ang inihanda naming surpresa ni Dad sa kaniya sa araw mismo ng kaarawan niya 8 years ago. “You are incredible!” si Xos matapos ay sinubuan ako ng Adobo. “Indeed,” sagot naman ni Mommy sa kaniya. Hinawakan ko naman ang kamay niya. “I love you both,” mahinang sabi ko ngunit sapat lang para marinig nila ni Dad. Nagpatuloy ang kwentuhan sa hapag hanggang sa dumating na ang oras upang ihatid sila Xos sa Airport. Unti-unting nabuhay ang lungkot sa dibdib ko ng magsimulang magpaalam sina Singh kila Mom. “You can always come back here anytime,” bulong ni Mom kay Xos habang magkayap. “Have a safe flight young man,” si Dad matapos ding bigyan ng saglit na yakap si Singh. “Of course Dad,” sagot ni Singh. “stay strong and healthy,” pagpapatuloy pa nito bago dinala ang maletang hawak niya sa sasakyan. “We’ll go now Dad,” si Xos matapos ay yumakap din kay Daddy. “Everything will be fine Dad, trust his plans,” sabi pa niya habang hinahaplos sa likod si Dad. Matapos nilang magpaalam sa isa’t-isa ay sumakay na kami sa sasakyan. Minsan pang nagpalitan ng paalala sina Xos at ang mga magulang ko bago ko tuluyang buhayin ang makina ng sasakyan at mag drive palayo ng bahay. Nakita ko pa sa side mirror ang patuloy na pagkaway ni Mom sa papalayo naming sasakyan hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Hindi tulad ng normal naming biyahe na nag uusap-usap habang nasa daan, ngayon ay tahimik kaming tatlo. Pinapakiramdaman ang bawat isa, hindi alam kung anong salita ang unang sasabihin upang makapag simula nang usapan. Hanggang sa makarating na kami sa Airport ay wala pa ring nagsasalita. Kakikitaan ng tamlay ang bawat isa kahit pa ang maingay na si Singh. Isa-isa kaming bumaba ng sasakyan at inilabas namin si Singh ang mga maleta nila. Ako ang nag dala ng maleta ni Xos, nginitian naman niya ako matapos magpasalamat. Naghintay pa kami ng ilang sandali bago tuluyang tawagin ang atensyon ng mga paseherong sasakay sa eroplanong sasakyan rin ng mga kaibigan ko. Ito na rin ang hudyat ng pagyakap sa akin ni Xos. Mahigpit ang naging pag yakap niya kaya naman sinuklian ko yun ng buong puso. Inasahan ko ng magiging emosyonal siya kaya naman hindi na ako nagulat nang magsimula na siyang humikbi. “I’ll miss you,” humihikbing aniya. “No matter what happen, please, always find a reason to breath and continue,” pagpapatuloy niya. Hindi ko alam pero nag simulang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. “I will. I love you, Xos,” sabi ko sa kaniya bago mas higpitan ang yakap sa kaniya. Halos dalawang minuto rin kaming magkayakap habang mag kausap bago tuluyang ayain ni Singh si Xos para makapasok na sa loob. “See you when I see you brother,” pagpapaalam ni Singh sa akin bago ako bigyan ng yakap. “Call me if you need anything,” dugtong pa nito bago kumalas sa pagkakayakap namin. “Take care Singh,” paalam ko sa kaniya. “you better ask her to marry you na, dahil baka magbago ang isip ko at ako ang mag-aya sa kaniyang magpakasal,” biro ko pa sa kaniya at nanlalaki naman ang mga mata niyang tinakpan ang bibig ko. “Shut up bro, she might hear you,” mariing bulong nito. Natawa naman ako dahil hindi sapat ang distansiya namin kay Xos para marinig ang sinabi ko dahil nauna na itong naglakad papasok sa loob. Nagsimula na silang maglakad palayo subalit hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko kahit pa ng tuluyan na silang makapasok sa loob. Nagpasya na lamang akong umalis nang makalipad na ang sinasakyan nilang eroplano. Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa sasakyan ko. Saglit pa akong nanatili sa loob, ayokong mag drive na mabigat ang pakiramdam kaya naman kinalma ko muna ang sarili ko. Nang masigurong kaya ko na ay binuhay ko na ang makina na ng sasakyan ko at mag isang tinahak ang daan pabalik sa bahay. I don’t know how powerful the word goodbye is, because the only thing I know is that, every goodbye can make a person feel an inch of hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD