Mc Ashley's point of view:
Araw-araw ay hanggang 12 noon lang ang klase ko dahil duty ko sa hospital bilang student Nurse mula 3 pm hanggang 10 pm. Ngayon ay katatapos lamang ng klase namin at sabay kaming lumabas ng kaibigan kong si Hope sa classroom dahil kaming dalawa rin ang madalas na nagsasabay umuwi.
"Anong oras ka papasok mamaya?" tanong niya nang makalabas kami sa gate ng school na ang tinutukoy ay ang pagpunta ko sa hospital.
"After kong mag lunch ay papasok na ako," tugon ko. Kumunot naman ang noo niya sa naging sagot ko.
"Napaka aga mo namang pumasok. Daig mo pa ang resident doctor," aniya sabay suot ng facemask.
"Check-up ngayon ni sir Mark," panimula ko. "Nag text sa akin si ma'am Daisy na niresched ng 3pm ang check-up niya kaya balak ko muna siyang bisitahin bago mag duty," pagpapatuloy ko. Tumango-tango naman siya habang nakapamulsang naglalakad.
"Ibig sabihin ay nakapasok na uli si ma'am Daisy?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang Head Nurse ng hospital kung saan kami nag duduty.
"Oo. Bakit wala ba siya kahapon?" tanong ko rin sa kaniya. Nalaman kong hindi nakapasok ang head nurse namin kahapon dahil nagkaroon daw ng emergency sa anak niya. Off ko rin kahapon kaya naman wala ako sa hospital. Hindi ko na inusisa pa kung ano ang emergency na tinutukoy niya dahil alam kong wala ako sa lugar upang alamin pa 'yon.
Maya-maya pa ay nakauwi na kami pareho ni Hope. Sa bahay ay tanging si mama lang ang nakasabay ko sa pagkain ng pananghalian dahil sa school na kumakain ang kapatid kong si Erika tuwing may pasok habang ang papa ko naman ay kumakain na kung saan ito nag tatrabaho dahil malayo ang lugar kung saan sila ngayon.
Matapos naming kumain ay ako na ang nagligpit at nag hugas nang pinagkainan namin ni mama. Bago ako maligo ay pinakain ko na rin ang alaga naming pusa para wala ng gawin si mama mamaya. Minsan ko pang inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng sala namin upang masigurong maayos na ito bago pumasok sa banyo para maligo.
Mahigit isang oras din ang itinagal ng pag aayos ko sa aking sarili bago mag paalam kay mama at lumabas ng bahay para pumuntang hospital.
Makalipas nga ang ilang sandali ay nakarating na ako sa Hospital...
"Yoongi Regional Hospital" basa ko sa malaking pangalan ng hospital bago ako tuluyang pumasok sa loob.
"Oh masiyado ka yatang maaga ngayon Ash," si Sheila. Ang gaya ko ring student Nurse na papalitan ko mamaya.
Kasalukuyan siyang nag aayos ng ilang mga gamot nang mapadaan ako sa Nurse station kung nasaan siya ngayon.
"Kukumustahin ko si Sir Mark," nakangiting sagot ko sa kaniya.
Hindi ko na kailangang idetalye pa kung sino si sir Mark dahil kilala na siya ng halos lahat ng mga staff sa hospital na 'to dahil bukod sa dito siya madalas mag pacheck-up ay hindi rin maipagkakailala ang kabaitan nila ng kaniyang asawa sa lahat ng mga taong nakakasalamuha nila rito.
“Ah, Ganu’n ba? Nasa room 308 siya, hinihintay si Doc E. Gaya ng dati, ay maaga siyang naparito.” aniya. Nag ngitian pa muna kami bago mag paalam sa isa’t-isa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kwartong tinutukoy ni Sheila. May mga Nurses pa akong nakasalubong habang papunta ro’n. Marami sa kanila ang hindi na nagulat kung bakit nandito ako ng ganitong kaaga gayong may ilang oras pa naman bago ang duty ko dahil alam nila kung gaano ako kalapit sa pasyenteng narito ngayon.
FLASHBACK--
Nanginginig pa rin ang kamay ko sa tuwing haharap sa pasiyente kahit pa mahigit isang taon na mula nang mag simula ako sa pag duduty bilang isang Student Nurse. Nasa Third year college na ako ngayon habang nasa Second year pa lamang kami nang magsimulang isabak sa larangang ito. Masaya ako ngunit hindi pa rin maalis ang kaba sa bawat araw na hahakbang ako papasok sa hospital na ito. Ngunit kahit pa kinakabahan ay sinisiguro kong hindi ako kailanman nagkulang sa mga ginagawa ko.
Maaga akong pumasok ngayon sa hospital dahil sumabay ako kay papa na umalis ng bahay. 8 am hanggang 12 noon ang duty ko ngunit 7 am pa lamang ay nakarating na ako sa hospital.
“Ash, ipagkakatiwala ko na sa’yo ang pasyente natin sa Room 210,” pabungad sa akin ng Head Nurse naming si Nurse Daisy matapos kong ibaba ang gamit ko pagkarating.
“P-Po?” hindi makapaniwalang tanong ko at ngumiti naman siya sa akin.
“Alam kong kaya mo.” ‘yon lamang ang sinabi niya bago ako talikuran at lumabas.
Wala na akong nagawa kaya naman kahit hindi pa talaga oras ng duty ko ay kinuha ko na lamang ang mga kakailanganin ko at mabilis na tinungo ang room 210 kung nasaan ang kauna-unahang pasiyente na aalagaan ko ng hindi kasama si Nurse Daisy.
Gastric cancer ang case ng pasyente. This cancer occurs when normally health cells within the upper digestive system become cancerous and grow out of control, forming a tumor. This process happens slowly. This type of cancer is difficult to diagnose because most people typically don’t show symptoms in the earlier stage. Since it usually doesn’t cause any early symptoms, it often goes undiagnosed until after it spreads to other parts of the body. This makes it more difficult to treat.
Nadiagnose siya 2 months ago at kasisimula ng treatment niya last month. Si Nurse Daisy ang nakaassign sa kaniya at dahil under supervision ako ni Nurse Daisy ay ako ang madalas nitong kasama sa tuwing papasok sa kwartong ito kung saan lulan ang pasyenteng si sir Mark.
“Good Morning sir, ichecheck ko lang po ang vitals niyo,” panimula ko ng tuluyang nakapasok sa kwartong ‘yon. Nakangiti namang tumango ang pasyente.
“Kumusta na po ang pakiramdam niyo? May nararamdaman po ba kayong kakaiba?” tanong ko sa kaniya bilang paraan ng pangangamusta.
“Nakakagaan ng pakiramdam makita ang mga ngiti mo Hija,” sagot niya.
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi alam ang isasagot bagaman madalas na niya iyon sabihin kaya naman binigyan ko na lamang siya ng mas malaking ngiti.
Tinignan ko ang oras at mayroon pa akong mahigit kalahating oras bago ang pormal na oras ng duty ko kaya naman naupo muna ako sa couch na nasa harap ng kama ni sir Mark.
“You look extra happy today attorney,” nakangiting aniko. Totoong kakaiba ang guhit ng mga ngiti sa labi niya ngayon, nakakahawa.
“Today’s my son graduation!” masiglang aniya. Kahit pa kagagaling nito sa Chemotherapy ay nagagawa pa rin nitong magpakita ng sigla kahit pa mababakas pa rin sa kaniya ang panghihina.
“Congratulations sir!” bati ko sa kaniya. Kahit pa nakangiti ito ay kakikitaan ng kakaibang lungkot ang mga mata niya, hindi ko rin tuloy maiwasang malungkot para sa kaniya. Alam kong isa sa mga pangarap ng isang magulang ay ang makitang tumanggap ng diploma ang kanilang mga anak.
“I know, your son knows how proud you are." nakangiting sabi ko sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa hindi ko namalayan ang patuloy na paglipas ng mga araw, buwan at taon. Sa pagdaan ng panahon ay hindi ko namamalayan na tuluyan na akong napalapit sa kaniya at maging sa kaniyang asawa na si ma’am Analyn.
Anak ang turing nila sa akin kaya naman tito at tita ang gusto nilang itawag ko sa kanila. Sa tuwing aapak sila sa hospital na ito ay ako laging umaasikaso sa kanila rason kung bakit mas dumami ang mga oras na nakakasama ko sila bagay na ipinag papasalamat ko dahil sila rin ang mga taong napag sasabihan ko ng mga bagay na hindi ko nasasabi sa pamilya ko.
END OF FLASHBACK--
Marahan kong pinihit ang door knob ng kwarto upang tuluyang mabuksan ang pintuan matapos kong kumatok ng tatlong beses. Bumungad sa akin ang nakangiti na agad na si sir Mark habang naka upo ito sa kaniyang kama.
Nakakalungkot dahil kahit pa mabilis nilang inumpisahan ang gamutan matapos nilang malaman ang sakit niya ay hindi nito napigilan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan niya dahilan upang mas lumala ang kondisyon niya. Nakakatayo pa naman siya ngunit mas madalas na itong lulan ng wheel chair niya.
May katandaan na si sir Mark ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang gandang lalaki nito. Matangkad siya at may maputing balat. Makapal ang kaniyang kilay habang singkit naman ang kulay tsokolate niyang mga mata. Maiisip mo rin na hindi lamang Pilipino ang lahi niya dahil sa tangos ng kaniyang ilong at perpektong hugis ng mga labi. Bagay na bagay sila ng kanyang asawa na si ma’am Analyn dahil sobrang ganda rin ‘to. Ang medyo kulubot na balat sa mukha niya ay hindi naging hadlang upang makita ang natural niyang ganda. Perpekto ang hugis ng kilay nito, mala kulay abo ang kaniyang mapupungay na mga mata. Maging ang kaniyang ilong at mga labi ay nag tugma dahilan upang maging maganda ang maliit niyang mukha.
“Hello there handsome, how are you feeling?” pabirong tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang umayos ng upo.
“I feel better than yesterday,” mabagal ngunit malinaw na aniya. Naupo naman ako sa tabi niya at inayos ang kusot na bedsheet ng kama niya.
“How about you? You look sad,” anito. Hindi ko alam ngunit natakot akong magsalita. Marahil dahil alam ko na maaring mabasag ang boses ko kapag ginawa ko ‘yon.
“Your eyes can’t lie Ash,” pagpapatuloy nito. Hindi ako nakapagsalita kaya naman niyakap ko na lamang siya. Hanggat maari ay ayokong umiyak sa harap niya ngunit lagi akong bigong gawin ‘yon.
“I miss you so much tito,” umiiyak na tugon ko. Totoong namiss ko siya dahil halos isang buwan din kaming hindi nagkita. Dumalang na ang punta nila rito dahil napag desisyunan nilang sa bahay na lamang siya gamutin maliban na lamang kung may kailangang sa hospital gawin.
“I miss you too Hija,” sagot nito sa akin matapos nang mabagal niyang paghalakhak.
Mas hinigpitan ko naman ang yakap ngunit sinigurong sapat lang upang hindi siya masaktan. Gusto kong sabihing kahit anong mangyari ay huwag niya kaming iwan. Ngunit alam kong pagiging makasarili ang hilingin ‘yon sa kaniya dahil alam kong nahihirapan din siya.
“Someday, some things or people around you will be gone,” bulong nito habang magkayap pa rin kami. “there are days that you will find yourself missing them badly. It will surely make you sad but it’s okay. It’s okay to long for them, but don’t dwell too much,” pagpapatuloy niya.
“It’s okay to cry but don’t let it linger because they might be gone in your sight, but they will forever stay in your heart,” lalo naman akong napaluha sa mga huling sinabi niya.
“We can’t deny that this life can give us something we can’t emotionally bear,” makahulugang anito. “but you know what Ash? This life also offers the beauty of love,” muli ay nagsalita siya.
“This love helps us to cure, to overcome, and to defeat that unbearable things,” mabagal na sabi niya habang humihiwalay sa pagkakayap naming dalawa.
“Love as long as you’re alive,” nakangiting aniya. “that’s the best weapon you can have to survive,” pagtatapos nito sa usapan habang direstong nakatingin sa mga mata ko.
Isang bagay na naging dahilan kung bakit kami naging malapit ni sir Mark ay ang mga aral na ibinabahagi niya sa akin. Sa tuwing naguguluhan ako, maging sa tuwing hindi ko na makilala ang tama sa mali ay siya ang tumutulong sa akin.
Saglit pa kaming nag-usap bago ako tuluyang magpaalam upang pormal na simulan ang duty ko. Nagyakap pa kaming muli bago ako lumabas ng kwarto niya. Tinungo ko ang Nurse Station ng may galak sa puso. Isa siya sa mga rason kung bakit mas minamahal ko ang propesyong napili ko.