Hastrup Finn’s point of view:
Matapos kong maligo isang umaga ay lumabas na ako ng kwarto. Nagtaka pa ako dahil hindi ko makita sina mommy at daddy sa dining area. Naglakad pa ako patungo sa sala ngunit wala rin doon ang mga magulang ko kaya naman nag pasya na akong tumungo sa terrace ng aming bahay, nagbabakasakaling naroon sila. Habang papunta ay nakasalubong ko ang isa sa mga kasamabahay namin kaya naman tinanong ko ito kung asaan ang mga magulang ko at nasabi niyang nasa garden ang mga ito. Napangiti ako nang matanawan si dad na nakatingin lamang sa mga halaman na tanim ng aking ina.
Hindi gaya ng ibang bahay sa paligid ay walang simple lang ang sa amin ngunit hindi maipagkakaila ang lawak ng lupa na kinatatayuan nito kung saan halos kalahating bahagi ay hardin na puno ng mga halamang namumulaklak. Bagaman hindi ito singtaas ng mga nasa paligid naming kabahayan, mayroon itong rooftop na gawa sa salamin kung saan naroon ang mga musical instrument namin.
Mahilig kami sa musika ni dad, ito ang pareho naming hilig gawin. Maluwang ang bahay namin, may sapat na silid para sa aming pamilya, maging sa mga magiging bisita at mga katiwala. Elegante ang disenyo ng aming tahanan dahil na rin sa mga materyal na ginamit. Ang bawat materyal na bumubuo rito ay galing pa sa Europa kaya naman karamihan sa mga ito ay sa amin lamang makikita. Maluwang rin ang aming kusina dahil bukod sa hilig ni mommy sa mga halaman ay mahilig din ito sa pagluluto. Magkahiwalay ang aming dining area at sala, may maluwang din kaming terrace sa harap ng bahay kung saan direktang matatanaw ang maluwang na hardin.
Ang sabi kasi ni mommy nuon, gusto niya ng tahanan kung saan madali niyang makikita ang kaniyang mga anak kaya naman mas pinili niya ang ganitong istilo ng tahanan, subalit nakakalungkot dahil ako lang ang naging anak nila ngunit kahit mag isa ay hindi nila hinayaang maramadaman ko ang pag iisa.
"Good Morning dad, where's mom?" tanong ko sa aking ama nang makarating ako sa tabi niya.
"Where do you think she is?" balik na tanong niya. Taka akong napalingon sa kaniya kaya naman nakita kong nakatanaw ito sa bahagi ng aming hardin kung nasaan ang mayayabong na mga bulaklak ng Orchids.
"I can't see her Dad," sagot ko sa kaniya matapos kong ilibot ang paningin sa kabuuan ng malawak naming hardin.
"Because she's not here son," mabagal na anito habang tumatawa. "She's in the kitchen," patuloy niya.
Napakamot naman ako sa ulo, hindi ko manlang nilingon ang kusina kanina bago lumabas ng bahay.
"Do you want to go there dad?" tanong ko sa aking ama matapos ay ituro ang aming hardin.
"Will you take me there?" tanong niya at nakangiti naman akong tumango matapos ay nagsimula ng itulak ang wheelchair kung saan siya nakaupo ngayon.
Mahina na si dad kung ikukumpara kay mommy kaya naman kailangan na niya ito. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na naming tahakin ang pusod ng hardin kung saan makikita ang iba'-ibang mga orchids na mula pa sa ibang bansa.
"They look wonderful aren't they son?" si dad. Nakangiti ko namang pinagmasadan ang paligid.
"They really are," maikling sagot ko sa kaniya habang pinagmamasdan pa rin ang mga halaman. Nagpatuloy kami sa ginagawa hanggang sa muli siyang mag salita.
"They all look stunning,” komento ni dad. “does that mean they are happy?" tanong niya na ang tinutuloy ay ang malalagong bulaklak.
"Y-yes?" Alanganing sagot ko sa kaniya at natawa naman siya. Hindi naman siguro sila mamumulaklak ng ganitong kaganda kung malungkot sila hindi ba? Dahil kung malungkot sila ay malamang malalanta sila. Sabi ko pa sa sarili bilang paraan ng pagkumbinsing tama ang naging sagot ko.
"This is the most precious thing about flowers, they still bloom beautifully knowing that someday, they will wither unstoppably," si dad. Hindi ko alam pero kakaiba ang paraan niya ng pananalita, nakakalungkot.
"But I know, they will wither without regrets," habang nag sasalita si daddy ay hindi ako lumingon sa kaniya, nakatitig lamang ako sa mga halamang namumukadkad sa ganda.
"The life we are living is a landscape made from pain, struggles and disappointments," anito matapos ay lumingon sa akin. "but still, flowers blooms in it," pagpapatuloy niya habang diretsong nakatingin sa akin ng may malawak na ngiti sa labi. Hindi ko magawang ngumiti pabalik.
Sa totoo lang ay wala akong maunawaan sa lahat ng sinabi ni daddy. Hindi ko nga ba naintindihan o pinili ko lamang hindi intindihin? Hindi ko gusto ang paraan nang pakikipag-usap ni dad kaya naman pinilit kong ibahin ang tema ng aming usapan.
“Hey Gentlemen,” pagtawag sa amin ng aking ina. “Let’s go. Our breakfast is ready,” matapos ay iginaya kami patungo sa Gazebo nitong hardin na matatagpuan sa gitnang bahagi rin nito.
May kaluwangan rin ang Gazebo kung saan kami kumakain o nag papahinga ng aking pamilya sa tuwing may pagkakataon.
Gawa ito sa marmol ngunit gawa sa Nara ang lamesa at mga upuang mayroon sa gitna, nag nining-ning rin ito sa gabi dahil sa mga bumbilyang pailaw na ang aking ama mismo ang naglagay. Makikita rin sa loob nito ang iba’t-ibang hanging plants at maliit na fridge.
“You prepared a lot,” si dad kay mom nang tuluyan kaming makapasok sa loob.
“We have here our son with his huge stomach,” tumatawang sagot nito matapos idiin ang salitang huge. Natawa naman ako—totoong matakaw ako kapag si mom ang nagluluto.
Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Napakasayang pagmasdan ng aking mga magulang, nakakahawa ang sayang nakikita sa kanila. Ngunit may kung ano sa akin ang nasasaktan dahil sa sitwasyon na mayroon si dad.
“You guys looks like a teenager couple,” nakangiwing komento ko matapos subuan ni dad si mom.
“And you look like your grandfather when he met your dad for the first time,” tumatawang ani mom—napailing naman si dad habang nangingiting sumandal sa kaniyang upuan.
“Your lolo was against our relationship,” pagkukwento ni dad at tumatango naman si mom habang nag papatuloy sa pagkain.
“But of course, I fought for her. She’s too beautiful to let go,” si dad. Mabilis naman akong napalingon kay mom nang marinig ko itong humagikgik.
“Don’t tell me kinikilig ka pa rin mom?!” gulat na tanong ko sa kaniya. Nagtawanan naman sila ni dad.
“Of course!” confident na sagot niya. “He never failed to make me feel that way every day, that’s how much he loves me son,” pagpapatuloy ni mom.
“Your lolo was against this relationship since your dad and I are both lawyers, baka raw paharapan lang namin ng batas ang bawat isa sa tuwing may hindi pagkakaunawaan—or worst, ay baka raw hindi kami magkasundo dahil pareho kaming may ipaglalaban,” maya-maya ay kwento na rin ni mom.
“We are married for almost 48 years now, and and my dad's fear never happened,” si mom.
“How was that even possible?” tanong ko sa kanila.
“Don’t let the same fire burn you,” si dad.
“Always make everything crystal,” si mom.
“Don’t be a traitor,” si dad.
“Be consistent,” si mom.
“Be each other’s home and refuge,” si dad.
“Learn to be appreciative,” si mom.
“I can’t understand any,” sagot ko sa lahat ng sinabi nila. Nagkatinginan naman muna ang mga magulang ko baka muling tumawa.
“Someday, you will son." wika ni mommy habang hawak ang kamay ko.
Halos mag tatanghalian na nang bumalik kami sa bahay. Inaantok daw si dad kaya naman nagpasya na kaming bumalik sa loob ng bahay. Hinatid ko muna sina mom sa kwarto nila bago pumasok sa aking sariling silid. Sandali ko pang inabala ang sarili ko sa pagtugtog ng gitara hanggang sa maramdaman ang antok. Bihira ako antukin sa araw kaya naman sinamantala ko ito para makapag pahinga.
Halos mag aalasais na rin ng gabi nang magising ako. Nakita kong nakasandal na sa tabi ng study table ko ang gitarang sa pagkakaalala ko ay inilagay ko lamang sa aking tabi kanina bago matulog. Si mommy lang at si daddy ang nakakapasok ng kwarto ko kaya naman alam kong isa lang sa kanila ang may gawa non.
“Where are they Manang Fe?” magalang na tanong ko sa kasambahay naming kasalukuyang nag lalagay ng baso sa lamesa na ang tinutukoy ay ang mga magulang ko.
Magmula nang dumating ako rito ay lagi kong hinahanap ang mga ito sa tuwing wala sila sa lugar kung saan ko sila inaasahang naroon. Sa buong araw ay pagtatanong kung asaan sila ang pinakamaraming salita na lumalabas sa bibig ko. Madalas nga ay hindi pa ako tuluyang nakakapag tanong sa mga kasama namin dito sa bahay ay sinasabi na nila agad kung asaan ang mga magulang ko. Natatawa na lamang ako sa kanila sa tuwing ginagawa nila iyon.
“Nasa kusina sir, pinapanood ho ng daddy niyo mag luto ang mommy niyo,” sagot naman nito sa akin. Nagpasalamat at kinindatan ko muna siya bago mag lakad papunta sa aming kusina.
Doon ay naratnan ko ang aking ama na nakaupo sa high chair habang pinapanood ang aking ina sa pagluluto. Nag tatawanan ang mga ito dahilan upang hindi nila agad mapansin ang prisensya ko.
“Mabuti na lamang at masarap mag luto ang anak ko, hindi niya mararanasan ang mapahiya ng ganito,” si dad.
Natawa naman ang aking ina sa sinabi niya. Marahil ay iniisip nitong nakakahiya ang panood lamang kay mommy sa pgluluto dahil hindi nito ala kung paano tumulong sa ganitong gawain.
“Masaya akong paglutuan ka, at mas nagiging masaya ako kapag nanunuod ka,” pangaalo ng aking ina sa aking ama ng hindi lumilingon sa kaniya.
Nangiti naman ako habang nakikinig sa usapan nila. Nanatili ako sa likod nila habang pinapakinggan ang usapan nila.
“Dahil hindi naman ako marunong mag luto kaya wala rin akong maitutulong sa’yo,” malungkot na sabi ni dad.
Dahan-dahan namang lumingon sa kaniya si mommy rason upang makita niya ako ngunit sinenyasan ko siyang wag ipahalata kay dad bagay na sinunod naman niya.
“Hindi iyon nakabawas sa pagiging mabuting ama at asawa mo,” nakangiting sagot ni mommy sa kaniya matapos ay hinalikan si dad sa tungki ng ilong nito bago ibalik ang atensyon sa niluluto.
“I’ll teach you how to cook when mom’s not around dad, I promise,” bulong ko kay dad matapos kong humila ng upuan at tumabi sa kaniya.
“We will surprise her with the most delicious food prepared by you,” nakangiting dagdag ko. Kita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mukha.
“Let’s do that then,” masiglang sagot sa akin ni dad. Nag high five kami kaya naman napalingon si mom sa ingay na dala ng apir na ‘yon.
“I’m sorry to tell this to you guys,” si mom. “but no one can beat me inside this kitchen,” nagmamalaki at seryosong aniya. Nanlaki naman ang parehong mata namin ni dad dahil sa sinabi ni mom.
“You’re so full of yourself hon,” si dad. Nangunot naman ang noo ni mom dahil sa sinabing iyon ni daddy.
“We’re dead dad,” bulong ko sa aking ama, nilingon naman ako nito at ngumiwi.
“Are you saying na hindi masarap ang mga pagkaing inihaharap ko sa inyo Attorney San Buenaventura?!” mariing tanong ni mom kay dad. Sabay pa kaming napapikit ni daddy nang magsimulang mag alis ng apron si mommy at lumapit sa amin.
“Would you mind to answer my question on behalf of your father Architect?” baling nito sa akin ng hindi sumagot si dad. Dahan-dahan naman akong nag mulat ng mata at nagtama ang paningin namin ni mom.
“I-i’m hungry honey,” alanganing sabi ni dad bago pa man ako sumagot kaya naman naibalik sa kaniya ang paningin ni mom.
“Fe,” tawag ng aking ina sa aming kasambahay na agad namang lumapit sa kaniya. “ipagluto mo ang mag amang ito. Wag na wag mong ipapakain sa kanila ang mga luto ko,” pag uutos ni mommy bago tuluyang lisanin ang kusina.
Tinanaw muna namin siya hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng kusina. Nang mawala na siya sa aming paningin ay nagtataka kaming tumingin sa isa’t-isa ni dad.
“Dad, did you really offended mom?” tanong ko sa aking ama.
“I don’t know,” sagot nito kasabay nang pagkibit-balikat. Minsan pa namin nilingon ang pintuang nilabasan ni mom bago muling nanlalaki ang matang tumingin sa isa’t-isa.
“Aging,” sabay na bulong namin sa isa’t-isa. Natawa kami pareho sa naisip naming iyon rason kung bakit pati si ate Fe ay nakitawa na rin.
Sinuyo namin ni dad si mom at hindi ‘yon naging kasing hirap ng inisip namin. Gaya ng mga gabing nakasanayan ay masaya kaming pumasok sa aming mga kwarto matapos ang mahabang gabi ng kwentuhan. Hindi man malaki ang pamilyang mayroon kami, nakakatuwang hindi kami kinukulang sa pagmamahal.