Chapter 14.

1927 Words
Hastrup Finn’s point of view: Maganda ang bungad ng umaga. Tunay ngang kakaiba ang kapayapaang bigay ng bawat bukang liwayway. Saglit pa akong napatitig sa papasikat pa lamang na araw na pilit sumisilip sa mga punong nasa tapat ng aking bintana. Gusto ko pa sanang panoorin hanggang sa tuluyan itong tumaas ngunit kailangan ko ng kumilos dahil may meeting ako mamayang 8 am. Matapos ang buntong hininga ay pinilit kong ibangon ang aking sarili at tinungo ang Cr ng sarili kong silid upang maligo. "Good Morning mom, where's dad?" tanong ko sa aking ina matapos kong humalik sa kaniyang pisngi nang maratnan ko ito sa hapag. Tumutulong siya sa aming mga kasambahay na ayusin ang lamesa. "He's still sleeping," maikling sagot nito bago ako anyayahang maupo para makapag umagahan ngunit tumanggi ako. "I have a breakfast meeting mom, I'm sorry," paliwanag ko sa kaniya at tumango naman siya kaya naman nag paalam na ako. Habang nasa biyahe ay binuksan ko ang bintana ng aking kotse. Bahagya ko pang inilabas ang kaliwa kong kamay upang mas maramdaman ang pag hampas ng hangin sa labas. Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa lugar kung saan kami mag kakaroon ng meeting ng aking bagong kliyente. "Good Morning Architect S.B!" bati sa akin ni Third matapos ilahad ang kaniyang kamay upang makipag kamay. Siya ang ang kliyente ko ngayon. "It's nice to see you again Doctor." nakangiting bati ko rin sa kaniya at tinanggap ang kaniyang kamay. Siya ang nag-iisang kaibigan ko nuong high school kami. Bago ako pumunta ng America upang mag-aral ay siya ang nag iisang taong nakakasama ko. Hindi maipagkakailang malaki ang ipinagbago niya. Hanggang balikat na ang makintab at maitim niyang buhok, matangkad, at sa sobrang puti niya ay halos bumakat na ang kaniyang mga ugat. Matangos ang kaniyang ilong, mahahaba ang pilik mata ng kaniyang singkit na mga mata at natural ang pagkapula ng kaniyang maninipis na labi. Mula pa noon ay modelo na siya kaya naman hindi ko inakalang pag dodoktor ang magiging propesyon niya. Saglit pa kaming nagkamustahan bago pag-usapan ang proyektong gagawin ko para sa kaniya. "It’s a hospital," si Third. "gusto kong magkaroon ng hospital malapit sa Rio main road. Parehomg daan malapit rin sa dagat kaya naman marami ang funaraan doon dahil 'yon ang tanging daan papunta sa nasabing dagat,” patuloy niya. Nakikinig lang ako sa kaniya. "Araw-araw ay may dumadaang 4 to 5 thousand na sasakyan sa main road na malapit sa lugar kung saan ko ito balak ipatayo, 1 hanggang 2 pursyento ng mga iyon ang naaksidente o kaya naman ay nag kakaroon ng emergency ngunit ang pinaka malapit na hospital duon ay ang Yoongi Hospital na mararating sa loob ng isa't kalahating oras," paliwanag niya. Napatitig ako sa kaniya. Ibang-iba na ang paraan niya ng pananalita, kung nuon ay puro babae lang ang pinag kakainteresan niya, ngayon ay nakakatuwang may ganito na siyang nakikita sa paligid niya. "At halos kalahati ng pursyentong iyon ay namamatay o kaya naman ay mas lumalala ang sitwasyon dahil sa layo ng distansya ng hospital na kailangan nilang puntahan," seryosong pang aniya. Magiging kapaki-pakinabang nga hospital na gusto niyang ipatayo. "Then, let’s do this," nakangiting aniko matapos iabot sa kaniya ang kamay ko bilang pagtatapos sa usapan. "Within one year," si Third. Gulat akong napatingin sa kaniya. Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit mabilis niya iyong kinuha. "Settled!" masayang aniya matapos tanggapin ang kamay ko. Tinawanan pa ako nito ng hindi ako agad nakabawi sa gulat dahil sa sinabi niya. "Third, one year. You want it within a year?" pag lilinaw ko sa sinabi niya. At dahan-dahan naman siyang tumango habang nakangiti. "Yeps, 12 months." seryosong aniya. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Masyadong malaki ang hospital na gusto niya. At hindi ko maunawaan sa kliyenteng ito dahil ako ang pinag gagawa niya ng mismong disenyo ng gusto niyang hospital. Ito ang kauna-unahang beses na ako ang mag didisenyo para sa isang kliyente. "I can't believe you," mahinang usal ko. "I know you can make this happen Finn," anito habang tinatapik ang balikat ko. Asar ko namang inalis 'yon at tinawanan naman ako nito. Pinilit ko pa siyang pahabain ang panahong ibinigay niya ngunit buo na ang desisyon niya. Kaya naman tinapos na namin ang usapan ukol sa trabaho at pinag-usapan ang buhay na mayroon kami sa kasalukuyan ng biglang mag ingay ang cellphone ko. Si kuya Ryan ang tumatawag, ang driver namin. "Sir, papunta po kami sa hospital ngayon," aligagang anito. Saglit pa akong naguluhan dahil hindi naman nila ako tinatawagan kapag pumupunta ron ngunit pinili kong hindi na magtanong. "Sige kuya, papunta na rin po ako," sagot ko sa kaniya bago ibaba ang linya. Nag paalam na ako kay Third at nangakong makikipag-usap muli sa kaniya matapos ang isang linggo. Gusto pa sana nitong sumama ngunit pinigilan ko siya dahil alam kong hindi gano'n karami ang oras na nasa kamay ng isang doktor. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa Yoongi Hospital. Duon lang gustong magpadala ni dad kaya alam kong duon lang din sila patungo. Mabilis ang t***k ng puso ko at halos kapusin na rin ako ng hininga dahil sa kaba ngunit pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil na rin sa nag dadrive ako. Makalipas ang halos kalahating oras ay narating ko na ang Hospital. Namataan ko si kuya Ryan sa kanang bahagi ng parking lot ng hospital kaya mabilis akong nag park sa tabi ng sasakyan naming gamit nila kung saan siya nakatayo. "Where's dad?" tanong ko kay kuya Ryan nang makalapit sa kaniya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay sinenyasan lamang akong sumunod, bagay na ginawa ko naman. Mabilis ang naging hakbang niya kaya naman gano'n din ang ginawa ko. Palinga-linga ako habang nag lalakad kami. Ito ang unang pagkakataon na andito ako para kay dad dahil hindi nila ako pinapayagang sumama sa tuwing may check-up siya. Bahagya ko pang nabangga si kuya Ryan ng bigla itong huminto sa paglalakad pag pasok namin. Taka naman akong tumingin sa kaniya ngunit hindi ko na nagawang magtanong dahil nag tama na ang paningin namin ni mom. "Mom, where's dad?" tanong ko sa kaniya. Pangalawang beses ko na itong itinanong sa kaniya ngayong araw. Kung kanina ay nakangiti ko iyong itinanong, ngayon ay hindi ko na iyon magawa pa. "He's waiting for you," si mom matapos tumingin sa pinto ng isang kwarto. Maglalakad na sana ako sa kwartong itinuro niya ngunit pinigilan ako ng mga kamay niya. Nakangiti niya itong pinisil. Ngumiti ako pabalik sa kaniya, halos nanginig pa ang pisngi ko dahil sa pilit na pag ngiti ko. Nilingon ko ang pinto ng kwarto at dahan-dahang humakbang patungo ro'n. Naging mabagal ang naging pag kilos ko. Nang hahawakan ko na ang doorknob ng pinto ay nag dalawang isip ako, natatakot ako. Pinakawalan ko ang isang mabigat na buntong hininga bago pinihit ang doorknob at itulak ito upang magkaroon ng daan papasok sa loob. "Dad," usal ko ng tuluyang mabuksan ang pinto. Hindi pa ako nakakahakbang papasok ngunit tanaw ko na si dad. Payapa itong nakahiga, sa sobrang payapa ay wala kang maririnig na tunog mula sa kaniya. Maging ang maliit na ingay nang paghinga ay wala na. "Daddy," muling usal ko habang papalapit sa kaniya. Habang lumiliit ang distansya namin ay lalong lumilinaw sa aking paningin ang kakaibang kulay ng kaniyang balat at labi. Nanginginig ang buo kong katawan ng tuluyang nakalapit sa kaniya. Nanghihina ang tuhod ko kaya naman halos maging rason iyon ng pagkatumba ko mabuti nalamang at napahawak ako sa higaan ni dad. Dahilan kung bakit bahagya ring nag dampi ang balat namin sa kamay. "D-dad are you cold?" tanong ko sa kaniya matapos ay niyakap siya dahil naramdaman kong malamig ang katawan nito, nagbabakasakaling mabibigyang init nito ang malamig na katawan ni daddy. Ngunit hindi siya sumagot, ni hindi siya gumalaw kaya naman wala sa sariling tumawa ako ng malakas, malakas na malakas. "Dad, natawa na ako," sabi ko sa kaniya. "Tama na joke dad, bangon na," nakangiting bulong ko sa kaniya ngunit wala pa rin siyang ginawang pag kilos o pagtugon. Pilit kong itinatanggi sa sarili ko ang sitwasyon, ang katotohanan ngunit nagkusang manlabo ang paningin ko dahil sa luha. Kahit pa halos hindi ko na siya makita dahil sa luha ay pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Duon ko napagtantong wala na si dad. "Dad, please don't do this," umiiling na sabi ko habang umiiyak. "Dad, wake up. You haven't met my wife yet," bulong ko sa kaniya habang inuuga ang balikat niya. "You haven't seen my children yet dad," umiiyak ng aniko. "You promised dad," bulong ko pa. Nangako siya sa akin nuon na hihintayin niya pa akong magka pamilya. "Dad, please go back," nag mamakaawang sabi ko, umaasang makakarinig ng pagsagot mula sa kaniya. Ngunit bigo pa rin ako kaya naman tuluyan na akong nanghina at napaupo. "Dad!" sigaw ko habang umiiyak. Dahilan upang pumasok sa loob ang mga kasama ko sa labas kanina. Dumiretso sa akin si mom at mahigpit akong niyakap. "We can get through this son," umiiyak ding aniya. Niyakap ko siya pabalik, pareho kaming nakaupo sa sahig ng hospital room ni dad. "Mom, I can't lose him yet. I need him mom, I need dad," hagulgol ko sa balikat ng aking ina. "Your dad needs rest," maikling sagot niya sa sinabi ko. Kaya naman tumayo ako. Pinusan ang mga luha at hinarap ang walang buhay na si dad. "Dad, you can rest without doing this," malumanay na sabi ko. "dad let's go home," pagpapatuloy ko. Hindi siya gumalaw kaya naman nag simula muling bumuhos ang mga luha ko. "Dad please, let's go," muling sabi ko sa kaniya. Nag simula na ring umiyak ang mga tao sa loob. Marami sa kanila ay hindi ko kilala. "Dad, I promise. I'll cook your favorite foods every day, I'll be your personal nurse at home 24/7," nangungumbinsing sabi ko habang hawak siya sa kamay. Nilingon ko si mommy at napatingin naman siya sa akin. "Mom, please help me to convince dad," umiiyak na pakiusap ko sa aking ina matapos ko siyang hilain papalapit sa aking ama. "Son," bulong niya habang umiiling. Bagsak ang balikat na binitiwan ko ang mga kamay ni mom at muling nilingon si dad. Wala na si daddy, iniwan na kami ni dad. Hindi pa ako tapos bumawi sa mahigit anim na taon naming hindi nag kakasama ngunit wala na siya. Wala ng daddy na mag papaalala sa aking kumain muna bago mag babad sa trabaho. Wala ng tutulong sa aking asarin si mom tuwing umaga, wala na akong makakasama sa tuwing maiisipan kong tumugtog muli ng musika. Wala na, wala na si dad. "Dad," mahinang usal ko. "dad, I love you and I will always will," pagpapatuloy ko matapos ay hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas sa kaniyang silid. Nang makarating sa pinto habang palabas ay nagtama ang paningin namin ng isang Nurse. Saglit pa akong napatitig sa kaniya nang makita ko ang tuloy-tuloy na pag agos ng kaniyang mga luha. Hindi ako nakakilos agad kaya naman siya na ang kusang humakbang upang lampasan ako at nag lakad papasok sa loob. Hindi ko na siya nilingon at nag tuloy na sa pag labas. Nag drive ako pauwi ng bahay habang umiiyak. Binuksan ko ang bintana ng kotse ko upang makapasok ang hangin. Hinayaan kong tangayin nito ang mga luhang kumakawala mula sa mga mata ko. Wala na si dad, makakapag pahinga na siya. Masaya ako sa ideyang makakapag pahinga na siya ngunit nadudurog ako sa ideyang sa ganitong paraan lamang siya makakapag pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD