Hastrup Finn's point of view:
Kinaumagahan ay maagang kumatok si mommy sa kwarto ko upang gisingin ako. Lingid sa kaniyang kaalaman ay hindi naman talaga ako nakatulog. Magdamag na dilat ang mga mata ko, magdamag akong umiiyak, mag damag kong dinamdam ang pagkawala ni Daddy. Hinayaan ko ang bawat parte ng katawan ko na damdamin ang sakit dulot ng pagkawala niya. Kaya naman ngayon ay parang natuyo na ang lahat ng luha, ngunit hindi nito nabago ang katotohanang wala na si dad.
Wala man sa sarili ay pinilit kong tumayo upang maligo at mag ayos. Marahil ito na ang pinakamasakit na paghahanda sa isang umaga, dahil naghahanda ako hindi para magtrabaho kung 'di para daluhan ang lamay ng tatay ko. Hindi ko kailanman naisip na darating ang araw na 'to. Araw kung saan kailangan kong magsuot ng pormal na damit hindi para katagpuin ang mga kliyente ko, kung 'di para makita ang walang buhay ng si Daddy.
Kahit labag sa kalooban ko ay mabilis kong tinapos ang pag-aayos sa sarili ko upang mapuntahan si dad. Paglabas ko ng kwarto ay agad kong namataan si Mom. Kasa lukuyan itong nakatulala habang nakaupo sa upuan kung saan niya laging katabi si daddy. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ay muling bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Mga luhang ang buong akala ko ay tuluyan ng natuyo.
"Mom," mahinang usal ko bago siya yakapin.
"Good morning," malungkot man ay nakangiti akong binati ng aking ina.
"Mom, I miss dad." parang batang sumbong ko sa kaniya.
"I miss him so much too son, that's why we'll go and see him okay?" nangaalong sabi niya sa akin.
"Mommy, I really want to hug him too," 'yon ang totoo. Wala pang dalawang araw magmula nang iwan niya kami ay nangungulila na ako sa yakap niya.
Tila hindi kompleto ang isang umaga ng walang pagbati na nagmumula sa kaniya. Parang hindi ko kayang lumabas ng bahay ng hindi nakikita ang mga ngiti niya. Para bang hindi ko kayang umalis upang magtrabaho ng wala ang bawat paalala niya.
"Daddy." humihikbing tawag ko sa aking ama. Mas humigpit naman ang yakap sa akin ng aking ina.
Matapos naming mag umagahan ay agad na kaming ipinag drive ni Kuya Ryan papuntang Chapel kung saan nakalagak ang labi ni Daddy. Pagkaparada pa lamang ng aming sasakyan sa tapat ng nasabing Chapel kung saan kita agad ang larawan ni Dad ay nawalan na ako ng lakas upang tumuloy sa loob.
"We can get through this son." si mom.
Inakay ko si mommy pababa ng sasakyan at sabay kaming pumasok sa loob. Kitang-kita ko kung paanong mag unahan ang mga luha ng aking Ina. Sa sandaling iyon ay napagtanto kong ngayon ay kailangang ako ang maging malakas upang may masandalan si Mom.
Naging mabagal ang paghakbang ni Mommy papalapit kay Dad. Nanatili akong nakaalalay sa kaniya dahil pakiramdam ano mang oras ay matutumba siya dahil sa panghihina. Habang papalapit ay lalong lumalakas ang hagulgol niya rason upang maging ako ay tahimik na naging emosyonal.
Ng tuluyang makalapit ay napaupo si Mom sa harap ng nakahigang si dad. Duon ay ibinuhos niya ang lahat ng kaniyang pangungulila at pagdadalamhati habang umiiyak. Hindi ko kayang panoorin siyang ganito, hindi ako sanay makita sila nila ni daddy na nasa ganitong sitwasyon.
"Why did you left us this early?" tanong ni Mom kay dad.
"You didn't taught me how to live even a single day without you," sinabi iyon ng aking ina sa gitna ng paghagulgol.
"How can I sleep without you laying next to me?" patuloy sa pagtatanong si Mom kahit pa hindi siya nakakatanggap ng ano mang tugon mula sa aking ama.
"How can I Finish my coffee now?" tuluyan muling nahulog ang mga luha ko sa tanong na ito ni Mommy.
Sandali ko ring itinanong ito sa aking sarili. Paano na nga ba mauubos ni Mommy ang kapeng titiplahin niya ngayong wala na si Dad?
Hindi kayang umubos ng isang tasang kape ni mommy kaya naman si dad ang umuubos nito palagi para sa kaniya. Kaya naman tuwing umaga ay lagi mo silang makikitang magkatabi habang nakaupo sa terrace ng bahay at diretsong nakatanaw sa malawak naming hardin.
Ngayon ay nakikita ko ang panghihina ni Mommy. Bagay na pilit niyang ikinubli magmula pa kahapon. Alam kong ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maging malakas sa harap naming lahat. Kaya ngayon ay ako naman, ako naman ang magiging lakas niya. Ako naman, ako naman ang tatayo ng buong tapang upang may makapitan siya.
Hindi ko alam kung ilang oras ang inabot namin bago tuluyang kumalma si Mom. Nagpatuloy ang buong maghapon at sumapit ang gabi. Nag datingan ang mga taong makikiramay habang nanatili namang nakaupo sa pinakaunahang upuan ang aking ina malapit sa kabaong ni Dad. Isa-Isang lumalapit ang mga tao sa amin upang ipaabot ang kanilang pakikiramay at taos puso namin iyong ipinag papasalamat.
"Hastrup," mula sa aking likuran ay narinig ko ang pangalan ko.
"Kuya?" tanong ko kay Kuya Ryan matapos niya akong tawagin.
"Kinailangang umalis ni Manang Fe kaya naman nawalan ng taga luto sa kusina. Kailangan nating magluto para sa mga bisita," ramdam ko ang pag aalangan sa boses ni Kuya Ryan habang sinasabi ito.
"Walang problema kuya, ako na magluluto." nakangiting sagot ko sa kaniya.
Nagpasalamat siya matapos kong tumugon. Inakbayan ko pa siya at sabay kaming tumungo sa kusina. Naratnan namin duon ang ilan pa naming mga tauhan at kita ang gulat sa kanila. Marahil ay hindi nila inaasahang makita ako sa kusina dahil dapat ay nasa tabi ako ni Mom.
Binati ko sila isa-isa at nagpasalamat na rin sa mga tulong nila sa amin lalo na ngayon. Naging mabilis ang pagluluto dahil na rin sa tulong ng mga kasama ko. Sa katunatan ay parang sila rin naman ang kumilos sa lahat, ang kinailangan ko lamang ang timplahan upang maging maganda ang lasa.
Pagkatapos magluto ay agad akong lumabas ng kusina upang hanapin si Mommy para alukin siyang kumain. Bahagya pa akong nagulat sa dami ng taong naratnan sa labas. Ito ang unang gabi ni dad kaya naman hindi ko inasahang ganito kaagad karami ang taong pupunta sa lamay niya. Napangiti ako dahil isang bagay lang ang sinasabi nito, tunay ngang naging mabuting tao ang tatay ko.