Chapter 16.

1685 Words
Mc Ashley's point of view: Ngayon ay gabi ng sabado at kasaluyan kong inaayos ang sarili dahil ito ang unang gabi na pupunta ako sa lamay ni sir Mark. Hindi ko pa rin kayang isipin na kahit kailan ay hindi ko na uli siya makakakwentuhan, hindi ko na uli makikita pa ang mga ngiti niyang nakakagaan ng pakiramdam. Ito ang pangatlong gabi niya ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas upang harapin siya sa gano'ng sitwasyon. Sa mga nakalipas na araw ay sinasadya kong pagurin ang sarili ko sa Hospital upang mag karoon ng dahilan para hindi makasama sa tuwing mag-aaya ang mga kasama namin upang makiramay. Matapos kong mag ayos ay tinignan ko ang oras sa aking cellphone, 6:17 pm na kaya naman tinawagan ko na ang kaibigan kong si Hope. "Yes?" tanong nito mula sa kabilang linya. Napabuntong-hininga naman ako bago mag salita. "Sasama ako," maikling sagot ko. Nanahimik naman siya mula sa kabilang linya. "Sige, susunduin na kita." pagtatapos niya sa usapan bago ibaba ang tawag. Nag paalam ako sa aking pamilya bago lumabas ng aming bahay upang abangan si Hope. Binigyan ako ng nag aalong ngiti ng aking ama at ina, bago tuluyang makalabas ng pinto ay nag salita si mama. "Hindi kailanman magiging krimen ang pag-iyak anak."makahulugang anito. Ngitian ko naman siya matapos ay marahang tumango. Malalim ang aking paghinga habang nag lalakad patungo sa gate ng aming bahay. Pilit kong nilalaban ang nagbabadyang mga luha, lalo akong nahirapan nang maalala ang araw ng kaniyang pagpanaw. FLASHBACK__ Palabas na ako ng bahay nang tumawag si Nurse Daisy sa akin. Bago tanggapin ang tawag niya ay mabilis ko munang sinilip ang aking orasan, hindi pa naman ako late ngunit bakit kakaiba ang kabang bigay sa akin ng tawag na ito. "Good Af-" hindi ko na naituloy pa ang pag bati ko dahil pinutol na iyon ni Nurse Daisy. "Ash," mabagal na tawag niya sa pangalan ko. "Ash, wala na si sir Mark," pag papatuloy niya. Lalo kong hinigpitan ang hawak kong cellphone dahil bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko. “P-po? Lah Ma’am hindi ‘yan magandang biro,” natatawa ngunit seryosong sabi ko. “A-ash,” muli niyang tawag sa akin habang naginginig ang boses niya. Marami itong sinasabi ngunit wala na akong naintindihan, mas lumakas ang t***k ng puso ko kaya naman hindi ko na narinig pa ang sumunod na mga sinabi niya. Patakbo akong umalis ng bahay—dala ang gulat at pagkalito ay mabilis kong narating ang hospital. Hindi man ako sigurado kung andito si sir Mark ngunit dito ako dinala ng mga paa ko. Nasa corridor pa lamang ako ay ramdam ko na ang mabigat na pakiramdam. Nang makarating sa Nurse Station ay naratnan ko si Sheila. Hindi na ako nag tanong nang makitang kumawala ang ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. Marahan kong ibinababa ang gamit ko habang nakayuko nang mag salita siya. "Emergency Room 208," pigil ang emosyong aniya. Tinanguan ko lamang siya at tinungo ang kwartong tinutukoy niya. Nanginginig ang kamay ko at halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Malayo pa lamang ako ay tanaw na ang kumpol ng mga tao. Nag simulang uminit ang mga mata ko ng unti-unti ay marinig ko ang pag-iyak sa paligid. Para akong lumalutang habang nag lalakad, hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Rinig ko ang pag tawag ng mga tao sa pangalan ko nang tuluyan kong marating ang kwarto ngunit wala akong nilingon ni isa sa kanila. Nasa pintuan pa lamang ako ngunit tanaw ko na ang mga taong nasa loob. Natatakpan ng ilan sa kanila ang kama kung saan nakahiga si sir Mark kaya naman hindi ko ito direktang makita. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko, handa na akong humakbang papasok ngunit naharangan ako ng isang lalaki. Palabas ito kaya naman nag pang abot kami sa pinto, pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ko iyon masyadong makilala dahil na rin sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko. Ilang segundo rin kaming nakatingin sa isa't-isa hanggang sa ako na mismo ang kusang nag bigay ng daan sa kaniya at pumasok sa loob. "I'm sorry I can't stop crying," bulong ko sa walang buhay na katawan ni sir Mark. Sa tuwing maiiyak ako sa harap niya ay hindi siya napapagod mag hintay hanggang sa tumahan ako. Ngunit ngayon ay hindi ko alam kung paano mapapatahan ang sarili ko. Umiyak ako ng umiyak, hindi alintana ang mga tao sa paligid. Alam kong naiintindihan ako ng lahat ng narito, alam nila kung gaano ko kamahal ang taong nakahiga ngayon dito. Siya ang nagsilbi kong pangalawang ama, sa loob man o sa labas ng hospital. "Everything will be fine," nakangiting ani ma'am Analyn, ang asawa niya. Niyakap ko siya, alam kong nasasaktan din siya dahil nawalan siya ng asawa ngunit pinipilit niyang magpakatatag para sa mga taong umiiyak ngayon sa harap niya. "He fought a good a fight and he won," muling aniya. Napatitig ako sa kaniya at nag simula na ring tumulo ang mga luha niya. Naninikip ang dibdib ko habang isa isang tumutulo ang luha sa mga mata niya. "We need to celebrate his victory Ash." patuloy niya. Tumatango ako habang mas hinihigpitan ang yakap sa kaniya. Tama, pagkapanalo ang katotohanang wala na siyang sakit na mararamdaman pa. Sa tuwing papasok ako sa silid kung saan lulan si sir Mark, lagi niyang sinasabi sa akin na nakakagaan sa pakiramdam ang mga ngiti ko. Pipilitin kong ngumiti ng mas madalas sa gitna ng kagustuhan kong umiyak, Pangako. END OF FLASHBACK__ Naibalik ako sa reyalidad dahil sa malakas na busina mula sa sasakyan ni Hope. Tinanguan ko lamang siya nang ibaba niya ang bintana ng kaniyang sasakyan upang batiin ako. Sumakay ako sa backseat bagay na ipinagtaka niya, lagi kasi akong umuupo sa passenger seat kapag nakasakay sa sasakyang ito at siya ang driver. Alam kong marami pang gustong itanong si Hope sa akin ngunit pinili na lamang niya mahimik, bagay na ipinag pasalamat ko dahil wala ako sa sarili upang makipag usap. Halos isang oras ang naging byahe namin bago marating ang lugar kung saan nakalagak ang labi ni sir Mark. Sa labas pa lamang ng chapel ay makikita na ang napakaraming bulaklak. Sa pintuan kung saan nakalagay ang mga puting rosas ay nakalagay ang malaking larawan niya. Napakasaya ng kaniyang pagkakangiti sa larawan, gusto kong yakapin iyon ng tuluyang malapitan. "Ash, let’s go inside." pigil ni Hope sa kamay ko nang akmang hahaplusin ko na ang larawan. Napalingon ako sa kaniya at marahang tumango bilang pag sang-ayon. Nagsimula na kaming pumasok sa loob, unang hakbang ko pa lamang ay natanaw ko na ang kabaong ni sir Mark. Nag simulang manginig ang mga kamay ko, nanlalambot na rin ang mga tuhod ko dahil sa emosyong narraamdaman ko ngunit hindi ko pinayagang kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Bagkus ay ngumiti ako habang papalapit kay sir Mark--hanggang sa makarating kami sa harap ay hindi ako iniwan ni Hope. "Hi, it’s been a while," halos mabasag ang boses na bati ko kay sir Mark. Ginawa ko iyon na para bang isang nakangiting ama ang kausap ko at hindi ang walang buhay na nasa harap ko. Iniwan ako ni Hope sa harap, binigyan niya ako ng panahon upang kausapin si sir Mark kahit pa alam kong hindi na niya ako naririnig pa. Nagpasalamat at nagkwento ako habang nakatayo sa harap niya. Sinikap kong manatili ang sigla sa paraan ko ng pananalita, pinilit kong isipin na masaya siyang nakikinig sa akin kahit pa kabaliktaran 'yon ng sitwasyon. Marami pa akong gustong ibahagi sa kaniya, ngunit sinundo na ako ni Hope makalipas ang hindi ko mabilang na sandali. Sumama ako sa kaniya kahit pa labag iyon sa kalooban ko. Nang makaupo ay duon ko napansin ang sunod-sunod na paglapit ng iba pang mga bisita, marahil ay hinintay lamang nila akong matapos. Nginitian ko ang bawat taong kilala ko sa paligid, ngumiti sila sa akin pabalik ngunit ilan lamang sa mga ito ang nakipag-usap sa akin. Halos lahat kami ay tahimik na nakatitig sa puting kabaong ni sir Mark. “May magpeperform ata?” tanong ni Hope makalipas ang mahabang oras ng katahimikan sa pagitan namin. Nilingon ko siya at sinundan ang tingin niya. Duon ko nakita ang ilan sa mga kalalakihan dala ang isang gitara, keyboard, microphone at upuan na siya naman nilang inilagay sa gilid ni Sir Mark. Nanatili sa mga musical instrument na iyon ang paningin ko. Napangiti ako nang maalala na mahilig sa musika si sir Mark. Alam kong matutuwa siya kapag may kumanta para sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa mga iyon, naibalik lamang ako sa reyalidad nang mag salita si Ma’am Analyn sa tabi ko. “I’m happy to finally see you here Hija,” mahinang aniya. Nilingon ko siya nang may nahihiyang ngiti sa mga labi. Hindi ko manlang naramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko. “I know your tito is more than happy than I am,” nakangiting patuloy niya na ang paningin ay nasa labi na ng kaniyang asawa. “I’m sorry tita, it took me a while,” mahinang aniko. Nilingon naman niya ako at hinawakan sa kamay. “No it’s okay, I understand you,” nakangiti pa ring aniya. Kahit pa nakangiti siya ay kita pa rin ang pamumugto ng kaniyang mga mata. “I’ll stay here until Monday morning tita, mag pahinga po muna kayo,” wika ko. Alam kong kahit pa marami silang mga katiwalang nakakasama ay napapagod sila dahil sila rin ang humaharap sa bawat taong dumarating. “Thank you so much,” sagot niya. “ah, can you sing for us? Your tito will be happy to hear you singing." patuloy nito habang nakatingin sa mga instrumento. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko lalo na nang ilibot ko ang paningin at nakita ang maraming tao. Gusto kong tumanggi ngunit sa huli ay namutawi rin ang kagustuhan kong pag bigyan ang hiling niya. Kaya naman kahit pa kinakabahan ay tumayo ako at mabagal na tinungo ang lugar kung saan ako kakanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD