Chapter 17.

2538 Words
Hastrup Finn’s point of view: Pakiramdam ko ay hindi ako nakakatulog su tuwing sinusubukan kong magpahinga kahit pa lagi akong napapagod habang nasa burol ni dad. Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin matanggap, siguro kahit kailan ay hindi ko matatanggap. Gusto kong magwala, gusto kong magalit, gusto kong mang-amok ngunit hindi ako makahanap ng dahilan upang gawin ‘yon. Hindi ko mapangalanan ang emosyong nararamdaman ko ngayon, hindi ko magawang batiin ng ngiti ang araw na nakasilip ngayon sa bintana ko. Pakiramdam ko ay iniinsulto ako nito dahil sa maganda pa rin ang pag sikat nito. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko, hinihintay na muling bagtasin ng mga luha ang pisngi ko ngunit hindi iyon nangyari. Para bang naubusan na ako ng luha—hindi ko na magawang umiyak pa. “Hastrup are you awake?” taka akong napalingon sa pintuan ng kwarto ko ngunit nanatili akong tahimik. “Kailan pa siya andito?” bulong ko sa sarili. “Breakfast is ready, come out,” muling anito bago ko tuluyang marinig ang paglakad niya palayo sa kwarto ko. Gustuhin ko mang magmukmok at magkulong maghapon alam kong hindi iyon maari dahil walang makakasama si mommy. Wala sa sarili akong naligo at nang matapos mag-ayos ay lumabas upang saluhan sila sa umagahan. Bago tuluyang makalabas ng pinto ay huminga ako ng malalim upang pasiglahin ang sarili ko. Kailangan kong maging malakas sa harap ng mommy ko. “Good Morning!” bati ko sa lahat. Malungkot naman silang lumingon sa akin. “Com’ on guys, dad wouldn’t be happy seeing you like this,” nangungumbinsing sabi ko sa kanila. Kasalikuyang nakaupo si Xos at si mommy habang inaayos ni Manang Fe ang ilang mga pinggang pagkakainan namin. “Oh you’re here too, Good morning!” bati ko kay Singh nang makita ito palabas ng kusina dala ang ulam. “I know you miss me, brother,” nakangiting anito matapos ay yumakap sa akin nang maibaba ang dala. Masaya ako dahil masigla ang naging bungad ni Singh sa akin, malamang ay mahihirapan ako kung pati siya ay malungkot na haharap sa akin. “You can now go back to America Singh,” sagot ko sa sinabi niya. “You’re so mean, Architect!” anito. Natawa naman ako sa isinagot niya. “Sana sinabihan niyo akong darating kayo para sana nasundo ko manlang kayo sa Airport,” baling ko kay Xos matapos guluhin ang buhok niya bago umupo. “It’s okay, I have Singh,” sagot nito. Gulat naman kaming napalingon sa kaniya. Maging si Singh ay mukhang nagulat din sa narinig. “I mean, I’m with him. We have our car and he can drive,” kibit-balikat na anito. Napatango naman ako sa sagot niya. “You expect too much bro." bulong ko kay Singh. Siniringan naman ako nito at hinduli na umimik bago kumain. Ayon sa kanila ay kagabi pa sila nakarating dito sa bahay ngunit hindi muna sila pumunta kay daddy dahil kailangan nila ng pahinga. Bagay na naunawaan ko—iyon din naman ang sasabihin ko sa kanila kung sakali mang nalaman ko ng maaga na narito sila. Mabilis naming tinapos ang umagahan at inihanda ang sarili upang makapunta na kay daddy. Sinabihan ko si mom na mamaya na lamang gabi pumunta ro’n upang makapag pahinga siya ng sapat. Makakasama ko rin sina Xos duon kaya mas pinili kong manatili muna sa bahay si mommy. Alam kong kahit hindi niya sabihin ay mas doble ang pagod na nararamdaman niya ngayon. Mag tatanghali na nang makarating kami sa Chapel kung saan nakaburol si daddy—dumiretso kaming tatlo sa kaniya. Mabilis na nagilid ang luha ni Xos kaya naman gano’n rin kabilis si Singh na inalalayan siya. “Dad,” usal ni Xos. Hindi na niya iyon napasundan pa dahil pinangunahan na siya ng pag-iyak. “Take care of her,” bulong ko kay Singh. Tumango naman ito matapos ay tinapik ang balikat ko. “I’ll be back." muling sabi ko matapos ay tinalikuran sila. Gusto kong bigyan sila ng pribadong oras nila dad. Naglakad ako palayo sa kanila upang hanapin si Kuya Ryan, gusto ko rin silang kamustahin. Habang hinahanap sila ay marami akong nakasalubong na hindi kilala ngunit binabati ko sila. Marahil ang ilan sa kanila ay nakasama ng aking mga magulang sa trabaho o kaya naman ay sa hospital kung saan sila madalas nuon. “Kuya Ryan aalis ka?” Tanong ko nang makita itong palabas ng Chapel. “Opo sir, nag kaubusan kase ng stocks sa loob mamimili lang ho ako,” sagot niya. Matagal na naming katiwala si kuya Ryan, mag mula nuong binata pa lamang ito hanggang sa nagkapamilya ay siya na ang driver namin kaya naman gano’n na lamang siya kalapit sa pamilya namin lalo na sa mga magulang ko. Sina Mommy rin ang nagpaaral sa kaniya subalit kahit nakapag tapos na ito at nag karoon ng magandang trabaho ay ipinagdadrive pa rin niya kami kahit pa ayaw iyon ni Mommy. Nais kase nina Dad na mag focus na lamang ito sa pamilya sa tuwing may bakanteng oras. “Samahan na kita kuya, wala naman po akong gagawin,” alok ko sa kaniya. “Nako huwag na, matatagalan ho ako dahil magkakaibang lugar ang pagbibilan ko ng mga kailangan,” tanggi nito. Bago ako umalis ay magkasundong-magkasundo kaming Kuya Ryan. Subalit magmula nang dumating ako ay ramdam ko ang hiya niya. Sinusubukan ko iyon alisin kaya gaya ng ginagawa ko ngayon, sana lang mabilis maibalik ang dati naming samahan. “Eh di mas dapat pala kitang samahan. Sandali lang po, magpapalam lang ako sa mga kaibigan ko sa loob.” pagtatapos ko sa usapan bago pumasok sa loob. Alam kong napapagod rin sila higit pa sa pagod na nararanasan ko dahil mas kumikilos sila kesa sa akin. Kaya naman kahit sa ganitong paraan lamang ay makatulong ako at makapag pasalamat sa kanila. Nakaupo na sina Xos at Singh nang makabalik ako sa loob. Ipinaalam ko sa kanila ang balak kong pagsama kay kuya Ryan—gusto pa sana ni Singh na siya na lamang ang sumama ngunit mas pinili kong manatili na lamang siya upang may makasama si Xos at ang iba pa naming katiwala dito. “Akala ko tinakasan mo na ‘ko,” pabirong sabi ko kay kuya Ryan nang makalabas ako. “Balak ko nga ho sana eh, kaso baka sundan niyo rin ako kaya mas maiging mag sabay nalang tayo,” sagot niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. “Ako na mag dadrive kuya, ikaw nalang mamaya pabalik,” sabi ko matapos ay pabirong inagaw ang susi sa kamay niya. Napailing na lamang ito at hindi na nakipag talo pa. Gaya nang nasabi ni Kuya Ry ay marami nga kaming tindahang pinuntahan. Hindi ako sanay mamili dahil may mga ktiwala kaming gumagawa no’n para sa amin kaya naman gano’n na lamang ang saya ko dahil nagawa kong maranasan ang mga bagay na ito. Hinayaan ako ni Kuya Ry mamili ng mga gusto matapos naming bumili ng mga kakailanganin para kay daddy. Gabi na nang makabalik kami dahil sa dami ng pinuntahan namin. Tinulungan ng iba pa naming katiwala si Kuya Ry na ibaba ang mga pinamili namin kaya naman pumasok ako ng walang dala. Bago tuluyang makapasok sa loob ay may babae akong nakita, mabagal ang paglalakad niya habang kasama ang isa pang babae. Bahagya siyang huminto sa harap ng larawan ni dad malapit sa pinto at akmang hahawakan iyon ngunit pinigilan siya ng babaeng kasama niya. Nakatalikod sila sa akin kaya naman hindi ko makita ang mukha niya—nag tuloy na sila pagpasok sa loob at gano’n din ang ginawa ko. “You’re back,” si Xos. “mom’s here already,” wika niya nang maratnan ko sila sa pinakadulong upuan sa loob. “Where is she?” tanong ko at intinuro naman niya ang kinaroroonan ni mommy na kasalukuyang kausap si Nurse Daisy. Pupuntahan ko na sana siya ngunit napahinto ako dahil sa sinabi ni Singh. “She looks familiar. I think I saw her before, I just can’t remember where and when,” wika ni Singh habang nakapangalumbaba. Sinundan ko naman ang kaniyang tingin at nakitang nasa babaeng nakita ko kanina ang paningin niya. “You look very interested Architech,” si Xos kay Singh. Agad namang nag-iwas ng tingin si Singh sa babae at nilingon si Xos. Inirapan siya nito at maglakad palayo. “You’re dead Singh,” sabi ko kay Singh matapos siyang tapikin sa balikat at maglakad papunta kay mommy. Minsan ko pang nilingon ang babae—umiiyak na siya ngayon kay daddy. “This is unbelievable,” bulong ko sa sarili nang makilala ang babaeng ‘yon. Hindi ko inaakalang dito muling pagtatagpuin ang landas namin. Nang makarating kay mommy ay agad nahinto ang pag-uusap nila ni Nurse Daisy. Binati ko silang dalawa at gano’n din ang ginawa nila sa akin. Nagkaroon kami ng maikling pag-uusap hanggang sa magpaalam na si Nurse Daisy na babalik sa kaniyang mga kasamahan. “Did you have your dinner, Son?” tanong sa akin ni mom. Tumango ako bilang sagot at ngumiti naman siya. Habang kausap si mom ay nahagip ng mga mata ko ang mga instrumento sa harap. Gusto ko pa sanang mag tanong kung paraan saan ang mga iyon ngunit nag paalam na sa akin si mom dahil may kakausapin pa raw siya kaya naman tumungo muna ako kila Kuya Ry sa likod upang kumustahin ang lagay nila. Nakipag kwentuhan pa ako sa mga taong naratnan duon habang kasalukuyan silang nag luluto. Ramdam ko ang lungkot sa kanila kaya naman pinilit kong pagaanin ang pakiramdam sa paligid. Sandali pa akong namalagi kasama sila hanggang sa napag desisyunan kong bumalik na sa loob. “Good Evening everyone, I want to dedicate this song to the best attorney I have ever known,” may nag salita sa harap. Nag tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kina Singh—magkasama na sila ngayon ni Xos. “Do you know her Hast? Si Xos habang nasa harap ang paningin. Sinundan ko ang tinitignan niya at duon ay nakita ko si Ashley, naroon na siya ngayon sa mga musical instrument na nasa tabi ni dad. “Yes,” maikling sagot ko at itinuon na rin ang atensyon sa harap. “I do know her, she was the tour guide I met in Manaoag. But I don’t know her relationship with my dad,” patuloy ko. “She’s your dad’s personal nurse," si Nurse Daisy. Hindi ko manlang naramdaman ang paglapit niya sa amin. "I'm sorry interfering." paumanhin niya, nginitian naman namin siya upang malaman niyang ayos lamang. “No, I rather say, she’s your dad’s favorite Nurse,” muling sabi niya. Naguguluhan namang napatingin sa kaniya sina Xos at Singh. “So she’s that girl." nakangiting sabi ko. Madalas siyang ikwento sa akin nina dad ngunit hindi ko pa siya kailanman nakilala dahil na rin hindi ako sumasama kina mommy sa tuwing pupunta sila ng hospital. Maya-maya pa ay nagsimula siyang tumipa—makikita ang gaan ng kamay niya sa tuwing dadapo ang mga ito sa mga keys ng keyboard. Nakatingin lang kami sa kaniya, inaabangan ang unang salita sa liriko ng kakatahin niya. “Ako’y nagbalik Sa init ng iyong yakap Parang ibong sabik sa isang pugad” Hindi ko alam ngunit biglang nanahimik ang buong lugar nang magsimula siyang kumanta. Ramdam na ramdam ang emosyon sa paraan ng pag awit niya. Ang bawat liriko ng kanta ay para niyang binibigkas upang buhayin ang emosyong hindi ko gustong makita ng iba. Nag sisimula nang mag-init ang mga mata ko ngunit ginawa ko ang lahat upang hindi ito tuluyang maging luha. “Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan Hindi na ‘ko muli pang lilisan Dahil kung ikaw ang yakap ko Parang yakap ko ang langit At yakap ko pati ang ‘yong ngiti” Nag simulang mabasag ang boses niya. Mararamdaman ang paglaban niya sa emosyong pilit kumakawala sa kaniya ngunit sadyang malakas ito kaya naman hindi niya kinaya. Nag unahan ang mga luha sa pagbagsak mula sa kaniyang mga mata. Napakasarap sa pandinig ng boses niya ngunit nakakahawa ang lungkot na makikita sa kaniya. “Ako ay nag balik at muli kang nasilayan Hindi na ‘ko muli pang lilisan Dahil kung ikaw ang yakap ko Parang yakap ko ang langit At yakap ko pati ang ‘yong ngiti” Nagpatuloy siya sa pagkanta—nakakahawa ang tahimik na pag-iyak niya. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit karamihan sa mga taong naririto ngayon ay umiiyak na rin. Nilingon ko si mommy at nakita kong nakangiti ito habang nakatingin kay Ashley. Bagaman makikita ang lungkot sa mga mata niya ay nagagawa niya pa ring ngumit ng ganito kaganda. Ngayon ay gusto ko siyang puntahan upang yakapin subalit hindi ako makahakbang. Pakiramdam ko ay tuluyan akong manghihina dahil sa lungkot kapag gumalaw ako. “You can get through this,” si Xos. Nakayakap na ito sa akin ngayon—niyakap ko siya pabalik. Idinaan ko sa pagyakap kay Xos ang kagustuhan kong lapitan si dad—ang kagustuhan kong pabalikin siya. Lumabas ako ng chapel at tumungo sa isang bench na nasa likod nito. May kadiliman sa bahaging ito ng lugar at isang maliit na liwanag lamang mula sa loob ang nagbibigay liwanag dito. Naupo ako at isinandal ang likuran ko, ngayon ko tuluyang nararamdaman ang lungkot dahil walang ibang tao. Kaya naman hinayaan kong damdamin ng sarili ko ang pagkawala ni daddy, hinayaan kong bumuhos muli ang mga luha ko. Sa lugar kung saan walang ibang tao hinayaan ko ang sarili kong makaramdam ng panghihina. Pikit mata akong umiiyak, hanggang sa maramdam ang mga daliring pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko. Hindi ako nag mulat hanggang sa magsalita ang may-ari ng mga kamay na nangahas punasan ang mga luhang naging tanda ng kahinaan ko. “Waves will pass, let yourself bleed and die for a while. Healing takes time." bulong nito matapos ay naramdaman ko ang paglalakad niya palayo. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay wala na akong nakitang tao, inilibot ko pa ang paningin ko ngunit wala akong nakita. Mabilis akong humakbang pabalik sa loob, nag bakasaling maabutan ang taong iyon. “Hey where have you been? Xos is looking for you,” si Singh. Nagkasalubong kami sa pintuan ng Chapel. “Really?” tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. Hindi ko nakilala ang boses ng babaeng nagsalita kanina dahil na rin siguro sa pagiging emosyonal ko. Kilala ko si Xos, marunong siyang rumespeto ng personal time and space ng tao kaya naman marahil siya ang lumapit sa akin at hinayaan niya na lamang akong umiyak. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan mag sisimula ulit, hindi ko makita ang mga umaga ng wala siya. Hindi ko makita si mom na wala si dad, hindi ako handa sa bagay na ito ngunit dumating ‘to ng walang pasabi. Gustuhin ko mang magalit sa sitwasyon, sa pagkawala ni dad ay hindi ko magawa. May mga bagay na kahit anong gawin natin upang pigilan, darating o mangyayari pa rin ito kahit pa labag iyon sa ating kagustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD