Hastrup Finn’s point of view:
Ito na ang huling gabi na makakasama namin sa Dad. Gusto kong pigilan ang pag dating ng oras na 'to-- gusto kong manatili lang si dad kahit pa hindi niya kami kausapin ngunit kahit gaano ko 'yon gustuhin, hindi maari.
Kita ang pag dami ng tao kung ikukumpara sa bilang ng mga taong nakikiramay nuong mga gabing nag daan. Karamihan sa mga ito ay nag papakilalang katrabaho o kaya naman ay natulungan ni dad nuong mga panahong abugado pa siya. Pansamantalang naiibsan ang kalungkutan ko sa tuwing naririnig kung paanong naging mabuti si dad sa mga ito.
"Dad, you are really great," bulong ko kay dad. Kasalukuyan ako ngayong nasa tabi niya.
"I miss you so much," nakangiting aniko.
"Dad ang hirap pala talaga kapag wala ka," patuloy ko.
"Hindi ko alam kung paano haharap sa mga tao, hindi ko alam kung paano kikilos sa harap nila." natatawang sumbong ko kay dad.
Totoong nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung paanong klase ng pag-iwas ang gagawin ko mula sa naawa nilang mga mata. Marahil ay mas magiging masaya akong makilala ang mga taong ito kung kasama ko ngayon si dad. Marahil ay mas magaan sa pakiramdam makipag kamay at usap sa kanila kung kasama ko si dad na nakikinig sa mga kwento nila.
"Your dad talked to me last night," si mom, nasa tabi ko na pala siya. "he's well and happy," patuloy niya. Nanatili akong nakatingin kay dad habang nakikinig kay mom. Gusto ko ring makausap uli si dad, kahit sa panaginip lang din.
"He was laughing and he looks completely fine and healthy," pagpapatuloy ni mom.
"I want to be with him," nagulat ako sa sinabi ni mom.
"Mom," bulong ko matapos ay tuluyan na siyang hinarap. I can't afford to lose another, not anymore.
"But then I realized, in the end of this life, we can be together again,” lumingon na rin siya sa akin.
"That's why I chose to open my eyes and wake up. My son needs me," nakangiting aniya. "I want to spend my remaining years making millions of memories with you, son." patuloy niya.
"Let's get through this Hustrap, let's live this life as happier as we can," hinawakan niya ang pisngi ko. "Let's be stronger with your dad inside our hearts," nagsimulang umagos ang luha ni mommy. Mabilis ko siyang niyakap.
Saglit pa kaming nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa dumating sina Xos at nag pasya kaming maupo. Kasalukuyan kaming nag kukwentuhan nina Singh nang lumapit si Ashley, pareho kaming hindi nakakilos agad ni Singh. Mabuti na lamang at umalis si Xos at tanging si mommy lang ang katabi namin kung 'di ay baka nilayasan na naman ni Xos si Singh dahil sa naging reaksyon nito.
"Tita, kumusta ho? Kumain na po ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito kay mommy.
Ngayon ko lang siya natitigan ulit ng ganitong kalapit matapos ng insidente namin sa Manaog. Kahit pa madalas kaming nasa iisang lugar nuong mga nakaraang gabi ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon upang makapag usap o kahit pormal manlang na makilala ang isa't-isa.
"I'm okay Hija," mahinang sagot ni mom. Napangiti naman si Ashley.
"Ah, let me introduce you to our son," lumingon sa akin si mommy. Napalunok naman ako dahil hindi ko inaasahang ngayon niya ako ipapakilala.
"This is my only son, Hastrup Finn and his friend, Singh," pakilala sa amin. "They are both Architects from America"
dugtong ni mom sa unang sinabi.
"This is Mc Ashley Ruz, your dad's personal Nurse," pakilala naman ni mom kay Ashley. Bahagya pang nahiya si Ashley nang iabot nito ang kamay sa amin.
"It's nice to finally meet you Ash," si Singh ang unang tumanggap sa kamay niya. Nag ngitian pa muna sila bago bumaling sa akin si Ash.
"Hi," maikling sabi ko at ngumiti matapos ilahad sa kaniya ang kamay ko.
"Hi," nakangiting sagot niya habang magkawak ang kamay namin.
Kakaibang saya ang naramdaman ko nang maglapat ang mga palad namin, hindi ko alam kung bakit tila napakatagal na naming magkakilala. Hindi ako nakaramdam ng anumang pagkailang, sana ay gano'n din ang nararamdaman niya.
Nag-usap sina Ash at mom habang kami naman ni Singh ay lumayo muna sa kanila. Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Singh nang biglang may umakbay sa akin.
"I'm sorry it took me so long," mabilis kong nilingon ang pinang galingan ng boses.
"Third!" bulalas ko at niyakap ito. Natawa pa kami pareho dahil naagaw namin ang atensyon ng ilang mga tao.
"I'm happy to see you," aniko. Totoong masaya akong makita siya rito dahil alam kong hindi madaling makawala sa responsibildad bilang isang doctor. Lumapad naman ang ngiti nito kaya nangunot ang noo ko.
"I'm sorry, my heart's already belong to someone Architech." taas noong anito. Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"You guys are gross," singit ni Singh. Nabaling naman sa kaniya ang tingin ni Third at lumingon sa akin ng may nagatatanong na mata.
Kaya naman naging hudyat iyon upang ipakilala ko si Third kina Xos at Singh. Mabilis na nakasundo ni Third si Xos dahil sa pareho nilang interes sa sining habang naging mailap naman si Singh dahil sa mabilis na pagkakasundo nina Third at Xos. Sa sandaling pag uusap ng mga kaibigan ko ay masasabi kong mag kakasundo ang mga ito. Kilala ko silang tatlo kaya naman sigurado akong mabilis nilang matutunan pakisamahan ang isa't-isa lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
"Hastrup pinapatawag ka ni madam," si Kuya Ryan.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan at tinungo ang lugar kung nasaan si mom. Nakita ko siya sa pinakaunang upuan malapit kay dad.
"Mom is there something wrong?" agad na tanong ko nang makalapit kay mommy. Umiling ito habang nakangiti, nakahinga naman ako ng maluwag.
"I miss seeing you with those instrument," si mom habang diretsong nakatingin sa mga instrumentong nasa harapan.
"Will you allow me to hear you singing again?" nakangiting tanong niya.
“Of course mom,” sagot ko sa kaniya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago magsimulang maglakad patungo sa harap upang pagbigyan ang hiling ni mommy. Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar, napakaraming tao.
“Good evening everyone,” bati ko sa lahat nang tuluyang marating ang mikropono. “I thank you all for being with us tonight,” nagsimulang matuon ang antensyon ng lahat sa akin.
“I want to offer a song for my loving dad,” nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Actually this is my first time singing in front of many people. My parents are my only fan when it comes to this,” bahagya pa akong natawa dahil sa sinabi.
Mahilig ako sa musika ngunit hindi ako sanay tumugtog o kumanta sa harap ng ibang tao. Sa music room namin ay kaming tatlo lamang nina mommy at daddy ang naruon sa tuwing gagamitin namin kaya naman bago sa akin ang gawin ito.
Mc Ashely Ruz Point of view:
Nakatingin kami ngayon sa nag-iisang anak ni sir Mark. Kasalukuyan siya ngayong nakatayo sa harap ng mikropono at nagsimulang magstrum ng gitara. Mabibigat ang kaniyang paghinga rason kung bakit maging ang mga iyon ay rinig dahil sa mikroponong kaharap niya.
“He was a giant when I was just a kid
I was always trying to do everything he did
I could still remember every lesson he taught me
Growing up, learning how to be, like my old man”
Naging madamdamin ang mabagal niyang pagkanta. Malamig ang malim niyang boses, ngunit napag iinit no’n ang mga mata ko. Naghuhumiyaw sa emosyon ang bawat salitang lumalabas sa mga bibig niya. Matagumpay niyang naikukwento ang kaniyang mga karanasan kasama ang kaniyang ama sa pamamagitan ng kanta.
“He was a lion, we were our father’s pride
Well, I was defiant when he made me walk the line
He knew how to lift me up and when to let me fall--,”
bahagya siyang napahinto dahil sa pagkabasag ng kaniyang boses ngunit ipinagpatuloy niya ang pag-awit. Sa unang pagkakataon ay kinakitaan siya ng kahinaan, bagay na hindi nakita sa kaniya sa mga gabing nag daan.
“Looking back, he always had a plan, my old man,” tuluyan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at kunot-noong ipinagpatuloy ang pagkanta. Maya-maya pa ay nag-iba ang tono ng kaniyang gitara. Mas bumagal ito kung ikukumpara kanina at mas nakakalungkot na rin ang emosyong ipinapakita niya dahil ngayon ay hinarap na niya ang kaniyang ama.
“Would you know my name?
If I saw you in heaven
Would it be the same?
If I saw you in heaven
I must be strong
And carry on
Cause I know I don't belong
Here in heaven"
Mabagal ang naging pag-awit niya sa panibagong kanta. Ngayon ay para na niyang direktang kinakausap ang daddy niya. Halos hindi na siya tignan ng mga tao dahil maging sila ay naging emosyonal na rin dahil sa ginagawa niya.
"Would you hold my hand?
If I saw you in heaven
Would you help me stand?
If I saw you in heaven
I'll find my way
Through night and day
Cause I know I just can't stay
Here in heaven"
Lalong umugong ang iyak sa paligid nang patakbong iniwan ni Hastrup ang mikropono at ang gitarang hawak upang yakapin ang kabaong ng kaniyang ama. Walang sinuman ang nagtangkang lumapit sa kaniya maging ang kaniyang ina at mga kaibigan.
"Dad," dinig naming pagtawag niya sa kaniyang ama. Nagsimula na ring mangilid ang luha sa mga mata ko dahil sa madamdamin niyang pagtawag na iyon.
"Dad, please I need you," humahagulgol na anito. Napakahirap niyang panoorin sa ganitong sitwasyon. Nuong mga nakaraang gabi ay puro pagtawa at pag ngiti ang ibinibigay niya sa mga taong nakikilala at nakakasama. Malamang ay nahirapan siyang gawin 'yon lalo pa't sa mga ganitong sitwasyon ay napakahirap pigilan ng lungkot.
Kaniya-kaniya nang pagpunas ng luha at pag-iwas ng tingin ang mga tao sa loob. Habang patuloy na nagiging emosyunal si Hastrup sa harap ay gano'n rin ang mga tao sa kanilang mga upuan. Humihikbi na rin si Hope ngayon sa tabi ko—niyakap ko siya at bahagyang hinaplos ang likod niya.
Naging madamdamin ang bawat sandaling lumilipas, hanggang sa tuluyang mahimas-masan si Hastrup at lumabas ng chapel. Sinundan siya ng tingin ng halos lahat ng mga tao sa loob ngunit pinili siyang hindi sundan.
Makalipas ang mahabang oras ay biglang lumapit sa amin ang isa mga kaibigan ni Hastrup na si Singh. Pansin kong kanina pa ito lumalapit sa ilang mga tao ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin hanggang sa tuluyan itong makalapit sa amin.
“Have you seen Hastrup?” tanong nito sa amin. May ilang oras na rin magmula nang lisanin nito ang lugar.
“No,” maiksing sagot ni Nurse Daisy.
“Nurses, nakita niyo ba ang binatilyong iyon?” baling na tanong nito sa amin at halos sabay-sabay kaming umiling.
Totoong hindi na namin nakita si Hastrup mag mula nang umalis ito kanina. Nagsimulang maghanap ang mas maraming tao sa kaniya kaya naman tumulong na kami. Narinig ko ang isang katiwala na nasa labas ang sasakyan niya kaya malamang ay hindi raw iyon lumayo ngunit gano’n pa rin ang pag-aalala nila dahil sa lumalalim na ring gabi.
Inilibot ko ang paningin nang makalabas ako sa Chapel. Nayakap ko ang sarili nang lumakas ang malamig na simoy ng hangin. Sa di kalayuan ay may nakita akong mapunong lugar, madilim sa lugar na iyon ngunit napaliwag ito ng malaking buwan. Sa hindi malamang dahilan ay nag lakad ako patungo ro’n. Naging maingat ang bawat kong paghakbang nang mapasok na ang loob, matataas ang mga puno ngunit hindi takot ang bigay nila kung ‘di pahinga. Marahil dahil na rin mahilig ako sa mga ganitong klase ng lugar.
Masaya kong pinag mamasdan ang paligid ng biglang may maramdaman sa mga paa ko. Malamig iyon ng bahagyang maidikit sa balat ko. Dahan-dahan ko iyong tinignan at nagulat ako nang makita ang kumintab nitong balat.
“Ahas,” halos kapusin ako ng hininga nang makita ang hayop na yumayapos ngayon sa paa ko. Nagsimulang manginig ang kabuuan ng katawan ko—gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa, gusto ko lang makawala. Balak ko na sanang igalaw ang paa ko ng may biglang magsalita.
“Don’t move,” maotoridad nitong sabi. “Relax,” patuloy niya
Sinundan ko ang boses nang nagsalita at nagtama ang paningin namin ni Hastrup. Kasaluyan siya ngayong nakatayo sa punong nasa harapan ko.
Sa sobrang liwanag ng buwan ay kita ko ang kabuuan niya maging ang liwanag ng mga mata niya. Kumalma ang kabang nararamdaman ko ngunit nagsimulang bumuhos ang mga luha ko. Diretso akong tumitig sa mga mata niya at hindi gumawa ng anumang pagkilos.
“You did well,” muling wika niya habang nakatingin sa paanan ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakitang gumagapang na palayo ang ahas.
“Why are you here?” kunot-noong tanong niya habang papalapit sa akin. Hindi ako nakasagot dahil pakiramdam ko ay sobrang nanghihina ako.
“Please not here,” bulong ko sa sarili nang magsimulang bumilos ang pagtibok ng puso ko at kapusin ng hininga. Hindi ko na maramdaman pa ang katawan ko maging ang paligid ko.
“Hey Ash are you okay?” rinig ko pang tanong ni Hastrup ngunit hindi ko na nagawa pang sumagot dahil tuluyan ng nagdilim ang paligid ko at mawala ang pandinig ko.
Mahirap labanan ang kahinaan, ang kinakatakutan kahit pa gaano mo iyon nais mapagtagumpayan. Hindi ko alam kung paanong hihinga dahil pakiramdam ko ay ipinagkakait iyon sa akin. Ngunit nakakatawang dahil mukha niya ang huli kong nakita ay nakaramdam ako ng kaligtasan bago tuluyang isara ang mga mata.