Grayson Singh Brength’s point of view:
Kinaumagahan matapos ng naging pag amin ni Third ay tinanghali kami ng gising. Dahil na rin siguro sa halos inabot kami ng madaling araw sa labas.
Ito na ang huling araw namin dito sa resort kaya naman bago lumabas ng aking silid ay inayos ko muna ang mga gamit ko upang hindi na ako matagalan pa mamaya bago umuwi. Inabot din ako ng halos isang oras sa pag-aayos kaya naman tanghalian na ng matapos ako.
Bago tuluyang makalabas ng pinto ng aking kwarto ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay Xos.
“Are you going to starve yourself to death?” napangiti ako ng mabasa ang mensahe niya. Alam kong naasar na siya ngayon kaya naman binilisan ko nang maglakad papunta sa Restaurant nitong resort.
Wala akong inaksayang sandali kaya naman mabilis akong nakarating. Duon nga ay naratnan ko ang lahat sa isang mahabang lamesa. Gaya nga ng nasabi ko ay tanghali na kaya naman malamang ay pananghalian na ang nakahain ngayon sa mahabang hapag.
“Good morning everyone!” bati ko sa lahat at nakangiti naman silang bumati sa akin maliban kay Xos na diretso lamang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.
“Good morning baby!” nambubuyong bati ko kay Xos.
“Can you please stop calling me baby? That’s gross!” masungit na tugon niya kaya naman natawa ako.
Matagal na kaming magkaibigan nina Xos kaya naman nasanay na kami ni Hastrup sa ugali niya. Kabisado na naming tatlo ang isa’t-isa kaya naman gustong-gusto rin namin siyang inaasar ni Hastrup mula pa nuon. Speaking of Hstrup bakit wala pa siya rito maging sina Ash, Hope at Third.
“Where’s the others?” tanong ko sa lahat.
“Nauna ng bumalik sina Third dahil may mga duty pa raw sila, si Hastrup naman ay hindi pa bumababa mula kanina.” Si mommy Analyn.
Magmula nang makilala kami ng mga magulang ni Hastrup ay mommy at daddy na ang gusto nilang itawag namin ni Xos sa kanila. Marahil ay dahil mag-isang anak lamang ni Hastrup kaya nais nilang may maituring itong mga kapatid.
Naunawaan ko ang sinabi ni mommy kaya naman napatango-tango ako bilang tugon. Naupo na ako sa tabi ni Xos matapos kong magtanong. Nuong una ay ayaw pa nito na tumabi ako sa kaniya ngunit wala na rin itong nagawa nang ipilit ko ang aking sarili.
“Good morning everyone!” masaya bagaman namamaos na bati sa amin ni Hastrup.
Nakasuot ito ng plain nude T-shirt na pinaresan naman nito ng White Taslan shorts. Nakasuot rin ito ng itim na shades kaya naman mas lumakas ang dating nito sa simple niyang suot.
Naupo ito sa harap namin matapos niyang bumati at yumakap sa kaniyang ina. Nakakapag taka pa dahil hindi manlang ito lumingon sa amin ni Xos bagkus ay kinausap niya ang batang si Liam.
“How was your stay here young man?” tanong niya sa bata na ngayon ay katabi ng kaniyang ama.
“Great, tito ninong.” masayang tugon ng bata. “I actually want to stay here a little longer,” patuloy ni Liam.
“Then let’s make that happen,” sagot naman ni Hastrup sa kaniya at para namang nagliwanag ang mga mata ng bata. Maging kaming nakikinig sa kanila ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Hastrup dahil alam naming lahat na ito na ang huling araw namin dito.
“Really tito?” masayang tanong ng bata.
“Yes,” tugon ni Hastrup, lalo naming lumawak ang pagkakangiti ng bata. “next time.” lumay-lay ang balikat ng bata nang ipinagpatuloy ni Hastrup ang sinasabi.
“Jerk.” bulong ko at nginisian naman ako ng loko.
“Let’s stay here a little longer next time, for now, let me talk to the owner of this resort first. I’ll try to buy this resort so that you can stay here whenever you want.” paliwanag niya sa bata.
“You’re going to talk to yourself son? That’s creepy.” nagulat kami nang magsalita si mommy.
“What do you mean po?” tanong ni Liam kay mommy Analyn.
“Your tito ninong owns this resort, apo.” nakangiting sagot niya sa bata.
Gulat naman kaming lahat na napatingin kay Hastrup at mukhang pati siya ay hindi inaasahan ang sinabi ng kaniyang ina.
“What do you mean mom?” tanong din niya sa ina.
“You own this resort son, that’s why it is named S.B.” nakangiting tugon ni mommy kay Hastrup. Bakit nga ba hindi ko naisip na San Buenaventura ang abbreviation ng S.B nang makita ko ito sa unang pagkakataon?
“How?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
“Your dad and I put up this business a long time ago, we decided to finally give it to you when you go home.” si mommy. “and yes, since you’re here already, I think this is the perfect time. Think of it as your birthday gift from your parents as well.” patuloy niya.
Walang ibang nasabi si Hastrup bukod sa salitang salamat bago tumayo at niyakap ang ina. Nakangiti kami habang pinagmamasdan sila.
“Congrats business man,” birong bati ko sa kaniya.
“Pay for your stay in here brother,” sagot naman nito sa akin.
“Too much greed can ruin friendship, brother.” sagot ko at natawa naman siya.
Masaya naming tinapos ang tanghalian pagkatapos ipaliwanag ni Hastrup kay Liam kung bakit kailangan na naming umuwi kahit pa sa kaniya ang resort na ito.
Kinahapunan nga ay sabay-sabay naming nilisan ang resort. Sakay ko sa aking sasakyan si Xos habang sakay naman ni Hastrup si mommy. Sa ibang sasakyan ay sakay ni kuya Ryan ang kaniyang pamilya habang gamit naman ng iba naming mga kasama ang sasakyan nina Hastrup.
Tumuloy kami sa bahay ni Hastrup dahil napag desisyunan namin ni Xos na manatili muna dito sa Pilipinas ng isang lingo habang wala pang nakapilang mga proyekto. Alasais na rin ng gabi nang makarating kami sa bahay. Gaya ng dati ay nagkaroon kami ng magkaibang silid ni Xos. Inihatid ko muna siya sa kaniyang magiging kwarto dala ang kaniyang mga gamit.
“Thank you, Singh.” nakangiting pasalamat niya. Kita ang pagod sa mga mata ni Xos kaya naman inutusan ko na siyang mag pahinga.
“Take a good rest, I’ll see you later.” pagtatapos ko sa usapan bago guluhin ang buhok niya at talikuran.
Sa daan papunta sa aking magiging silid ay nakasalubong ko si Hastrup dala ang mga gamit niya. Marahil ay papunta na rin ito sa kaniyang kwarto.
“Hey architect, do you need help?” tanong ko sakaniya dahil napansin kong masyado siyang maraming hawak para sa dadalawa nitong mga kamay. Marahil iyon ang mga regalong natanggap niya sa amin maging ang mga pinamili niya kanina sa daan.
“Yes, please.” mabilis naman niyang sagot kaya naman kinuha ko ang bag back na nakasampay sa kaniyang likuran.
“Seryoso ka ba Singh?” hindi naman makapaniwalang tanong niya.
“What?” balik naming tanong ko.
“Yan talaga ang kukunin mo? Huwag mo na lang kaya akong tugulungan?” kunot-noong tanong niya at tinawanan ko naman siya.
“Mag hintay ka kase kukunin ko pa yang iba!” tumatawa ng sabi ko sa kaniya at sinamaan naman niya ako ng tingin bago ibigay sa akin ang pinakamalalaki sa dala niya bago ako talikuran at maunang maglakad papunta sa kwarto niya.
“Hey this is too much!” sigaw ko sa kaniya nang makita ang mga iniwan niya para sa akin ngunit hindi niya ako nilingon.
Wala akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa kaniya dala ang mga gamit niya. Pabagsak ko naman itong ibinaba ng makarating ako sa pinto ng kwarto niya.
“You need to pay for this-” hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil sa Hastrup na bumungad sa aking harapan.
Nakahiga ito ngayon sa kama niya habang nakapikit. Alam kong hindi pa siya tulog kaya naman pumasok ako sa kwarto niya at nahiga rin sa tabi niya. Sanay kami ni Hastrup sag anito dahil madalas akong bumisita nuon sa Condo niya at madalas rin akong makitulog duon nuong nasa America pa siya. Tumatabi ako sa kaniya sa pagtulog nuong College pa lamang kami kahit ayaw niya ngunit kalaunan ay nagparaya na rin naman siya. Marahil ay nagsawa na rin siyang sigawan ako para pauwiin sa amin.
“Are you okay?” tanong ko habang nakapikit.
“Yeah, I think so. Why?” tugon niya.
“You look downhearted since yesterday,” aniko.
Totoong magmula pa kahapon ay napansin ko na ang pagiging matamlay niya kahit pa nagagawa niyang makipag kwentuhan at tawanan sa harap naming lahat. Alam kong may kung ano ang bumabagabag sa kaniya ngunit hindi ko muna siya kinausap tungkol doon dahil na rin sa ayokong mas masira pa ang araw niya.
“Maybe I’m tired?” tanong nito bilang tugon.
“Nope, it’s because you’re in love.” tugon ko at mabilis naman niyang iniangat ang ulo niya upang tignan ako ng may gulat na mga mata.
“I know you bro, and besides, you’re too obvious.” natatawang sabi ko.
Lalaki rin ako kaya naman alam kong pareho sila ni Third na may gusto kay Ashley. Nuon pa lamang nang una ko itong mapansin ay alam ko ng magiging problema iyon sa pagkakaibigan nila ngunit hindi ko sila pinangunahan. Alam kong darating din ang araw na malalaman nilang tatlo ang lahat, sana lang ay hindi masira ang matagal na nilang pagkakaibigan dahil lang sa nag mahal sila.
“I think it’s over now Singh, I need to get rid of this feeling,” mahinang tugon niya sa akin.
“Over? How?” magkakasunod na tanong ko. “the game is not yet done.” patuloy ko.
“I’m not planning to compete with a friend Singh.” tugon niya at nanahimik naman ako. Same old good boy Hastrup.
“I’m happy with the things I have right now, I’m actually contented with the love I have for her. Even she can’t give me the same energy, I’m still thankful because she made me feel a roller coaster kind of emotions every time she’s around.” patuloy niya.
“I think that’s how love really works.” natatawang sagot ko sakaniya bago tuluyang ipikit ang mga mata ko dahil sa biglaang pagpaparamdam ng antok.
Love can indeed change people’s perspectives and attitudes. You are blessed if that thing called love will change you in to a better person. It is true that loving someone can make you the happiest human alive, sadly, most of the time, love can also take away all your strength to live the life you have. But I hope that no matter what circumstances this love will give you, you’ll still believe the magic it has.