Hastrup Finn’s point of view:
Kasalukuyan ako ngayong nagbabasa ng libro sa gazebo ng aming hardin. Magmula pa kanina matapos mananghalian ay narito na ako.
Umalis kaninang madaling araw sina Xos at Singh papuntang Manila para sa kakausapin nilang kliyente para sa isang proyekto nila. Nagkataon din kasing may business meeting dito sa Pilipinas ang kliyenteng iyon kayat nakipagkita na rin ang mga kaibigan ko upang makipag-usap ng personal.
Ngayon ay araw ng Myerkules at ang ika-sampung araw ng baksyon nina Xos dito sa bansa. Mayroon na lamang silang apat na araw ng pananatili rito. Ang isang linggong plano ay naging dalawa dahil na rin sa kagustuhan ni Xos. May ilang araw na lamang sila rito kaya rin gusto pa sana nila akong isama ngunit tumanggi ako. May mga kailangan pa kasi kaming gawin ni Third para sa nalalapit na pagbubukas ng Hospital na pinagawa niya.
“Some people think that living is like a whole journey of searching lost souls.” Napukaw agad ng unang mga salita ang atensyon ko.
“Why? because most of the time, you just know your name, but you don’t know who really you are,” basa ko sa librong hawak ko.
“You wanted to ask other people, but no one dared to stop and listen. You screamed your questions and frustrations yet no one noticed your loud voice,” patuloy ko.
“You walked around to look for someone who will understand you. You did everything to find your missing soul but then, you failed.” hindi ko alam kung bakit may kung ano sa akin ang nais ituloy ang binabasa kaya naman kunot-noo kong ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Do you know the reason why you keep on failing?”
“Simply because you don’t really want to find yourself,”
“You didn’t lose your soul because you are the soul and you have a body.”
“You didn’t lose yourself, you just lost the willingness to live.” napatulala ako matapos mabasa ang bahaging iyon ng libro.
“It’s okay if you can’t figure out things yet, you just need to let yourself live even if don’t feel being alive.” bulong ko sa sarili na para bang may kung sinong kinakausap sa loob ng libro.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay bahagyang inihiga ang katawan ko sa Weaved swing chair sa loob ng Gazebo kung saan ako nakaupo. Nakakaantok ang malamig na hangin dito kaya naman napahikab ako at tila bumigat din ang talukap ng mga mata ko kaya naman hinayaan ko muna ang sarili kong tangayin ng antok.
Inabot ng halos isa’t kalahating oras ang tulog ko kaya naman mag aalas-kwatro na ng hapon nang magpasya akong bumalik na sa bahay. Malayo pa lang sa pinto ay rinig ko na ang ingay mula sa loob. Pinaka nangingibabaw ang boses ni Kuya Ryan kaya alam kong narito rin siya.
“Oh saan ka galing?” si Kuya Ryan din ang unang nakapansin sa akin nang makapasok sa loob ako sa loob.
Inilibot ko ang paningin sa mga taong kasalukuyang nasa aming sala kasama sina mommy. Napalunok pa ako ng magtama ang paningin namin ni Ashley kasama si Hope.
“Ah, nakatulog ako sa Gazebo.” tugon ko bago bumati sa iba pa.
“Kaya pala kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot,” si mommy.
“I’m sorry mom,” aniko.
“No, its okay. Come and join us,” imbita niya sa akin. Mukhang nagkakasiyahan sila habang may ilang mga pagkain sa harap nila.
“I’m sorry mom, I need to head out.” sagot ko sa kaniya.
“Where are you going?” tanong naman nito sa akin.
“I need to fetch Singh and Xos in the terminal,” tugon ko sa tanong niya.
“Oh, okay. Take care then.” nagpasalamat ako kay mom matapos ay nagpaalam na ako upang makaligo na.
Nginitian ko pa muna silang lahat bago pumasok sa sarili kong silid. Minsan ko pang nilingon si Ash at kalukuyan ito ngayong nakayuko.
Napabuntong-hininga ako muling tumingin sa daan papunta sa kwarto ko.
Mag-iisang linggo na rin nang magsimula akong dumistansya kay Ashley. Hindi maaring ipagpatuloy ko pa ang nararamdaman para sa kaniya dahil gusto kong irespeto kung anong namamagitan sa kanila ng kaibigan ko.
Alam kong napapansin niya ang pag-iwas ko dahil ilang beses na rin kaming nagkasama nuong mga nakaraang mga araw ngunit lagi kong pinipili ang hindi siya kausapin kung hindi naman kinakailangan. Hindi gaya nuon na lagi kaming nag-uusap. Bukod diyan ay hindi ko na rin hinayaang lumabas ng kaming dalawa lamang dahil baka iba ang isipin ni Third tungkol sa amin.
Naalala ko tuloy muli ang araw kung kalian humingi ng tulong sa akin si Third para masurpresa at magtapat kay Ash.
FLASHBACK__
Ito ang aming ikalawang araw dito sa resort. Maaga akong nagising dahil gusto kong makita ang pagsikat ng araw. Palabas na ako ng resort nang madaanan ko ang kwarto ni Third. Nagkagulatan pa kami ng saktong pagtapat ko sa pintuan niya ay siya rin namang pag labas nito.
“Good morning!” masayang bati nito sa akin, napangiwi naman ako.
“Too early to be happy Third,” aniko bago maglakad.
“What’s with the bitterness brother?” natatawang tanong niya at napailing naman ako.
“It seems like you woke up a bit early,” pagiiba ko sa usapan.
“I always wake up early, you know, Call of duty.” tugon naman nito. Napatango-tango naman ako.
“Where are we going now?”maya-maya ay tanong niya habang papalabas kami ng resort.
“We?” napahinto naman ako dahil sa tanong niya.
“Yes, we.” tugon naman niya.
“You’ll go with me?” tanong ko at nakangisi naman itong tumango-tango.
“Come on brother, You’re the only one whom I know here, what do you want me to do?” balik na tanong nito sa akin.
“Do stuff alone, it won’t kill you Third.” sagot ko sa kaniya.
“I don’t want to.” diretsong aniya.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Can you please stop talking and just lead the way!” nauubusan ng pasensyang aniya.
“I can’t believe you!” hindi pa rin makapaniwala kunwaring sabi ko bago muling maglakad palabas ng resort.
Sabay naming tinungo ni Third ang daan papunta sa dagat. Sa totoo lang ay binibiro ko lamang siya kanina. Mas pipiliin ko rin siyang ayaing sumama sa akin kahit pa hindi siya magsabi kanina. Gusto ko lamang siyang asarin.
“I miss watching sunrise with someone,” maya-maya ay aniya nang makaupo na kami sa gilid ng dagat.
“I know you miss me Third.” tugon ko habang nakatingin sa pasikat pa lang na araw.
“In your dreams,” sagot naman niya sa sinabi ko.
“Don’t try to deny it brother. Autumn and I are the only ones who have the willingness to do this with you.” natatawang aniko. Natawa na rin siya dahil sa sinabi at hindi na ito umangal pa.
Matagal na kaming makaibigan ni Third, madalas nuon ay sinusundo nila ako kasama ng kapatid niya upang manood ng sunrise o kaya naman ay sunset. Anim na taon pa lamang nuon si Autumn ngunit kakikitaan na rin ito ng hilig sa mga pangkapaligirang Gawain.
“My sister misses you,” aniya at napatingin naman ako sa kaniya.
“I’ll visit her soon.” nakangiting tugon ko sa sinabi niya. Matagal na rin pala ng huli kong makita si Autumn. Huling beses na Nakita ko siya ay nuong mga gabing lamay ni daddy.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming matapos ng pag-uusap na iyon. Nagsimula na ring sumilip ang araw kaya naman mas nakakabighani na ito kung ikukumpara kanina. Nakangiti naming iyong pinagmasdan ni Third.
“Can you do me a favor?” maya-maya ay nagtanong ito.
“You’re abusing this Friendship Third,” tugon ko ng hindi lumilingon sa kaniya at narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya.
“Please, I really need your help this time.” aniya.
“You always need my help for heaven’s sake Third!” sa pagkakataong ito lumingon na ako sa kaniya.
“Come on brother stop complaining, I know you can’t say no to me,” natatawang aniya.
“That’s why you’re abusing my kindness?” kunot-noong tanong ko.
“No, I’m not. I’m asking you now as a fri-” pinutol ko na ang sasabihin niya.
“Cut the crap, what do you want?” tanong ko sa kaniya.
“I’m planning to confess my feelings to Ruz,” tila nabangi ako matapos marinig ang sinabi ni Third. Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa akin ang humiling na sana ay mali ang narinig ko ngunit alam ko ring imposible iyon.
“Can you help me to prepare something special for her?” tanong niya. Napatitig lamang ako sa kaniya at hindi nakasagot agad. Hindi ko alam kung tama ba at nasa lugar ang mga nagiging reaksyon ko ngayon ngunit wala akong magawa dahil sa mga sinabi niya.
“Hey are you going to help me or not?” untag nito sa akin naang hindi ako makasagot.
“Do I have any choice?” balik na tanong ko sa kaniya.
“Nothing. Whether you like it or not you’ll help me.” nakangising aniya at inilingan ko na lamang siya.
Gaya ng gusto ni Third ay nagplano kaming mabuti kung paano ihanda ang lahat ng hindi nahahalata ng iba lalo n ani Ash. Hindi namin kaya ng dadalawa lamang ang mga nais niyang gawin kaya nagpasya kaming sabihan sina Singh at Kuya Ryan. Si Singh ang sinabihan naming manatili sa tabi nina Xos upang hindi nila mapansin ang madalas naming pag-alis habang si kuya Ryan naman kasama naming ayusin ang lugar.
Natapos naming ang lahat sa loob ng maghapon, nakikita ko ngayon kay Third ang saya at pananabik. Nagpasalamat siya sa amin nang matapos ang lahat at ngumiti naman kami sa kaniya bilang tugon.
END OF FLASH BACK__
Pagkatapos kong maligo ay tinawagan ko sina Xos upang malaman kung nasaan na sila kaya nalaman kong malapit na sila. Mabilis na akong nagbihis at lumabas ng kwarto ko.
“Are you heading out?” si mom kasama pa rin sina Ash.
“Yes, mom.” nakangiting sagot ko sa kaniya bago humalik sa kaniyang pisngi.
“Isabay mo na sina Ashley, madadaanan mo rin naman ang daan papunta sa kanila. Tama ba Hija?” tanong ni mommy kina Ash. Ang hindi alam ni Mommy ay kabisado ko na ang daan papunta kina Ash dahil ilang beses ko na rin siyang naihatid sa bahay nila nuon.
“Po?” alanganing tugon ni Ash.
“Opo, tita. Magkasalungat po direksyon ng bahay namin kaya po si Ashley nalang sumabay kay Hastrup.” nakangising sabi naman ni Hope. Hindi ko alam kung anong gagawin.
“Hindi, baka naman kaya ka pang ihatid ni Hastrup,” sagot naman ni mommy sa kaniya.
“Ayos lang po ako tita, may pinapabili rin po si mommy kaya kailangan ko rin po dumaan sa palengke.” tugon naman nito.
“Gano’n ba? Kung gayon ay ikaw ang bahala Hija.” Ani mommy.
“Sige po mauuna na po ako,” paalam ni Hope. “Ingatan mo yang kaibigan ko,” anito nang bumaling sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin.
Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Hinatid ko sa paradahan ng tricycle si Hope ayon na rin sa bilin ni mommy. Ngayon ay dalawa na lamang kami ni Ash sa loob ng sasakyan ko. Pareho kaming tahimik, parehong hindi alam kung ano sasabihin.
“How are you?” hindi ko na matiis ang nakakabinging katahimkan sa pagitan naming kaya naman ako na ang unang nag salita.
“Ha?” mukhang hindi niya inaasahan ang pagsasalita ko kaya hindi niya nasagot ng maayos ang tanong ko.
“I’m asking you, how are you?” natatawang ulit ko sa tanong kanina.
“Ah, okay lang naman. Ikaw kumusta ka?” balik na tanong nito sa akin. Sinilip ko pa siya sa rearview mirror sa harap ko bago sumagot.
“I’m great. I’m enjoying these days because Xos and Singh are here.” sagot ko at tumango-tango naman siya.
Hindi ko alam ngunit hindi na nasundan pa ang usapin na iyon. Hanggang sa naihatid ko siya sa kanila ay hindi na kami nakapag usap pa. Matapos niyang magpasalamat ay bumaba na siya ng sasakyan at naglakad papasok sa loob ng gate nila ng hindi manlang hinihintay ang magiging sagot ko. Sandali pa akong nanatili ro’n hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi ko alam ngunit may kung ano sa akin ang nagsisisi, sana ay kinausap ko na lamang siya ng kinausap kanina. Napangiti ako ng mapait bago muling buhayin ang makina ng sasakyan ko at magmaneho palayo sa tahahanan nila.