Chapter 40.

2290 Words
Cillian Third’s point of view: Ngayon na ang pinakahihintay naming araw ni Hastrup, ang pagbubukas ng Hospital na matagal naming pinagtuunan ng pansin. Hindi man nasundan ang unang plano dahil na rin sa mga nangyari ay masaya pa rin kaming sa wakas ay pormal na itong mabubuksan. Kaya naman masaya akong gumising upang maagang makapag handa at makaalis ng bahay. Iniisip ko pa lamang ang mga taong matutulungan ng Hospital na iyon ay nagagalak na ang puso ko. Matapos ko ngang magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nakangiting tinungo ang aming hapag kainan. Duon nga ay naratnan ko sina mommy kasama ang kapatid ko. “Good morning my Queens!” masayang bati ko sakanila. Mabilis namang tumakbo papalapit sa akin ang kapatid ko at yumakap. “Congrats kuya!” masayang aniya. “Thank you, baby,” aniko at gumanti ng yakap sa kaniya. “Stop calling me baby.” natawa naman ako sa sinabi ng kapatid ko bago humiwalay sa yakap niya at lumapit kay mommy upang yumakap din. “Congratulations, son!” bati sa akin ni mommy habang magkayakap kami. Nagpasalamat ako sa kaniya at mas hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. Sila ang unang nakaalam sa plano kong pagpapatayo ng Hospital nuon at hindi nila ipinagkait sa akin ang suportang kailangan ko simula nuong una. Kaya rin alam kong masaya sila para sa akin lalo na ngayong opisyal nang magbubukas ang Hospital. Matapos ang umagahan ay nauna na akong umalis sa bahay upang kitain si Hastrup. Masyado pa naming maaga kaya sinabi kong sumunod na lamang sina mommy. Puno ng kagalakan ang puso ko habang nagmamaneho palayo sa bahay. Makalipas nga ang halos isang oras ay nakarating na ako sa bahay nina Hastrup. “Hey Congratulations Third!” si kuya Ryan ang unang nakakita sa akin pagbaba ko ng sasakyan nang makapasok sa gate. “Thanks, kuya! Sana hindi kita maging pasyente,” natatawang sabi ko. “Ang damot mo naman!” sagot nito sa sinabi ko. “Anong madamot? Bakit gusto mo bang mahospital?” tanong ko sa kaniya. Nanlalaki naman ang mga mata nito habang nakaturo sa akin. “Ang pangit mo magtanong Cillian!” natawa ako sa naging reaksyon niya. Mukhang hindi niya talaga inasahan ang mga sinabi ko kaya naman pati ang first name ko ay nabanggit niya. “Ikaw kase kung ano-anong sinasabi mo!” tumatawang sabi ko at binatukan naman ako nito ngunit hindi ako huminto sa pagtawa. “Congatulations Hijo!” si tita Analyn. “We’re so proud of you.” iniabot niya sa akin ang bungkos ng bulaklak bago yumakap sa akin. Bukod sa mga kasamahan ko sa Yoongi Hospital kabilang sina Ruz at Hope ay alam ng lahat ng mga malalapit sa akin ang tungkol sa pagpapatayo ko ng Hospital. Pinili kong ilihim kina Ruz at Hope ang tungkol dito dahil gusto kong ipaalam na lamang sa mismong araw ng pagbubukas nito. “Thank you so much tita.” aniko at gumanti ng yakap sa kaniya. Hinaplos-haplos naman nito ang likod ko rason kung bakit lalo akong mapangiti. “Finally, brother, Congrats!” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang gwapong-gwapo na si Hastrup sa suot nitong Grey tuxedo trousers na pinaresan niya naman ng white polo na siyang pinaibabawan rin niya ng Grey tuxedo. “Thank you, brother!” masayang sabi ko bago siya dambahin at yakapin. “What the-” nagulat siya sa ginawa ko kaya naman halos matumba kami pareho. “You look great today,” papuri ko sa kaniya. “Excuse me? I always look great. I know you know that.” mayabang na aniya at napangiwi naman ako. “Anyways, that suits you better.” kibit balikat na anito matapos tignan ang kabuuan ko. Nakasuot ako ngayon ng sky blue polo na pinaibabawan ko naman ng Navy blue blazer suit at trouser. “Any outfit suit me Architect,” mayabang ding sabi ko sa kaniya. “Too much for today Doctor.” sagot naman niya sa akin bago magpaalam sa mga kasama namin at tumungo sa kaniyang sasakyan. Nagpaalam na rin ako kina Tita Analyn at Kuya Ryan kasunod ni Hastrup. Gaya nina mommy ay pupunta rin sina tita bagaman susunod na lamang sila dahil nga masyado pang maaga. Sabay naming tinungo ni Hastrup ang Hospital. Wala pang masyadong sasakyan sa daan kaya naman mabilis kaming nakarating. Pagbaba namin ng kaniya-kaniya naming mga sasakyan ay agad naming tinungo ang bahagi ng Hospital kung nasaan ang mga staff na nakakaalam ng buong sitwasyon ngayon sa lugar. Nakakatuwang makita ang galak at pananabik sa bawat isa, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa mga nakikita lalo na sa ideyang malaki ang maitutulong ng Hospital na ito sa mga tao. Kabi-kabilaan ang naging pagbati ng mga taong nakakasalubong namin ni Hastrup. Marami sa kanila ay ang mga Nurses at iba pang staffs na tinanggap ng Hospital bago pa man ito magbukas. Sinigurado na namin ni Hastrup na ang araw ng pagbubukas nito ay siya ring araw ng paguumpisa ng serbisyo kaya naman inuna na naming tumanggap ng mga aplikante nuong nakaraang buwan upang maging handa na ang lahat-lahat magmula sa mga tao hanggang sa mga kagamitan at pasilidad. Nagsimula ng mabuhay ang kaba sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan ng unti-unti nang dumarami ang tao sa labas. Siguro dahil marami sa mga taong ito ay hindi alam na ako ang nagpatayo sa Hospital na ito. “Good Day everyone! We are all gathered here to celebrate the grand opening of our Hospital. We thank you for being with us as we welcome another victory in this town.” masayang nagsalita ang Emcee bilang panimula. Habang nagpapalakpakan ang mga tao ay palihim kaming lumabas ni Hastrup upang puntahan ang aming mga pamilya. “Hi, mom!” Masayang bati ko sa aking ina bago humalik sa kaniyang pisngi. “This is really amazing kuya!” bungad sa akin ng kapatid ko nang bumaling ako sa kaniya. “Indeed, baby.” nakangiting sagot ko bago yumakap sa kaniya. “Kuya where’s kuya Finn?” tanong niya habang magkayakap kami. Malamang ay hindi nito nakita kanina na magkasabay kaming lumabas ni Hastrup dahil na rin sa likod kami dumaan. “He’s with his mom. We’ll see him later okay?” sagot ko sa kaniya. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ng kapatid ko. Matapos ng pag-uusap na iyon ay sabay naming ibinaling sa harap ang buo naming atensyon. Nakangiti kami habang pinapakinggan kung paanong idinidetalye ng emcee ang tungkol sa Hospital. Maya-maya nga ay tinawag na ako para sa Ribbon Cutting. Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan kasabay nito ang palakpakan maging ang bulungan ng ibang mga tao. Hindi na kataka-taka dahil gaya nga ng sabi ko ay maraming hindi alam na ako ang may-ari ng Hospital na ito. “Good day everyone, first of all I thank God for this wonderful blessing for all of us,” panimula ko at inilibot ang paningin sa maraming mga tao. Duon nga ay nagtama ang paningin namin ni Ruz at Hope. Makikita ang gulat sa kanilang mga mukha, marahil ay hindi talaga nila inaasahang ako ang magsasalita ngayon dito sa harap. “Honestly at first, I hesitated about building this Hospital. I was afraid, thousands of what ifs rained into my mind. I was thinking really hard, how am I going to make it?” pagpapatuloy ko. Nanahimik naman ang mga tao habang nakikinig sa akin kaya nakangiti akong nagpatuloy. “At this age of mine, I regretted a lot. I failed plenty of times, I stepped back to countless of battles. But now, I’m proud to say that this Hospital is my victory, our victory.” nagpalakpakan sila matapos kong sabihin ang mga ito. “To my family who never stop believing in me since day one, thank you so much. To my friends, who supported me from behind, thank you,” I paused. “and lastly, to my best friend, Architect at the same time my Engineer, and adviser, Hastrup, thank you so much brother.” tumawa pa ako ng bahagya bago tumingin kay Hastrup. “All of these would be impossible without you. I know I’ve been nuisance to you since you came back here in the Philippines, but I’m glad you never stop helping me until the end. I will be forever greatful to you brother.” sinserong aniko at kinindatan naman ako nito. “I love you brother!” pasigaw na sabi ko at nagtawanan naman ang lahat kasabay ng pagtatago ni Hastrup dahil sa kahihiyan. “Now, to finally open our Hospital, can you join me here Architect?” tanong ko habang nasa mikroprono. Ngayon ay amin ng pormal na isasagawa ang ribbon cutting para sa opisyal na pagbubukas ng Hospital. Nahihiya man at walang ideya ay lumapit siya sa akin. Nagyakap kami kasabay ng pagbulong niya. “You should’ve informed me about this exposure.” mahinang bulong niya. “you need to pay 10 folds for this.” dagdag niya bago humiwalay sa pagkakayakap sa akin. “You’re getting greedy day by day, brother.” balik na bulong ko at mahina naman kaming nagtawanan. Matapos ang ilang mga salita ay tuluyan na naming binuksan ang Hospital. Masaya naming hinarap ang mga taong nagpapalakpakan. Napakasarap sa pakiramdam na sa wakas, ang dating pangarap lang ngayon ay reyalidad na. “Welcome to Hoseok’s Hospital everyone!” masayang sigaw namin ni Hastrup at mas umugong naman ang palakpakan sa buong lugar. “For everyone’s treat for our opening, we will have one-week free consultation for everyone starting today! Let’s all live a healthy and happy life!” anunsyo ko at kita naman ang gulat sa kanilang lahat kaya natawa ako. “You crazy rich man,” sabi sa akin ni Hastrup bago ako dambahin ng yakap. Para kaming bata ni Hastrup habang nakatayo pa rin sa harap ng mga tao. Ibinalot ko ang aking braso sa kaniyang leeg habang nagpupumiglas ito. Nagtatawanan kami pareho ng lumapit sa amin ang mga pamilya. “Congratulations to you both,” si mommy. “Congratulations mga Hijo,” si tita Analyn. “Congratulations!” si Xos bago yumakap sunod naman ay lumapit ito kay Hastrup. “You guys are really the best!” dagdag na komento pa nito, natawa naman kami. “You did a great job guys!” nakangiti ring bati ni Singh sa amin. Nagkwentuhan pa kami sandali bago harapin ang ilan sa aming mga kasamahang lumapit upang bumati rin. Maya-maya nga ay narinig ko ang pasigaw na pagtawag ng kapatid ko kay Hastrup. “Kuya Finn!” patakbong lumapit ang kapatid ko kay Hastrup. “Congratulations kuya.” dagdag pa nito bago yumakap. “Hey, baby I’m here.” tawag ko kunwari sa pansin ng kapatid ko. “I already congratulated you kuya.” sagot nito bago humiwalay sa pagkakayakap kay Hastrup. “Ignore that jealous man Autumn,” si Hastrup. “I miss you princess,” anito bago guluhin ang buhok ng kapatid ko. “I miss you too so much kuya Finn!” napailing na lamang ako sap ag-uusap nilang dalawa. Gaya ng inaasahan ay sunod-sunod pa ang naging pagbati sa amin. Maraming tao ang lumapit upang ipabatid ang kanilang mga pagbati at buong puso ko naman iyong ipinagpasalamat. Maya-maya ay lumapit na rin sa amin sina Ruz at Hope. “Congratulations!” si Hope naman ang lumapit at nakipag high five sa akin. “may ambang ka na sa mundo.” Mahinang bulong nito sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin. Kahit kalian ay walang matinong ambag ito sa buhay ko. “Congratulation Thirdy. I’m so proud of you!” nakangiting bati sa akin ni Ruz bago yumakap sa akin. Niyakap ko siya pabalik pagkatapos magpasalamat. “Hindi ko talaga inasahang ikaw utak ng Hospital na ‘to!” natatawang bulong muli sa akin ni Hope. “Ayoko rin namang umasa ka sa akin.” seryoso kunwaring sabi ko. Nanlalaki naman ang mata niyang napatingin sa akin. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa reaksyon niya ngunit pinigilan ko dahil gusto siyang asarain lalo. Magsasalita na sana muli siya ngunit naunahan siya ng kapatid ko. “Hi, I’m Autumn. I’m Doctor Cillian Third’s younger sister,” magalang na pakilala ng kapatid ko sa kanila na siya nga naming ikinagulat ko. Hindi naman kase mahilig makihalubilo sa iba ang kapatid ko. Ngayon ay nakatingin na samin sina mommy at tita Analyn maging sina kuya Ryan at Hastrup. “Hi I’m Hope, a Nurse and I’m you kuya’s bestfriend.” pakilala ni Hope at napangiwi naman ako sa mga sinabi niya. Nginisian naman niya ako ng makita ang reaksyon ko. “Hi I’m Mc Ashley and I’m also a Nurse.” nakangiti namang pakilala ni Ruz. “Oh, so you’re ate Ashley,” gusto kong pigilan ang kapatid ko sa kung ano ang balak niyang sabihin subalit alam kong hindi iyon magiging maganda lalo pa’t Maraming nakatingin sa amin. “Nice meeting you both po!” nakangiting sabi ni Autumn at napahinga naman ako ng maluwag. Sunod kong ipinakilala ang mga kaibigan ko kay mommy at nakakatuwang lahat sila nakapalagayan agad nito ng loob. Bagaman nakukwento ko na sila nuon pa lamang sa kaniya ay ngayon niya pa lamang sila makikilala sa personal. Sa kanilang lahat ay si Hastrup at Kuya Ryan pa lamang ang nakikilala niya dahil na rin malapit ang pamilya namin sa isa’t-isa magmula pa nuong mga bata kami. Walang mapaglagyan ang galak sa puso ko ngayon. Isang tagumpay ang nangyari ngayong araw at masaya akong ipagdiwang iyon kasama ng mga taong malalapit sa akin. Sa ngayon ay wala na akong mahihiling pa, tunay ngang sa kabila ng lahat ay may ganda pa ring hatid ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD