Grayson Singh Brength’s point of view:
Hastrup and I are friends for almost six years now. We studied abroad together, we shared different first time together and most especially, I have seen a lot when it comes to his skills and passion in terms architecture. I can’t deny that Hastrup is really one of the best architects I have ever known.
Just by looking at the whole Hospital, I can say that Hastrup and Third spend not just efforts and time in building this. I can also say from the structure and materials they used, this is really worth billions of pesos. The moment I saw the whole building when we came here, I already know to myself that Hastrup is the who made this. Simply because I know his style when it comes to designing. No matter how complicated his ideas are, he can make it possible and fascinating. He can make every corner of any infrastructure functional no matter how small it is. That’s the power of Architect San Buenaventura.
Seeing Hastrup ang Third celebrating their success with the people they treasure a lot because of the opening of Hoseok Hospital proves that everything they invested in here are all worth it. I also know that this Hospital will be a great help for everyone especially those who can't afford expensive Hospital services. What they did is really a big help to humanity.
“You did a great job guys!” sinserong bati ko sa kanilang dalawa ni Hastrup. They both smiled back to me as they thanked me.
“Are you okay?” tanong ko kay Xos.
Magmula pa kaninang umaga ay hindi na maayos ag pakiramdam niya. Pinilit lamang niya ang sariling makapunta rito upang maipakita ang suporta sa mga kaibigan naming.
“Of course, Singh. Don’t worry.” ngiti nito sa akin. Alam kong pinipilit lang din niyang pasiglahin ang sarili niya upang hindi na mag-alala pa ang mga kasama namin.
“Tell me if you want to go home,” sagot ko sa kaniya at naging sunod-sunod naman ang pagtango niya kaya napangiti na rin ako..
“I will.” tugon nito sa akin. Maya-maya ay may isang batang babae ang lumapit sa amin habang nakikipag-usap sina Third at Hastrup sa iba pa naming mga kasamahan.
“Hi, I’m Autumn. I’m Cillian Third’s younger sister,” nakangiting pakilala niya bago ilahad ang kaniyang palad sa amin. Sa tingin ko ay nasa siyam hanggang sampung taong gulang ito.
“Hi, I’m Xophea Brielle Hughes. I’m your kuya’s friend.” Si Xos ang unang tumanggap sa kamay ng bata. Ipinakilala rin nito ang sarili at hindi naman nawala ang ngiti nila sa isa’t-isa.
“Hi, I’m Grayson Singh Brength. I’m also your kuya’s friend.” Sunod akong nagpakilala sa kaniya. Pamilyar sa akin ang haba ng kaniyang pilik mata maging ang kakaibang kulay ng kaniyang mga mata. Napailing ako sa naisip dahil mukhang nakita ko na iyon sa kung saan.
“I’m happy to finally meet you guys. I hope we’ll be friends too!” masayang aniya.
Magsasalita na sana ako upang makipag kwentuhan pa sa kaniya ngunit nagpaalam na ito upang makalapit kay Hastrup nang malingunan niya ito. Patakbo niya itong nilapitan at niyakap, mukhang nananabik itong muling makita ang kaibigan ko.
Magmula nang lumapit sa amin ang kapatid ni Third na si Autumn ay hindi na nawala sa kaniya ang atensyon ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. May kung ano sa akin ang gusto pa siyang makilala. May kung ano sa akin na gusto pa siyang makausap. Kaya naman kahit pa wala na ito sa harap namin ni Xos ay palihim kong tinitignan ang mga kilos niya.
Pagkatapos niya ngang makipag usap kay Hastrup ay masasabi kong magkasundong-magkasundo sila. Malapit lamang sila sa amin kaya naman rinig namin ang kanilang usapan.
Makalipas nga ang ilang sandali ay tumungo naman ito kina Ashley at Hope at sa kanila naman nakipag kilala. Nakakatuwa ang batang ito, sa edad niya ngayon ay nagagawa niyang makipag usap sa iba. Malayo sa tipikal na pag-uugali ng mga batang nasa edad niya na mailap sa iba. Sa paraan nito ng pakikipag-usap ay makikita mong mabait at disiplinado siyang bata.
“Where’s the restroom here?” maya-maya ay tanong ni Xos. Mabilis namang lumingon sa amin si Hastrup nang marinig ang tanong na iyon ni Xos. Matapos ngang ituro ni Hastrup kung saang bahagi ng Hospital ito matatagpuan ay tumungo na ro'n si Xos.
“You’re doing great, brother,” bulong ko sa kaniya at palihim naman ako nitong siniko.
Alam kong hindi madaling mabura ang pagtingin kaya naman natutuwa ako dahil nagagawa ni Hastrup na ngumiti ng natural kahit pa alam kong apektado pa rin siya kina Third at Ashley. Lalo na kanina ng ipinakilala kaming lahat sa mommy ni Third.
“You’re stronger than I expected,” pang-aasar ko pa sa kaniya.
“Are you planning to go back to America earlier than planned, Singh?” seryoso kunwaring tanong niya.
“Nope, what I’m planning is to set you up with hot chick girls,” nakangising tugon ko sa kaniya.
“Why don’t you try to set up yourself with them? You’re still single for almost 9 years already.” kibit-balikat na aniya.
“Hey that’s foul!” aniko ko at tinawanan naman ako ng loko.
Nag-asaran pa rin kami nang mag-aya si Third na libutin ang buong Hospital. Pumayag kaming lahat kaya naman tinext ko na si Xos na kitain na lamang namin siya sa loob. Kaya naman nagtuloy na kami. Sa totoo lang ay wala akong sapat na kaalaman tungkol sa mga silid at kagamitan sa loob ngunit namamangha ako sa kung paano nakaposisyon ang mga ito.
“You really did great Architect,” bulong ko kay Hastrup at mayabang naman itong ngumiti sa akin.
Nagpatuloy kami sa pagiikot at hindi ko maipagkakailang bumilib talaga ako lalo sa mga nakita sa loob. Moderno ang mga kagamitan kaya naman masasabi kong pinag gastusan talaga ang Hospital na ito. Maging kung paano iniayos ang mga silid, hagdan at opisina ay nakakamangha.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos na kami at magpasyang magpahinga muna bago tumungo sa inihandang lugar ni Third kung saan kami kakain. Kanina pa umalis si Xos ngunit kataka-takang wala pa rin ito. Tuluyan ng nabubuhay ang kaba sa dibdib ko lalo na ng hindi ito sumasagot sa mga tawag ko.
“Is everything okay?” tanong sa akin ni Hastrup. Mukhang napansin nitong kanina pa ako may tinatawagan.
“Yeah, of course,” nakangiting sagot ko. “can I excuse myself for a moment. I’ll get something in the car.” paalam ko at tumango naman ito.
Mabilis akong tumungo sa lugar kung saan itinuro ni Hastrup ang Restroom. Pagdating duon ay nagdalawang isip pa akong pumasok subalit sa huli ay mas pinili kong makiusap sa Janitress na baka maari akong makapasok dahil may hinahanap akong tao. Mabait naman ito kaya pinayagan ako. Nilibot ko ang lahat ng cubicle sa loob ngunit wala si Xos mabuti na lamang at walang ibang tao sa loob kaya naman hindi na nagkaroon pa ng problema .
Nagpaalam ako at nagpasalamat sa ateng Janitress bago patakbong lumabas upang hanaping muli si Xos. Hihingi sana ako ng tulong kina Hastrup ngunit alam kong magtatanong sila kung ano ang nangyayare at alam ko ring hindi magugustuhan ni Xos kapag sinabi ko sakanilang hindi maayos ang pakiramdam niya.
Takbo at lakad ang ginawa ko upang mapabilis ang paghahanap sa kaniya ngunit wala pa rin. Hindi ko na alam kung saan pa maghahanap dahil halos nalibot ko na ang kabuan nitong Hospital. Halos mabaliw na ako kakahanap nang magpasiya akong bumalik muna kina Hastrup baka sakaling naro’n na siya.
Habang naglalakad ay hindi mapirmi ang mga mata ko, nagbabaka sakali pa ring makita si Xos sa paligid. Makalipas ang ilang minuto ay isang pamilyar na imahe ang nakita ko sa lobby ng Hospital. Patakbo akong lumapit sa kaniya kahit pa nagtataka kung bakit siya narito.
“Dad!”
“Daddy!”
Napahinto ako sa gitna nang pagtakbo ng isang pamilyar na boses ang nakasabay ko sa pagtawag kay daddy. Mabagal kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Third habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni dad. Maging ako ay hindi alam kung ano ang nangyayari. Si daddy naman ay nanatiling nakatayo sa gitna namin ni Third mukhang hindi niya rin inaasahan ang makita kami ng sabay dito.
“Daddy?” paguulit ni Third habang nakatingin sa amin ni dad. Nanatili naman akong tahimik dahil wala akong alam sabihin lalo na at wala rin akong alam sa kung nangyayari sa amin.
“Son,” dinig kong bulong ni dad bago mabagal na humakbang papalapit kay Third subalit umatras ito kaya naman napahinto si dad. Nanatili ako sa aking posisyon kahit pa gustong-gusto ko na ring magtanong.
“I can’t believe this!” galit na sabi ni Third bago patakbong lumayo sa amin. Hahabulin pa sana siya ni dad ngunit mukhang naalala niya ang presensya ko kaya naman napahinto siya.
“Singh, son.” tawag niya sa pangalan ko bago lumapit sa akin.
Hindi ko nagsalita, hindi ko gustong magsalita. Hindi ko alam kung anong nangyayari, at hindi ko alam kung paano niyang naitago sa amin ni mommy ang tungkol sa mga nalaman namin ngayon. Ayokong magalit sa kaniya dahil hindi ko pa alam ang buong katotohanan. Kaya naman pinili kong talikuran siya at maglakad din palayo dahil hindi pa ako handing tumanggap ng paliwanag mula sa kahit sino ngayon.