Hastrup Finn’s point of view:
Pananghalian na kaya naman nagpasya na kaming tumungo sa inihandang venue ni Third kung saan kakain ang mga bisita. Narito na ang lahat kabilang si Xos na kanina pa umalis ngunit nawala naman ngayon sina Singh at Third. Ang sabi ni Singh ay may kukunin lamang siya ngunit hindi pa rin ito nakakabalik hanggang ngayon. Si Third naman ay may kakausapin lang din daw ngunit hindi pa rin nakakabalik.
Sinubukan kong tawagan ang mga ito ngunit wala sa kanila ang sumasagot. Ilang beses kong sinubukan ngunit bigo pa rin kaya naman minabuti ko na lamang na sabihin sa lahat kung saan ang venue upang makausad na kami.
“We’ll go now, see you there.” bago umalis ay tinext ko muna silang dalawa.
Makalipas nga ang ilang minuto ng pagmamaneho ay nakarating na kami sa isang restaurant na nireserve ni Third para sa lahat ng bisita niya. Magkakasama kami sa iisang lamesa nina mommy at ni Tita Amanda, ang mommy ni Third. Bukod sa kanila ay kasama rin namin sina Autumn, Xos, Ash, Hope at Kuya Ryan.
“Kuya Finn where’s kuya Cillian?” tanong ni Autumn sa akin nang makaupo ako sa tabi niya.
“Ah, he’s on his way here.” sagot ko sa kaniya at napatango naman ito bilang tugon.
“How about Singh? Where is he?” tanong naman ni Xos.
“He’s on his way here too.” hindi man sigurado ay iyon na lang din ang isinagot ko kay Xos kahit pa ang totoo ay hindi ko talaga alam kung asaan ang dalawang ‘yon ngayon dahil bukod sa hindi sila sumasagot sa mga tawag ko ay hindi rin sila nagrereply sa mga texts ko.
Natapos kami nang pagkain ng pananghalian ng hindi nakikita sina Singh at Third. Bago umalis sa restaurant na iyon sinubukan ko pa silang tawagan ngunit hindi pa rin sila sumasagot. Kaming dalawa ni tita Amanda ang kumausap sa mga bisita dahil sa kawalan ng presensya ni Third sa hindi malamang dahilan.
“Is he still not answering Hastrup?” tanong sa akin ni Tita Amanda matapos naming makipag-usap sa ilang mga huling bisita.
“Still, tita.” sagot ko at bumalatay naman sa kaniyang mukha ang pagaalala.
“I already called Yoongi Hospital, he’s not there.” nag-aalalang aniya.
“Don’t worry too much tita, I know Third is fine.” binigyan ko siya ng naninigurong ngiti.
Pumasok kaming muli sa loob ng Restaurant upang balikan ang mga kasamahan pa naming naiwan kasama namin. Nagprisenta akong ihatid na lamang sina tita Amanda sa kanila dahil mayroon naman si kuya Ryan na makakasamang pauwi ni mom.
“Hindi mo naman na kami kailangang ihatid Hastrup, pwede naman kaming magpasundo,” pagtanggi ni tita Amanda.
“Matatagalan pa po iyon, wala naman po akong gagawin.” nakangiti kong tugon.
Wala na itong nagawa pa kaya naman nagpasalamat na lamang siya at nagpaalam kina mom. Minsan pa silang nagyakap bago humarap si tita kina Ash.
“It’s nice to see you again Ryan. I want to meet your family as soon as possible okay?” si kuya Ryan naman ngayon ang kausap ni tita.
“Of course, tita. See you again soon.” sagot sa kaniya ni kuya Ryan.
“I’m glad to finally meet you guys,” nakangiting anito bago rin yumakap kina Xos, Ash at Hope.
“Likewise, tita.” tugon ni Hope.
“Mag-iingat po kayo.” si Ash.
“Bye po, see you next time!” masayang paalam ni Autumn sa lahat. Yumakap pa ito kay mommy at kumaway naman sa iba.
Pagkatapos magpaalam ay nagpasya na sina tita Amanda na lumabas ng restaurant. Binuksan ko ang pintuan para sa kanila. Nang tuluyan na silang makalabas ay nagpaalam muna ako upang makabalik sa loob at makapag paalam din sa iba.
“Take a good rest when you got home okay?” sabi ko kay mommy.
“I will, son. Drive safely.” paalala niya sa akin at tumango naman ako bilang tugon bago humarap kay Xos.
“I’ll see you at home. Take a good rest too okay?” sabi ko rin kay Xos.
“Singh is not answering my calls.” halata man ang pagkairita sa boses niya at makikita naman ang pag-aalala sa mga mata niya.
“I’ll look for him, don’t worry.” paniniguro ko bago siya yakapin. Gumanti siya ng yakap sa akin at nang humiwalay siya ay humarap naman ako kina Ashley at Hope.
“Kina mommy na kayo sumabay,” napatingin naman sila sa aking dalawa.
“Sige. Akala namin mai-” mabilis pinigilan ni Ash ang sasabihin ni Hope.
“Naku, wag na. Malapit lang naman ang sakayan dito pauwi sa amin.” pagtanggi niya.
“Ha? Okay ka la-” nakita kong palihim na siniko ni Ash ang kaibigan kaya naman napahinto ito sa sinasabi.
“Sige na, sumabay na kayo. Okay lang naman kay kuya Ryan. ‘Di ba kuya?” paghingi ko ng tulong kay kuya Ryan.
“Oo! May sasakyan naman tayo, di naman tayo maglalakad.” Natatawang sagot niya at kinindatan ko naman siya.
“Oh siya, sabay-sabay na tayong lumabas!” pag-aaya ko sa kanila at mabilis naman nila iyong sinang-ayunan.
Saba-sabay naming tinungo ang parking lot kasama sina tita Amanda. Nakakatawa dahil matapos magpaalam sa loob ay muli iyong naulit nang maghiwa-hiwalay na kami ng sasakyan.
Bago tuluyang paandarin ang sasakyan ko ay minsan ko pang nilingon ang sasakyan kung saan lulan sina mom napangiti ako ng bumusina pa si kuya Ryan bago paandarin ang sasakyan nila.
Tahimik naming binagtas ang daan pauwi sa bahay nina Third. Hindi pa rin matawagan ni tita ang anak kaya naman makikita pa rin sa kaniya ang pag aalala. Alam kong napapansin ni Autumn ang nangyayari dahil paminsan-minsan ay tinatanong nito ang ina kung okay lang ba ito.
Makalipas nga ang mahabang oras ay nakarating na kami. Nagpasalamat sa akin si tita Amanda at iniimbitahan akong pumasok muna ngunit tumanggi ako dahil kailangan kong tignan kung nkauwi na si Singh. Hindi na ako pinilit ni tita dahil naiintindihan naman niya ang sinabi ko kaya naman matapos ko silang ihatid ay umuwi na ako.
“Is Singh already here?” tanong ko kay Xos nang maratnan ko siya sa bahay.
“He’s annoying,” salubong ang kilay na sagot niya sa akin. “he’s not yet home and he’s not answering my calls and any of my texts!” hindi ko alam kung paanong sasagot sa mga sinabi niya.
“Have you reached him already?” tanong niya. Umiling ako bilang sagot at napapikit naman niya bago sumandal sa couch kung saan siya ngayon nakaupo.
“This is not like him. He always tells us his whereabouts lalo na kapag andito kami,” nakapikit pa ring sabi niya.
“Don’t worry too much.” sagot ko sakaniya.
Ilang beses ko pang tinawagan muli sina Singh habang katabi si Xos ngunit gaya kanina ay hindi pa rin sila sumasagot.
“Go to your room and rest, for sure he’ll be here before dinner,” aniko kay Xos.
“He better do.” iritang sagot niya sa akin bago tumayo at pumunta sa sarili niyang kwarto.
Pagkatapos ng usapan namin Ni Xos ay pumanhik na rin ako sa kwarto ko upang maligo. Doon ay inabot ako ng mahigit isang oras. Habang nagbibihis ay nakatanggap ako ng text mula kay Autumn.
“Kuya went home. He just took a bath and leave without even talking to anyone of us here. Is there something wrong kuya Finn?” nangunot ang noo ko sa mensaheng iyon.
“Maybe something urgent came up, Autumn. Don’t worry, okay?” sagot ko.
Hindi na ako nakatanggap pa ng mensahe pabalik mula kay Autumn matapos non. Gaya ng sitwasyon kanina ay wala pa ring paramdam sina Third at Singh. Panatag na ako na nasa mabuting kalagayan si Third dahil nagawa na nitong makauwi bagaman hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya o kung bakit siya biglang nawala.
Palabas na ako ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Xos mula sa labas kaya naman binilisan ko ng makalabas ng aking silid.
“Where the hell have you been?” galit na tanong niya sa mukhang kararating lamang na si Singh.
“I’m sorry.” nakayukong sagot nito.
“Sorry? I’m not asking you to ask for forgiveness, Singh!” alam kong labis ang pag-aalala ni Xos kanina pa kaya ganito na lamang ang nagiging reaksyon niya.
“Can we talk about this later? I really need to rest.” hindi pa man nakakasagot si Xos ay tinalikuran na siya ni Singh.
Gusto ko rin sana siyang tanungin ngunit mas pinili ko na lamang hayaan siya. Wala kaming nagawa ni Xos kung ‘di ang sundan siya ng tingin.
“I think something is off, for now, let’s give him what he needs.” sabi ko kay Xos nang tuluyan ng makapasok sa kwarto niya si Singh.
“I can’t believe that jerk.” naiinis pa ring sagot niya at natawa naman ako.
Gaya ng gusto ni Singh ay binigyan namin siya ng panahong makapag pahinga. Kahit pa nang maghapunan kami ay nakiusap siyang hindi muna makakasabay at iyon nga ang nagyari. Hinayaan namin siyang mapag-isa kahit pa gustong-gusto naming siyang kumustahin.
Sa mga ikinikilos ngayon ni Singh ay hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi ko siya kailanman nakita sa ganitong klase ng sitwasyon. Sana lang ay magawa niyang sabihin sa amin kung ano man ang bumabagabag sa kaniya.
Alam kong may mga bagay na hindi madaling ibahagi sa iba. May mga bagay na hindi madaling ibahagi lalo na kung maging sa atin ay hindi iyon nagiging madali, ngunit sana’y huwag nating makalimutan na may mga taong handang makinig, tumulong at makibahagi ng mga bagay na dala natin.