Chapter 43.

1632 Words
Hastrup Finn’s point of view: Pagkatapos naming mag hapunan ay pinili na naming magpahinga. Hanggang sa huling sandali ng araw ay hindi lumabas si Singh. Babalik na sila ni Xos bukas sa America kayat nag-aalala akong baka hindi pa rin siya maging maayos hanggang bukas. Dahil na rin sa pagod ay tinangay ako ng antok kaya naman pansamantala kong nakalimutan ang mga iniisip. “Yes, hello?” antok man ay nagawa kong sagutin ang cellphone ko nang magring ito. “Let’s have a drink, Architect,” mahihimigan ang pagod sa garalgal na boses ni Third. Mukha ring nakainom na ito dahil sinisinok na siya sa pagitan ng bawat salitang sinasabi niya. “Where are you?” bumangon ako pagkatapos siyang tanungin. “I don’t know,” natatawang sagot niya. "wait, let me ask someone here,” tinanong nga ni Third ang kung sino at narinig ko naman ang sagot nito. “Far Pavilion Resto bar, sir.” sagot sa kaniya. Alam ko ang lugar na iyon kaya naman alam kong hindi na ako mahihirapan. “Give me 20 minutes, I’ll be there.” aniko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. “You’re really a great friend, Hastrup.” aniya. Napailing na lang ako matapos ay muli siyang sinabihang maghintay bago ko ibaba ang tawag niya. Alas-dos na ng madaling araw nang umalis ako sa bahay. Wala ng gising maliban sa akin kaya alam kong hindi rin nila alam ang naging pag-alis ko. Tulad ng sinabi ko kay Third, matapos ang 20 minuto ay nakarating na ako sa lugar. Hindi gaya ng ibang mga resto bar ay tahimik ang lugar na ito. Ito ang perpektong lugar kung nais mo lamang mag-isip habang umiinom at kung nais mo lamang bigyan ng oras ang iyong sarili upang makapag pahinga. Pagpasok sa loob ay agad kong natanawan si Third sa hindi kalayuan. Nakaupo ito mag-isa sa tapat ng isang maliit na lamesa. Base sa ilang mga bote ng alak na nasa harap niya ay paniguradong lasing na ito. “What do you think are you doing?” pabungad na tanong ko bago maupo sa harap niya. “Oh, hi brother!” halos nakapikit na bati niya sa akin. “do I look wasted?” tanong niya. “Because I’m really am.” natatawang patuloy niya bago nagtangkang muling uminom ngunit pinigilan ko ang kamay niya. “Enough Third, you’re drunk.” aniko at umiiling naman siyang humarap sa kin. “Can I also stop the world from tormenting me Hastrup?” nagulat ako sa naging tanong ni Third. “What do you mean?” tanong ko sa kaniya. “I never expect this life to be this hard.” natatawang tugon niya sa tanong ko. “I don’t know what I did in my past life to deserve this.” patuloy niya. “Third, I’m all ears.” malumanay na sabi ko at napangiti naman siya sa kawalan. “All I did is to make him proud. All I did is to do my best because that’s the only way I know to make him happy.” napayuko siya matapos sabihin iyon. Mukhang may ideya na ako kung saan nanggagaling si Third. “I admired him all my life, I never adore anyone more than I adore him.” ramdam na ramdam ang hinanakit sa boses niya. Nanatili naman akong tahimik habang nakikinig sa kaniya. “I thought he’s cheating since just a month or year,” napailing siya. “but someone called him dad.” totoong nabigla ako sa mga sumunod niyang sinabi. “And you know what’s worst? That someone is just about my age.” naihilamos nito ang palad sa mukha. “Do you know who that person is?” tanong ko. Kung halos kaedad lang ni Third ang taong tinutukoy niyang tumawag sa daddy niya ng dad, ibig sabihin ay matagal na silang niloloko ni tito. “Singh.” maikling sagot niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa naging sagot niya, hindi ako makapaniwala kaya naman hindi ako nakasagot agad. “What?” tanong ko, nagbabakasakaling mali lang ang rinig ko. “I don’t know what happened, but I heard him calling my dad the same way I call him.” sagot niya at ako naman ngayon ang sunod-sunod na napailing. Kaya pala ni minsan ay hindi nagkwento sa amin si Singh tungkol sa Daddy niya. “Funny right? We’ve been friends only to find out we’re brothers.” natatawang aniya. “I’m not mad at Singh, because base on his reaction a while back, I think he’s also shocked.” pagkukwento niya. Marahil ito nga ang dahilan kung bakit gano’n na lamang si Singh kanina. “He’s a great guy. He’s a great friend of us Hastrup. I can’t blame nor hate him, he’s too good for that.” hindi ko pa rin alam ang sasabihin dahil sa mga nalaman ko ngayon. “I really don’t know what am I going to do now. I don’t know if I should tell this to my mom and to Autumn or not.” tuluyan ng naging emosyunal si Third nang mabanggit sina Tita. “I never see this coming Hastrup,” umiiling na aniya. “I hate my dad so much!” alam kong kahit anong nangyayari ngayon sa pamilya nila ay hindi magagawang magalit ni Third kay tito. Alam kong kabaliktaran ng sinasabi niya ang nararamdaman niya. Ramdam ko pa rin kasi ang pangungulila niya rito kahit pa nasasaktan siya ngayon. “I thought, being rejected by Ruz was the most painful thing that I can ever encounter since she’s been the love of my life for a long time,” maya-maya ay aniya at napalingon naman ako sa kaniya. “but after what happened today? I think life is really trying it’s best to stop me from breathing little by little.” Ilang minuto ko pang prinoseso sa aking isipan ang sinabi niya. “What” hindi makapaniwalang tanong ko. “What are you saying?” “Yes, she rejected me.” natatawang sagot niya bago muling lumagok ng alak sa baso niya. Hindi ko na inungkat pa ang usapang iyon kahit pa gustong-gusto kong malaman ang detalye kung ano ang nangyari. Pinigilan ko ang aking sarili dahil hindi ko kayang ungkatin pa ang isang bagay na makakasakit sa kaniya. Hanggang sa naihatid ko si Third sa bahay nila ay nanatili kaming tahimik. Dala ang lahat ng mga nalaman ngayon ay wala sa sarili akong nagdrive pauwi sa bahay. Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw kaya naman maingat kong ipinarada ang sasakyan ko sa garahe upang hindi magising sina mommy. Maingat ko ring binuksan ang malaki naming pintuan upang hindi makagawa ng ano mang ingay ngunit nagulat ako ng may biglang nagsalita. “You met Third?” tanong ni Singh pagpasok ko pa lamang sa loob. “You startled me!” mahinang sigaw ko at nagkibit-balikat lamang ito. May dala siya ngayong ilang lata ng beer, mukhang balak niya ring uminom. “Let’s have a moment.” alok nito sa akin bago tumungo sa veranda ng bahay. Sumunod ako kay Singh at naupo sa tabi niya. Hindi kami agad nagsalitang dalawa. Mukhang hindi niya rin alam kung ano ang unang sasabihin. “I think you already know what’s happening?” si Singh ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin at tumango naman ako ng magkakasunod-sunod bilang sagot. “We’ve been friends for how many years but I never talked about my dad. I never did because I don’t know much about him.We barely talk and see each other since I was young.” nagsimula siyang magkwento habang umiinom kami. Totoong sa tagal naming magkaibigan ay naging iwas si Singh sa mga usapin tungkol sa kaniyang ama. May mga pagkakataon na sinusubukan naming magtanong ni Xos ngunit matalino niyang naiiba ang usapan. Napansin namin na madalas niya iyong gawin kaya naman hindi na rin naming siya kinulit tungkol duon. “I once asked my mom about him, but she refused to answer. From that very moment I stop asking about my dad. He visits me every Christmas, it was fine for me because as I grow older, I think it’s for the better since my mom is okay with it.” patuloy niya. “Apart from me really expected this you know, me having siblings from my dad.” natawa siya matapos sabihin iyon. “but I never expect that facing them can embarrass me like this.” napailing siya bago muling uminom. “He’s not mad at you.” mahinang sabi ko at nakangiti naman itong tumango-tango. “It was always my dream to have you know, biological siblings.” aniya habang diretsong nakatingin sa hardin. “and what happened yesterday made that dream come true, but I can’t really feel the happiness.” malungkot na tuloy niya. “I never thought that some dreams can ruin something.” nakayukong aniya. “my existence can be the reason to ruin their precious family, Hast.” napayuko si Singh matapos sabihin ang mga iyon. “Don’t blame yourself in any of these, Singh. You and Third are great persons, it will never change no matter what kind relationship you guys have.” pang-aalo ko sa kaniya. “Life is really unpredictable isn’t it?” natatawang tanong niya. “Indeed.” tugon ko bago kami nakangiting tumitig sa malawak na hardin, pasikat na ang araw kayat unti-unti na itong kinakain ng liwanag. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman nina Third at Singh subalit alam kong pareho silang nasasaktan at naguguluhan ngayon. Alam kong marami pa silang kailangang pag-usapan bilang pamilya. Sana lang ay hind maging sarado ang pintuan ng bawat puso nila lalo na ngayon at mas naging malapit ang relasyong mayroon sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD