Chapter 44.

1219 Words
Mc Ashley’s point of view: Kasalukuyan ako ngayong nagpapahinga sa Rooftop ng Yoongi Hospital habang nakaupo sa isang pahabang upuan. Alas-nuebe na ng gabi at ngayon lamang ako nakapag pahinga dahil sa dami ng naging trabaho magmula pa kanina. Nakapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin nang may maramdaman akong naupo sa tabi ko. “Coffe?” alok sa akin ni Third. Nakangiti kong tinanggap ang hawak niyang kape. “Thank you, Thirdy." aniko bago umusog ng kaunti upang magkaroon siya ng pwesto sa tabi ko. “Are you tired?” tanong niya at mabagal naman akong tumango. Matagal na kaming magkaibigan ni Third, marami na kaming pinagsamahan simula nuon. At sa mga nangyari nuong mga nakaraan sa pagitan namin, masaya ako dahil hindi ito naging dahilan ng paglayo niya sa akin. “How are you?” maya-maya ay tanong ko sa kaniya. May ilang araw din siyang hindi nakapag duty nuong nakaraan at nalaman ko lang kahapon na nagfile na ito ng resignation letter. “I’m doing great.” maikling sagot niya. “Balita ko, aalis ka na?” tanong kong muli sa kaniya at napabuntong-hininga naman ito bago sumagot. “Yeah, I think, Hoseok Hospital needs me more than Yoongi Hospital does,” sagot niya. Napangiti ako sa naging sagot niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala na mayroon ng sariling Hospital si Third. Totoong nagulat ako nuong araw na iyon nang magsalita si Third sa harap para pormal na buksan ang Hoseok Hospital. Tunay ngang ang puso niya sa pagtulong ay namumukod tangi. “Congrats ulit, Thirdy!” nakangising bati ko sa kaniya at ginulo naman niya ang buhok ko. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin pagkatapos ng usapang iyon. Tahimik kaming nakatitig sa malawak na kalangitan nang magtanong si Third. “Kumusta na kayo ni Hastrup?” napalunok ako sa tanong na iyon ni Third. “What do you mean?” tanong ko sa kaniya at natawa naman ang huli. “We’ve known each other for how many years already,” natatawa pa ring sabi niya. “to be honest, I already know you like him even before I confessed my feelings.” patuloy niya na siya namang ikinagulat ko. “I just you know, gave a punch, knowing that I already lost my chance the moment you fell for him.” nakayukong aniya. “It’s okay. You shouldn’t feel bad,” nakangiti na ito ng mag-angat ng ulo. “you guys are both special to me. And it will never change no matter what happen.” hindi ko alam kung ano sasabihin matapos niyang magsalita. “I loved you too Third,” pag-aamin ko at naging mabagal naman ang paglingon nito sa akin. Cillian Third’s point of view: “I actually loved you for a very, very long time.” nakangiting patuloy niya bago mangilid ang mga luha sa mga mata niya. “I loved you secretly. And every day, I was always praying na sana isang araw malaman mo o sana may magsabi manlang sayo,” tuluyang kumawala ang ilang mga butil ng luha sa mata ni Ruz. “Sa hindi mabilang na panahon pinangarap kong sana, sana hindi lang kaibigan ang maging tingin mo sakin.” nakayukong patuloy niya sa pagitan ng paghikbi. “Minahal kita, Third. Minahal na kita simula pa nuong mga panahong sabay tayong kumain sa kantina ng school. Minahal na kita simula pa lang nuong mga panahong umiiyak ako sayo sa tuwing may bagsak na exam. Mahal na kita simula pa lang nuong una mo’kong sinundo at hinatid sa bahay.” diretso na siya ngayong nakatingin sa mga mata ko. Habang nakatingin din sa kaniya ay ang panunumbalik din ng maraming ala-ala sa isip ko. “Minamahal kita pero hindi ko masabing akin ka kahit pa lagi kang nasa tabi ko. Mahal kita, pero hindi ko pwedeng hilingin sa’yong mahalin mo rin ako. Mahal kita pero natatakot akong sabihin sa’yo dahil lagi mong sinasabing magkaibigan tayo.” habang sinasabi niya ito ay tila nanumbalik naman sa akin ang mga pinagsamahan naming nuon. Napangiti ako ng mapait dahil sa sakit. Sinayang ko, sinayang ko ang mga araw na iyon. “Maraming beses kong pinigilan ang sarili kong hatakin ka palayo kapag may ibang babaeng lumalapit sayo.” natatawang aniya kahit pa may mga luha pa rin siya. “Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong tawagan ka sa tuwing namimiss kita, ilang beses kong pinigilan sarili kong hawakan ang mga kamay mo kapag magkasama tayong dalawa.” gusto kong yakapin na siya ngayon ngunit pinipigilan ko ang sarili. “Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong sabihing mahal kita, lalo na sa tuwing hawak mo ang mga kamay ko sa tuwing tatawid tayo ng kalsada.” nayuko muling sabi niya. “mahal na kita kahit pa nuong niligawan mo yung president ng Music club.” natatawang dagdag niya. “Sobrang tagal kitang minahal, Third.” huminto siya pagkatapos sabihin ito. “Hanggang sa isang araw matapos ang mahabang panahon, natutunan ko na lang din mahalin ka bilang isang kaibigan,” nakangiting aniya. “siguro dahil napagod na rin ako na maghintay, na umasa, na magbakasakali.” patuloy niya. “Nakakapagod pa lang magmahal ng hindi minamahal pabalik,” natatawang aniya habang umiiyak. “At dumating nga si Hastrup, wala sa plano pero oo, nahulog ako.” napayuko ako matapos niyang sabihin iyon. “Sorry, Third kung hindi na kita na hintay. Sorry kung napagod akong mahalin ka.” umiiyak na aniya at niyakap ko naman siya. “No. its fine, it’s okay.” pang-aalo ko sa kaniya. “you deserve to be love, Ruz.” patuloy ko sa pagitan ng yakap. “I’m sorry for hurting you, it was never my intention.” muling sabi ko. “I want you to be happy Ruz, even I’m no longer part of that happiness.” tuluyan na rin akong naging emosyonal matapos sabihin iyon. “I’m forever blessed to be loved by you.” mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. “I’m okay, so please, let yourself have the love and happiness that you deserve.” pagtatapos ko sa usapan. Wala na sigurong mas sasakit pa sa pag-ibig na tama ngunit nasa maling sitwasyon at pagkakataon. Wala na sigurong mas sasakit pa sa siguradong pag-ibig, ngunit nasa maling panahon. “Please be the happiest version of yourself. Don’t let other people take that away from you.” aniko bago nakangiting tumingin sa kaniya. Matapos malaman ang lahat kay Ruz, mas nabigyan ng pagkakataon ang puso kong tumanggap at maghilom. Hindi man nabigyan ng pagkakataon ang pag-ibig na pareho naming inilihim sa isa’t-isa, masaya pa rin akong malaman na sa pagitan namin nagkaroon ng pagmamahalang higit pa sa pagmamahalan ng isang magkaibigan. Nuon pa lang ay mahal ko na si Ruz, at gaya niya ay natakot din akong ipaalam sa kaniya ang katotohanang ito. At oo, hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya subalit hindi ko na ipipilit o ilalaban pa lalo na ngayon na may iba ng nagmamay-ari sa puso niya. Sapat na sa aking minahal niya ako nuon, sapat na sakin ang mga panahong iyon. At ngayon ngang muli niyang binigyan ng pagkakataon ang puso niyang magmahal at mahalin, hindi ko gugustuhing maging hadlang sa pag-ibig na kinatakutan kong ibigay sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD