Chapter 45.

2275 Words
Hastrup Finn’s point of view: Mahigit isang buwan na rin magmula nang makaalis sina Singh at Xos pabalik ng America. Walang sino man sa amin ang bumanggit ng tungkol sa sitwasyon nina Third at Singh hanggang sa makaalis sila. Wala rin akong naririnig mula sa pamilya ni Third, siguro ay hindi pa nila ito napag-uusapan hanggang ngayon. Ngayon ay araw ng sabado at wala akong trabaho kaya naman pinili kong manuod sa sala. May pinuntahan sina mom kasama si kuya Jr, isa sa mga driver namin kaya naman mag-isa lamang ako ngayon sa bahay. Maya-maya ay narinig kong bumukas ang gate malamang ay nakauwi na sina mom, alas-kwatro na rin kasi ng hapon. “What’s up, Architect?” masayang bati sa akin ng kararating lamang na si Third bago maupo sa tabi ko. Matapos ang isang buwan ay ngayon lang ito nag pakita sa akin kaya naman totoong nagulat ako sa presensya niya ngayon dito sa bahay. Akala ko ay sina mom ang dumating, siya pala. “What kind of reaction is that?” kunot-noong tanong niya. “Where the hell have you been?” ako naman ngayon ang nagtanong sa kaniya. “Why? Did you miss me?” natatawang tanong niya bilang tugon. “Nope. You haven’t paid me yet!” pasigaw na sagot ko sa kaniya at natawa naman ang huli. Nakakatawa na ngayon si Third sa harap ko, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil kahit papaano ay nasa mabuti siyang kalagayan o magtataka dahil mukhang hindi na nito iniinda ang lahat ng nangyari nuong nakaraan. “Okay, okay. I’ll wire you the money,” huminto siya. “soon.” dagdag niya. “Soon?” hindi makapaniwalang tanong ko at mas lalo naman itong natawa. “Okay, later.” tumatawang wika niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi ko na siya sinagot matapos niyang sabihin iyon bagkus ay itinutok na ang aking atensyon sa pinapanood. Alam kong may rason ang pagpunta niya rito kaya aantayin ko na lamang na sabihin niya ‘yon. “Let’s go upstairs.” napangiti ako ng maya-maya ay mag-aya siya. Matagal na rin nuong huli kaming magtungo ro’n. “Okay, give me an hour,” nananabik na aniko. “Too long.” sagot niya. Inasahan ko na ang sagot niyang iyon kaya naman napatango na lamang ako. Mabilis kong tinapos ang pagligo at pag-aayos ng nakangiti. Hindi ko maiwasang manabik dahil sa pupuntahan namin ni Third. Pagkatapos ng Maraming taon ay muli na naman kaming pupunta ro’n. “Let’s go?” mabilis na pag-aaya ko kay Third paglabas na paglabas ko ng kwarto. “Faster than I expect huh?” kibit-balikat na aniya at nginisian ko naman ito. Sabay kaming lumabas ng bahay at tumungo sa mga sasakyan namin. Bago buhayin ang makina ng sasakyan ko ay tinext ko muna si mommy upang ipaalam sa kaniyang lalabas ako kasama si Third. Masaya akong nagmaneho at inabot iyon ng halos isang oras bago kami nakarating sa lugar na pakay namin. Nauna akong pumarada kasunod si Third. “Ready?” nakangising tanong niya bago kami pumasok sa loob. “Always.” sagot ko. Nagpatuloy na kami hanggang sa tuluyan na kaming makapasok. Malaki ang ipinagbago ng lugar, sa unang palapag ay hindi na mga table games ang makikita, mukha na itong waiting area ngayon dahil puro na lamang mga upuan at lamesa ang makikita. Sa ikalawang palapag ay narito na ang mga table games at kainan. Mas marami na ang tao ngayon kumpara nuon kaya naman lalong nabuhay ang pananabik sa dibdib ko. Makalipas nga ilan pang palapag ay narating na namin ang rooftop kung nasaan ang cue sports o mas kilala bilang billiards. Hindi alam ng nakararami ngunit bukod sa paglalaro ng basketball ay Billiards ang hilig namin ni Third. Simula pa lamang nuong nasa high school kami ay ito na ang hilig naming gawin at sa lugar na ito lamang kami naglalaro. Bukod kase sa maganda ang pwesto nitong lugar ay nakasundo na rin namin ang mga namamahala rito. “Hastrup? Third?” napangiti kami ni Third nang makilala kami ni Kuya Robert, ang nagturo sa amin kung paano ang tamang paglalaro ng Billiards. “Yep! It’s been a while.” nakangiting bati ni Third. “My goodness, it’s been a very long time.” nakangiting sagot naman ni Kuya Robert bago kami bigyan ng magaang yakap. “It’s nice to see you again Kuya Rob.” aniko habang nasa pagitan ng yakap. “Grabe, akala ko hindi na tayo ulit magkikita-kita,” si kuya Robert. “ito kasing si Third ay hindi na rin nag pakita magmula nuong umalis ka, mukha yatang ikaw lang ang gustong makalaro.” natatawang aniya habang nakaakbay kay Third at nakatingin sa akin. “Naging abala lang talaga ako, kuya.” pagrarason naman ni Third. “Sus. Nahihiya ka lang umamin kay Hastrup eh.” pambubuyo naman ni Kuya Robert. Nagkwentuhan muna kami nina kuya Robert bago niya kami dalhin sa bakanteng lamesa upang makapag laro. Nuong una ay kasama pa namin siyang naglalaro ngunit makalipas ang halos isang oras ay kinailangan na siya ng ibang costumer kaya nagpaalam na ito sa amin. Ngayon ay dalawa na lamang kami ni Third na naglalaro. “You look really happy, Architect.” bago tumira ay nagsalita si Third. “I am.” maikling sagot ko. “is there something wrong with that, Doctor?” sarkastikong tanong ko. Umiling ito at nagtawanan kami matapos ng usapang iyon. Masaya naming ipinagpatuloy ang paglalaro. Gaya nga ng kung paano namin takasan ang reyalidad ng buhay nuon, narito kaming muli upang kahit pansamantala ay maging masaya ng walang ibang iniisip kung ‘di ang ipanalo ang laro. “Stop avoiding Ruz,” napahinto ako sa pagtira nang magsalita si Third. “and please, stop staring, brother.” natatawang aniya. Napatitig lamang kasi ako sa kaniya matapos marinig ng sinabi niya. Hindi ko inaasahang alam niya ang nangyayari sa pagitan namin ni Ash. Cillian Third’s point of view: “You’re hurting yourself,” huminto ako. “and you’re hurting her as well.” patuloy ko. Hindi nakagalaw si Hastrup dahil sa mga sinabi ko. Marahil hindi nito inaasahang sa akin manggalilng ang mga salitang iyon. Mahigit isang buwan ang ibinigay ko sa sarili ko upang tanggapin ang lahat, hindi pa rin nawawala ang sakit at panghihinayang ngunit napalaya ko na si Ruz at maging ang sarili ko. Hindi iyon naging madali subalit dahil sa pagmamahal ko kay Ruz ay nagawa ko. “Life is too complicated already, don’t make it more complicated than it is,” natatawang sabi ko. “Third.” mahinang usal niya. “What? Do you miss me that much? You keep calling my name.” tugon ko at nanatili naman itong nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. “I’m sorry.” nahihiyang sabi ko. “I’m sorry for asking you such favor without considering how you feel.” napaayos ng tayo si Hastrup matapos ng sinabi ko. “What are you talking about, Third?” tanong nito sa akin bago siya naglakad papalapit sa akin at maupo sa tabi ko. “I accidentally heard your conversation with Xos,” nakangiting aniko. Kita naman ang pagkabila sa kaniya. FLASHBACK__ Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Habang naglalakad papalapit kay Ruz dala ang bungkos ng bulaklak ay lalong nabubuhay ang kaba sa dibdib ko. Nuong una ay kita ang pagtataka sa mga mata niya, ngunit nang magsimula akong maglakad papalapit sa kaniya ay napalitan iyon ng ngiti. “Hi,” iyon lamang ang unang salitang nasabi ko nang makarating sa harap niya. “Kinakabahan naman ako sa’yo,” aniya at natawa naman ako. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na sobra-sobra na rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Habang patuloy na kumakanta at tumutugtog sina Hastrup at Kuya Ryan ay nag-iipon ako ng lakas ng loob upang makapag salita. Rason kung bakit namutawi ang katahimikan sa pagitan namin ni Ruz. Hindi ko alam kung anong unang sasabihin, ngayon ko lamang kasi ito gagawin sa kadahilanang babae ang nagtatapat sa akin ng pag-ibig mula pa nuon. “I never expect that life has something magical to offer,” panimula ko. “I never thought that this world can be an enchanting place despite of the negative things happening around.” Sa lahat ng nakakapagod na nangyayari sa buhay ko, si Ruz ang nagiging pahinga ko. “You allowed me to be myself whenever I’m with you. You always remind me to accept my failures the same way I welcome every success.” nanatili siyang tahimik habang nagsasalita ako. Unti-unti namang humuhupa ang kaba ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. “You trusted me even in the moments that I can’t even trust myself. You gave me strength when I needed it the most. You gave me braveness when I can’t even take a step to move forward. You don’t know how much your simple words and actions fueled me to keep going.” nangilid ang luha sa mga mata niya. “Your smile brightens my darkest days and your laughter cures my sadness.” nakangiting aniko. “You taught me to love genuinely and unconditionally. You showed me the real essence of living.” kanina ko pa pinipigilang maging emosyonal ngunit hindi ko iyon napag tagumpayan. “You helped me to be someone who I am right now.” nakangiti na siya ngayon kahit pa may luha sa mga mata niya. “I also want to be someone who can make your bad days, better.” “I want to be someone who can be your fortress every time you feel drained and exhausted.” “I want to be someone you want to end your day with.” “Will you allow me to be that someone in your life, Ruz?” mabagal na tanong ko sa kaniya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. “Will you give me the chance?” muling tanong ko. Tila huminto ang t***k ng puso ko maging ang pag hinga ko nang nagtuloy-tuloy ang pag agos ng luha ni Ruz matapos kong magtanong. Napalunok pa ako ng ilang beses bago siya kumilos at tanggapin ang bulaklak na ibinibigay ko sa kaniya. Walang Sali-salitaan niya iyong kinuha at yumakap sa akin. Dahil sa yakap niya ay napanatag ako kaya naman niyakap ko siya ng mas mahigpit pabalik. Nakangiti ako habang yakap siya. At lalo akong napangiti ng masayang lumapit sa amin ang aming mga kasamahan. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat lalo na kina Hastrup at Kuya Ryan. Matapos nga nito ay ipinagpatuloy na namin ang kasiyahan. Natapos kami ng halos madaling araw na. hinatid ko sina Ruz at Hope sa kanilang silid bago ako nagtungo sa sarili kong kwarto upang makaligo at makapag pahinga na. Paghiga sa kama ay nanumbalik sa akin ang mga nangyari kanina. Hanggang sa maihatid ko sina Ruz kanina ay hindi niya ako binigyan ng kongkretong sagot. Hindi ako dalawin ng antok dahil na rin siguro sa labis na pag-iisip kaya naman nag pasya akong maglakad-lakad na lang muna sa dalampasigan. “Third is my bestfriend, Xos.” isang pamilyar na boses ang narinig ko. “I can’t lose him no matter how I felt about Ash,” kumabog ng malakas ng dibdib ko ng makita sina Hastrup at Xos habang nag-uusap. “I know he can take care of her, that’s more than enough for me now,” nakatungong aniya. Nanatili akong nakatayo sa kanilang likuran habang nag-uusap sila. Sapat ang distansya ko sa kanila upang marinig ang kanilang usapan. Alam kong mali ang ginagawa kong pakikinig sa usapan ng iba ngunit may kung ano sa akin ang nagsasabing manatili ako sa kinatatayuan ko. “There’s already Third before I came, I think what’s happening now is reasonable,” patuloy niya. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa nagawa ko kay Hastrup. Hindi ko manlang inisip ang nararamdaman niya. “I’m not mad or anything,” he paused. “but I’m hurting, I don’t know why.” umiiling na aniya. “Now I know how painful it is to love someone who can’t love you back.” natatawang aniya habang nakatingin kay Xos. Hindi ko alam na nagawa kong masaktan ang kaibigan kong walang ibang ginusto kung ‘di ang makatulong sa akin ng hindi ko nalalaman. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya ngunit pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kaniya matapos ng mga nalaman ko. Hindi ako galit sa kaniya dahil nagawa niyang mahalin ang babaeng mahal ko. Alam ko rin namang hindi niya iyon ginusto dahil sadyang mapaglaro ang pag-ibig, wala itong pinipili. Hindi ko lang matanggap na naging sarado ang isip ko sa nararamdaman ni Hastrup kahit pa alam kong naging malapit na sila ni Ruz. ENDFLASHBACK__ “You don’t need to avoid her because of me Hastrup,” malumanay na sabi ko sa kaniya. Kasalukuyan ito ngayong nakayuko kaya naman hindi ko makita ang reaksyon niya. “I just want you to take care of her. Give her everything that she deserves.” nakangiting aniko. “Please, make her happy. Be her home and comfort.” pagtatapos ko. Pagkatapos makausap si Hastrup ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi madali ang magpalaya, hindi madali ang tumanggap subalit kung gugustuhin natin at sasamahan natin ng pusong handang magtiis at masaktan, sapat na ang maiksing panahon upang maghilom. Sana'y matutunan nating tanggapin na hindi lahat ng pag-ibig na naiiwan, nababalewala o hindi napag bibigyan ay dapat minamasama, kadalasan, dapat silang ipinagpapasalamat. Dahil nalalaman natin kung ano ang mga bagay na dapat talaga ay para sa atin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD