Hastrup Finn’s point of view: Maaga akong natapos sa isang design na ginagawa ko para sa isang kliyente kaya naman nagpasya akong samahan sina Manang Fe na mamalengke. Nuong una ay tumanggi ang mga ito dahil kaya naman daw nila ngunit nagpumilit ako. Wala na silang nagawa pa kung ‘di ang isama ako kaya naman naghanda na ako upang hindi na sila mag-antay pa. “Sigurado ka na ba? Baka may mga trabaho ka pa Hijo,” si manang Fe. “Manang, puro na po ako trabaho. Hindi po ba kayo naawa sa akin?” nagpapaawa kunwaring aniko. “Jusko ang batang ito, halika na nga.” natatawang sagot naman nito sa sinabi ko. Para naman akong batang sumunod sa kaniya pagkatapos magpaalam kay mommy. Si kuya Jr ang driver ni Manang Fe habang dinala ko naman ang sarili kong sasakyan upang may sapat kaming paglalag

