Continuation of CHAPTER 104 ZACH's POV: "Siya na pala ang anak mo Mr. Gardon," sambit ng teacher nang pumasok na rin ako sa loob. Nagawa kong tingnan ang bawat sulok para makita kung magiging komportable ba rito si Josh. Kahit naman na hindi ko siya kadugo ay gusto ko pa rin na maganda at maayos ang magiging silid aralan niya. "Ah yeah. He's my son," tugon ko naman. Ayokong sabihin sa lahat ang katotohanan dahil ayokong maapektuhan ang bata. "Then congratulations Mr. Gardon dahil meron ka na ring anak. Siguro magiging katulad mo rin ang bata kapag lumaki na siya. Magiging kagaya mo na matalino at may prinsipyo," saad ng teacher na talagang nagawa pa akong pagsabihan ng mabuti. Kung alam lang nito na marami na akong pagkakamali sa buhay ay hindi niya siguro masasabi ang ganitong bag

