CHAPTER 104 ZACH's POV: It's been five days simula nang makulong si Havana. Limang araw na rin akong nagsisinungaling sa bata na may trabaho ang nanay niya. Honestly, simula noong nalaman ko na hindi ko anak si Josh ay medyo lumayo nang konti ang aking loob sa bata. Pero hindi maipagkakaila na minahal ko rin si Josh bilang tunay kong anak. "Daddy, ngayon na po ba ako papasok sa school?" tanong nito nang matapos siyang paliguan ni Manang. Nakasuot na rin siya ng uniform na pang-day care na tila excited na itong pumasok sa klase. Hindi ko pa siya napapa-enroll. Pero ang balak ko ay ipa-enroll siya ngayong araw kasabay nang pagpasok niya. Naging busy ako sa pagtatayo ko ng bago kong negosyo. Naisip ko kasi na ayusin muna ang aking buhay baka sakaling makita ni Jillian na sobra a

