CHAPTER 103 JILLIAN's POV: Sa pag-aadvice ni Calix sa akin ay parang nagawa niyang makontrol ang takbo ng isipan ko. Kaya nang kumalma na ang aking utak ay muli akong lumabas ng VIP room para tingnan kung naroon pa sila nanay. And when I saw them, agad ko rin silang niyakap at humingi nang paumanhin. Narealized ko kasi na tama si Calix. Magulang ko pa rin sila. Kahit anong bigat ng kalooban ko at kahit anong galit ko sa kanila, sila pa rin ang pamilya ko. "I'm sorry tay, nay... Mahal na mahal ko kayo. Pasensya na sa attitude ko kanina," sambit ko sa kalagitnaan nang yakapan naming tatlo. "Okay lang 'yon Jillian. Ang mahalaga, nagkaayos na tayo ng tatay mo... Pwede na tayo ulit magsama-sama," saad ni nanay. Kumawala naman ako sa yakapan dahil hindi ako pwedeng sumama sa kanila. Na

