bc

The Lost University

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
murder
student
mystery
scary
evil
campus
secrets
school
friends
brutal
like
intro-logo
Blurb

Hindi sinasadyang napunta ang magkakaibigan na babae sa isang abandonadong lugar. Ngunit sa loob ng abandonadong lugar na iyon ay ang isang lugar na puno ng misteryo.

Makakayanan kaya nila ang mamalagi sa lugar na iyon?

Makakalabas pa kaya sila ng buhay sa lugar na iyon?

chap-preview
Free preview
Prologue
Note: Ang kuwentong ito ay hindi akin. Gusto ko lamang itong ibahagi sa inyo. Hindi ako ang nagsulat ng kuwentong ito. Inuulit ko hindi ako ang nagsulat ng kuwentong ito. Hindi ko po inaangkin ang istoryang ito. Tulad ng sinabi ko hindi akin ang istoryang ito. Nais ko lamang ibahagi itong istoryang ito sa inyo. This is the author of this story: LEMONGREEN1675 This is a work of Fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, Locals and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a Fictitious Manner. Any resemblance to actual person's, Living or Dead, or actual eventy as Purely Coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME! ------------------------------------------ PROLOGUE "!WOAH Party party" tili ni Ella habang winagayway ang phone niya na may ilaw. Nakatungtong pa siya sa kotse ni Ellice, ang kambal niya. "Pwede ba, Ella. We are in the middle of this unknown abandoned building, so please lower your voice, will you?" suway ni Ellice kay Ella. Inirapan lang siya ni Ella pero sinunod naman nito ang sinasabi ni Ellice. "So girls, what would we do now? It's a freaking midnight na! Anong gagawin natin?" "Pwede ba Mitch, stop your over reacting skill? Hindi makakatulong sa'yo ang pagiging OA mo!" "OA ba kapag natatakot na, ha? Amanda?" "Girls stop it, please. Mag isip tayo ng paraan kung paano tayo makaalis sa lugar na 'to" suway ko kay Amanda at Mitch. Kanina pa kasi sila nag babangayan e. Hindi naman nakakatulong ang mga pinag-gagawa nila. "Subukan niyong tawagan ulit si Mandy" "Nagawa ko na nang ilang beses France, but wala talagang signal dito" sabi ni Ellice habang patuloy na itinaas ang phone para makahanap ng signal. Napahilamos ako sa mukha ko at panay din ang tingin ko sa phone, inalam kung anong oras na. Pinilit kong mag isip kung anong pwedeng gagawin. Nasira din ang kotse ni Ellice na tanging nag iisang ginamit namin. Wala ding signal sa lugar na 'to kaya hindi kami makakahingi ng tulong. Kung nalilito kayo guys, nandito kami ngayon sa harapan ng malaking University. Puro d**o dito sa labas kaya alam namin agad na abandonado ito. Hindi namin alam kung bakit kami napunta dito, basta sinunod lang namin ang location na binigay sa amin ni Mandy. Pero bakit ganitong lugar ang bumungad sa amin? "Kasalan talaga 'to ni Mandy eh! Sinabi ko naman sa inyo na that girl is a b***h. Bakit ba kayo nag titiwala?" "You're also a b***h, but we are still trusting you, Mitchelle. Wala naman kayong pinagkaiba eh" pabalang na saad ni Amanda kay Mitch. Kanina pa talaga sila ganyan, hindi nag kakasundo at palaging nag babangayan. "Ano ba kayo? Hindi ba talaga matapos-tapos ang away niyo? Mag suntukan nalang kayo kung gusto niyo" inis na suway ni Ellice sa kanilang dalawa. Gaya ko, mukhang napipikon na din si Ellice sa pagiging childish nilang dalawa. "Girls wait, open ang gate, titingnan ko lang" bumaba si Ella sa sasakyan at naglakad papunta sa gate nang university na nasa harap namin. Sinundan lang namin siya ng tingin. Hindi naman kasi kalayuan sa abandonadong university naka-park ang kotse ni Ellice na tinatambayan namin. Ilang hakbang lang ang gagawin mo aabot kana sa gate, kaya nakikita namin ang bawat galaw ni Ella habang dahan-dahang binuksan ang gate. "Girls, open nga. Hali kayo, tingnan natin sa loob" sigaw ni Ella sa amin. Nag kanya-kanya naman kaming bumaba ng sasakyan at pinuntahan si Ella. Pagdating namin sa gate ay nakita naming bukas nga ito. Sabagay, wala namang nakakapagtaka sa isang abandonado. "Anong gagawin natin? Don't tell me papasok tayo diyan?" maarting tanong ni Mitch. Nakasunod lang siya sa amin at panay ang kamot sa binti niyang kinakagat ng lamok. "Papasok tayo sa loob. Mag hanap tayo ng matutulugan. Hindi pwedeng sa kotse lang tayo mag papalipas ng gabi" sabi ko sa kanila. Baka kasi may masamang tao na dumaan doon kung saan namin pinark ang kotse, baka mapagtripan kami, puro pa naman kami babae. Wala kaming ka laban-laban. "France is right. We have to get inside para mag hanap ng mapag pahingahan" Sang-ayon naman ni Ellice sa sinasabi ko at nauna pa itong pumasok sa loob. "But guys-" "Pwede ba Mitchelle, kahit ngayon lang, ipagpaliban mo muna ang kaartehan mo!" Inirapan naman ni Mitch si Amanda. "Whatever" sumunod ito kay Ellice at ganun din si Ella. "Hayaan mo na siya. Parang hindi mo kilala si Mitch" nginitian ko sa Amanda at kinuha ko ang kamay niya at pinisil ito. "Alam mo France, masyado na akong nag titimpi sa babaeng 'yan. Sarap katayin eh" "Haha, halika na. Masyado kang brutal" hinila ko na siya papasok sa loob. Masyado ng maginaw sa labas eh. Hating gabi na kasi. Nakakatakot na sa labas. Pagpasok namin sa loob ay sabay-sabay kaming nag lalakad sa mahabang pasilyo dito sa loob ng university. Nakakapagtaka lang na sobrang linis at parang araw-araw na may tao dito samantalang abandonado at madumi tingnan sa labas. May mga malalaking ilaw din sa bawat gilid na siyang nagbibigay ng liwanag sa buong pasilyo. May mga ilaw din sa bawat class room. Nag simula na akong kabahan. Nanigas na din ang mga paa ko na sa bawat hakbang ko ay tila napakabigat nito. "G-Guys, parang may mali" ramdam ko ang takot sa boses ni Ella. Nakakapit na din siya sa braso ko. "W-What if, bumalik nalang tayo" bulong naman ni Amanda at hinila pa niya ang laylayan ng dress ko. "Bakit parang hindi abandonado dito sa loob?" may pag tatakang sabi ni Ellice. Ngayon lang din siya nag karoon ng interest tungkol sa pinag uusapan namin. Naisip ko din ang sinasabi ni Ellice. Bakit parang iba dito sa loob kumpara sa labas? Ano 'to? Mabilis ang mga hakbang ko pabalik sa gate at inalam kung bukas pa ba ito ngunit hindi na, naka-kandado na dito sa loob. "s**t! Guys, naka lock na ang gate" pasigaw na saad ko sa kanila. Dahan-dahan pa akong umatras pabalik sa pwesto nila. "I-I think, there's something wrong about this school" "Paanong nangyaring naka lock? Eh iniwan nating nakabukas 'yan, at wala din naman akong nakitang kandado kanina?" puno ng pagtatakang sabi ni Ella at halata na din sa boses niya ang takot. "Ano ba kayo? Diba kayo ang may gusto nito? Nandito na tayo sa loob, My God, gusto niyo pang lu- aahhh" hindi natuloy ni Mitch ang sasabihin niya dahil napalitan ito ng malakas na sigaw. Napatakip ako sa bibig ko ng bigla nalang may dalawang taong naka ninja ang nakatayo sa likuran ni Mitch at hinila ng mga ito si Mitch patungo sa madilim na lugar. Sabay-sabay naman kaming napaatras at tatakbo na sana ngunit may apat na lalaki din ang nakatayo sa likuran namin at sabay-sabay kaming hinila patakbo sa hindi namin alam na direction. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tumatakbo pero pakiramdam ko sobrang napaka bagal ng oras. Hingal kaming pumasok sa isang malaking kwarto at mabilis na sinara ng lalaking humila sa akin ang pinto. Dahan-dahan naman akong napaatras ng humarap ito sa akin. "W-Who are you?" nanginginig ang boses ko dahil sa takot kaya hindi ko nagawang ayusin ang pananalita ko. Nag taka din ako kung bakit kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng kwartong ito. Nasaan ang mga kaibigan ko? "You don't have to be here. Hindi niyo alam ang pinasok niyo" bukod sa pagiging malamig na boses niya ay nahahalata ko din ang matipuno niyang pangangatawan. Hindi ko makikita ang mukha niya dahil madilim sa kinatatayuan niya. "We're lost, kaya naisipan naming pumasok dito. A-Ano bang meron dito?" "s*******r, m******e, bloodshed, iba't ibang terms ng p*****n" Muntikan na akong matumba dahil sa mga pinag sasabi niya. Hindi naman siya mukhang nag bibiro dahil sobrang seryoso ng boses niya. Ang naramdaman ko nalang ngayon ang pilit kong nilalabanan. Nakakakot ang mga pinag sasabi niya. Ni sa panaginip ay hindi mo gustuhing mapasok sa ganitong university. "W-What do you mean?" kahit na malinaw na malinaw sa akin ang mga pinagsasabi niya ay gusto ko pa ding makakasiguro. "P-aano kami makakaalis dito?" hindi ko na hinintay na sagutin niya ang unang tanong ko dahil mas importanting malaman ko kung paano kami makakalabas dito. "There's no other way to escape. If you want to survive, you have to face your death. If you want to still alive, you have to fight" Bigla nalang tumulo ang luha ko. Paano na kami makakalabas dito? Paano na kami makakauwi ng buhay? Ano ba itong pinasok namin? Gusto lang naman namin mag celebrate dahil katatapos lang ng gradations namin kanina, ngunit bakit ganito? Bakit dito kami sa lugar na 'to napadpad. "How can we survive?" garalgal ang boses na tanong ko. Ayaw kong pang-hinaan ng loob. Kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas kami dito. "Fight for your life, that is the only way how to still alive" "In what way?" "Kailangan mong tatagan ang loob mo. You have to attend every task na ipapagawa ng mga kataas-taasan" "I-I dont get it" umiling-iling ako sa harapan niya. Wala akong naiintindihan maski isa sa mga pinag sasabi niya. "Lahat ng katanungan mo, masasagot din 'yan" Nanlumo ang mga tuhod kong napa-upo sa sahig. Paano na ang mga kasama ko? Paano pa ako lalaban kung hindi ko nasisiguro ang kaligtasan ng mga kaibigan ko. Nawalan ako ng pag-asang makatakas sa lugar na ito gayung hindi ko pa alam ang kalagayan nila. "Don't worry about your friends, they're safe except sa isa mong kaibigan" Agad akong nag angat ng tingin sa kanya. "Si Mitch? Anong nangyari sa kanya?" "Mga Ukkanawa ang nakakuha sa kanya. Sila ang grupo ng mga nag paparamihan ng mga napatay" Biglang bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak sa mga pisngi ko. Wala kaming ibang ginusto kundi ang mag papakasaya sa araw na'to, paanong nangyari na ang araw na gusto naming magiging memorable sa amin ay siyang araw na mag papahirap sa amin. "Jusko" sambit ko. Nakasubsob ang mukha ko sa tuhod ko at hinahayaan ang sariling umiyak. "You have to rest, i will get back to you tomorrow, and prefer yourself, because tomorrow will be your beginning. There's one thing you have to keep in mind, you have to follow the prime master's rules" Hindi na ako nag tanong pa kahit marami akong gustong itanong sa kanya. Hindi ko na din tiningnan ang pintuan kung saan siya lumabas dahil dinig ko naman ang bawat hakbang niya. Nanatili lang akong nakayuko habang hinahayaang patuloy na tumulo ang mga luha ko. Tomorrow is my beginning and i have to follow the prime master's rule? Sino ang prime master?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wandering One

read
23.9K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
546.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
46.9K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
487.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook