KEMBA'S POV
Araw-araw eh parati ko siyang kausap, araw-araw rin niya akong kinakamusta at binabati ng GOOD MORNING, GOOD EVENING at GOOD AFTERNOON. Parati rin niya akong nagbilin na kumain ako ng breakfast pagkagising at ganoon rin ako.
Parati ako dumadating sa bahay nila, madalas ay nandiyan si Lemon Square para manggulo or what! Basta nandiyan siya.
May mga panahon rin na kasama talaga kami, minsan ay sanglitan lang dahil parating busy si Katana.
Tuwing gabi, lagi ko siyang tinetext hanggang sa magpuyat na kami. Kalaban na namin ang anemia HAHAHA.
Pero parati kong iniingatan ang sarili ko, pag naghiwalay kami eh ikamatay ko talaga iyon. Kaya sabi ko sa sarili ko na maghihiwalay lang kaming dalawa pag namatay na ako.
That's why.
-----
Half years na nakalipas, nasa Club kaming dalawa ni Katana, kami lang ang nadoon kasi ang iba ay nasa kani-kanilang room sa university.
Solo namin ang araw na iyon kaya hindi lang buo kundi masaya ang araw namin.
Kumakain kami ng french fries habang nanonood ng IT, isang cup ng french fries ang nasa gitna namin at si Katana ay kapit na kapit sa braso ko dahil nadadala ang emotion at expression ng mga character sa palabas na pinapanood namin.
Kada sigaw niya, mabibingi na ako. Ang lakas niyang sumigaw.
"Andiyan na... nandiyan na siya..." linya ni Katana habang ang lakas ng kapit niya sa braso ko.
Ako ay tamang nood lang pero parati akong lumilingon-lingon kay Katana dahil sa sigaw niya..
"HUAAAAAAH!" sigaw niya na mamuntik na mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas.
Kaagad na hinalikan ko nalang sa pisngi para manahimik at mabuti effective. Ayan! Sisigaw ka pa ba?
"Isang sigaw pa, baka mabuntis kita."
Napalingon si Katana sa akin at sabing "Eh kasi nadadala ako sa role ni-"
"Ang sakit sa eardrum kasi, babe." Sabi ko sa kanya. "Baka hindi ko na marinig ang maamo mong boses eh."
"Maamo talaga?"
"Oo naman babe."
Ngumiti nalang siya sa akin habang nakatingin kami sa isa't isa ng tahimik.
Ni-reply ko nalang siya ng ngiti dahil lalo akong nakyut sa maamo niyang mukha.
So ayun! Pinatuloy nalang namin panoorin ang palabas hanggang sa matapos.
******
A few daya later, noon tinapos ko na ang w*****d story ko ay mahala ang bebe time namin.
Nag-uusap kaming dalawa ni Katana sa park malapit sa school, nakaupo lang kaming dalawa sa mahabang upuan habang hawak kamay kaming dalawa at nag-uusap.
"Ahhh babe?" Katana.
"Bakit, Babe?"
"Sa lahat ng babaeng nakilala ko except kay mama, ikaw lang ang type at may relationship bond" Ani ko. "I mean... hindi ko sa pinagyayabang or what pero Ikaw lang ang bagay sa akin."
Tumingin nalang si Katana sa akin na mayroong something sa kanyang expression.
"If makikipagbreak nga ako sayo eh ang tanga ko naman dahil never ako makakahanap pa ng 'Katana Scythe' na mas bagay pa sa akin" sabi ko pa sa kanya na may halong something sa puso ko. "At dahil doon, ikamamatay ko na talaga iyon."
Hindi pa makapagsalita si Katana habang tinitingnan niya ako sa mata. Nakikita kong lumuluha na siya.
"Malas ng mga crush ko dahil sa lahat ng naging crush ko eh ikaw lang ang talaga na para sa akin at Mas malas ang mga ex mo dahil may bf ka na kagaya ako." Ani ko. "I'm so very happy na may Katana na nasa tabi ko ngayon since day one."
"Hindi parin ako makapaniwala na kasintahan kita at never na ako maghahanap pa ng kagaya mo kasi eh." Karagdagang kong ani. "Salamat talaga babe at sana ikaw na talaga hanggang sa dulo ng buhay ko."
Dito ko na nakitang tumulo ang luha niya, naging ako rin ay nadala sa iyak niya.
"Sa ngalan ko, hahawakin ko ang puso mo at sana sa ngalan mo rin ay hahawakin mo naman ang puso ko." Paiyak kong sabi sa kanya. "Again, I love you Kata-"
Dito ako biglang hinalikan sa lips na napakatagal noong hinawakan niya bigla ang likuran ng ulo ko.
Hindi na ako makapagpiglas sa kanya dahil mahal na mahal ko siya, niyakap ko nalang siya habang tuloy sa kissing scene.
Daig pa sila Marian Rivera at Dingdong Dantes sa scene na ito, kala mo'y telenobela lang na kung ikaw ay Cameraman ay sarap mag-revolve sa aming nagkakaganito ngayon.
Hinding-hindi ko na talaga siya papakawalan pa dahil alam ko sa sarili kong siya ang number 1.
****
Ilang linggo na nakalipas, kami parin. (Malamang)
Ngayon ay kasama ko na naman siya at sa simbahan naman na kung saan ako bininyag noong sanggol pa lamang.
Finally, I'm coming home...
Kakatapos lang ang misa at napunta kami sa may lugar na maaring magtirik ng kandila.
Kumuha ako ng dalawang kandilang kulay rosas at kulay asul. Ang kulay asul ay sumisimbolo ng PAG-AARAL AT CAREER habang ang rosas naman ay LOVE.
Binigay ko ang tig-iisang kandilang rosas at asul at tinanggap niya iyon.
Nagdasal muna kaming dalawa ng tahimik at ilan segundo na nakalipas ay dito namin itinirik ang mga kandila namin, nilagay namin sa iisang candle stand at bago kaming umalis roon at nag-sign of the cross kaming dalawa na sabay habang nakatingin sa kandila namin.
Noong lumabas na kami roon, napahinto muna kami sa harapan ng simbahan. Mabuti naman ay walang tao sa paligid namin kaya ayun! Solo na naman ang moment namin this time.
Napatingin si Katana roon at sabing "Dito ka pala bininyag. Ang ganda ng simbahan na ito kasi parang nasa ibang bansa na ako."
"Sto. Domingo Church, my one and only church na bininyag ang aking ngalan bilang KEMBA CLINTON JR." Wika ko na may kasamang ngiti. "Nga pala! Gusto ko sana na kapag umabot tayo ng tandang panahon ay dito sa simbahan na ito ikakasal."
"Huh? Bakit po rito?" Pagtataka ni Katana.
"Dahil gusto ko ipakilala sa Panginoon na ikaw ang maari ko maging kabiyak ng puso ko." Ani ko na may ngiti ang aking wangis. "Dito ako bininyag eh dito rin ako ikakasal."
"Pero ang aga naman kasi para diyan eh." Mahinahong bwerta naman ng aking kasintahan.
"Babe, siguradong ikaw na ang babaeng maging nanay ng anak ko." Sabi ko pa sa kanya bigla. "Naniniwala akong ikaw na talaga ang babaeng tinutukoy ko."
"Babe, ang aga naman kasi..." sabi nalang niya. "Pero pwedeng huwag muna natin pag-usapan muna ito."
"Ahhh si-sige na nga lang!" Linga ko para palitan na ang usapan. "Kain nalang tayo malapit rito dahil may masarap na karinderya rito."
"Ay saan ba?"
------
Tamang kain kaming dalawa ng tanghalian namin sa isang karinderya malapit sa simbahan.
Habang kaming kumakain ay nag-uusap kaming dalawang magkasintahan.
"So gusto ng magulang mo ng Educ pero hindi mo alam ang curse na gusto mo?" Tanong ko sa kanya dahil sabi niya ay papasok siya ng kolehiyo next school year pero undecided pa.
"Gusto ko naman na may kinalaman sa pagsusulat." Sabi ni Katana.
"Journalism kaya?"
"Ayoko ng Journalism dahil about balita-balita iyon." Sabi pa niya. "Gusto ko nga na Psychology ang course ko kaso ayaw ni Mama."
"Bakit naman?"
"Baliw daw hahawakan ko eh baka mapano pa ako, hindi naman lahat ay aggressive." Wika niya na may tingin sa face ko.
"Hindi ka naman sa Mental Hospital diretso pag natapos course mo." Sambit ko. "Grabe naman magulang mo.:
"Kaya nga babe eh."
"Pero paano na iyan?"
"If wala akong mapiling course, educ parin naman bagsak ko." Sabi pa ni Katana sa akin. "Gusto ko sana magtake ng course then magfreelance author nalang, parang si Jonaxx."
" Diktador naman niya kasi kung ganoon." Sabi ko naman. "Future mo ang nakataya jan eh hindi naman future niya."
"Kaya nga eh!"
"Ako nga pinaglaban ko yung pagiging IT ko eh pero surrender na kaagad silala dahil gusto ng course nila para sa akin is HRM eh bobo ako jan eh." Kuwento ko sa kanya. "At saka eh sila ba mag-aaral? Ikaw naman ang mag-aaral niyan."
"Buti ka pa babe, pingalaban mo talaga ang kurso na gusto mo." Pakumbabang sabi ni Katana.
"At saka in-demand ang IT dahil walang Monitoring System, Inventory system, Evaluation System or kahit anong Application System dahil hindi mabubuo iyon kung mano-mano parin tayo." Ani ko. "Basta babe, yung kursong nasa puso mo ang pipiliin mo ah."
"Opo! Mag-iisip ako babe."
Kaagad na sinandok ko ang kanin na may ulam sa plato gamit ang kutsara at balak kong subuan si Katana nun. "Say 'Labyu Kemba'..."
"Labyu Kemba-"
Dito ko sinubo niya ang pagkain na nasa kutsara ko bilang comfort niya.
Nagnguya-nguya na nga si Katana at ngumiti siya sa akin.
Buo na naman ang araw ko dahil kasama ko siya. Ang sarap talaga niyang kasama at nagaganahan ang buhay ko kapa nakikita ko ang kanyang maamong wangis.