Chapter 6

1010 Words
KEMBA'S POV A few days later, napapunta naman kami sa Seaside Boulevard, sa likod ng SM Mall of Asia. Naglalakad naman kaming dalawa ni Katana sa kahabaan na iyon at may holding hands. Habang ganoon, nag-uusap kaming dalawa about sa sinabi niyang natapos na niya basahin ang THE DREAM MATCH. "Ahhh babe, siguradong natapos mo na ang w*****d story ko?" Tanong ko sa kanya. "Ahhh oo naman babe." Sagot niya na may kasamang ngiti sa kanyang wangis. "Ang galing mo talaga gumawa ng story, lalo na yung fightscene." "Mag-iisang taon nang matapos ang story ko pero kakaunti lang ang readers ko." Sabi ko naman. "Ikaw nga eh four thousand na yung Kira's Academy samantala sa akin ay eight hundred lang." "Babe, hindi naman kailangan ng readers para sumikat." Sabi ni Katana sa akin. "Pero babe, ang mga readers ang nagpapagana sa paggawa ng story ko." Reply ko bigla naman sa kanyang sinabi. "Okay lang naman na walang vote at comment ang story ko pero yung readers kasi-" "Wala ka bang tiwala sa mga silent readers?" "Pero-" "Babe, the only way para maging isang w*****d STAR is magsipag ng magsipag." Payo ng aking kasintahan sa akin. "Remember, mas marami ang silent readers on ang mga mangbabasa na sa offline nalang nagbabasa ng story kaysa sa readers na nakikita mo sa insight. Dadami sila kung promote ka ng promote." "Babe, I need some rest lang muna as a w*****d writer dahil isang taon kasi natapos kaya ayun!" "Buti ka pa nga eh isang taon natapos ang story mo." "Eh kasi almost one hundred plus ang Chapter ng w*****d story ko." Saad ko naman. "Tapos may ginagawa pang cheche-buretche." *ting-rinininig-tingtining...* tumunog phone ni Katana na hawak niya sa isa pang kamay. Dito kami biglang huminto at magbitaw sa holding hands namin. "Ay! Sandali lang, may tawag." Katana. Sinagot naman ni Katana ang tawag na iyon habang tinitingnan ko lang siya. "Hello... po??? Talaga po??? Opo... opo... sige po..." Noong binaba niya ang tawag, humarap siya sa akin at sabing "May good news ako sa iyo, babe." "A-anong good news?" "Babe... Nominee ako." Sabi niya na may halong ngiti sa kanyang wangis. "Nominee saan?" "Sa Watty twenty-twenty-one babe." Dito ko nagulat at namangha sa balita na iyon. "Hala! Talaga?!" "Oo naman babe." Sagot ni Katana na maya halong ngiti. Hindi ako makapagniwala na magiging nominee ang aking Kasintahan sa Award na iyon. Kaagad na niyakap ko siya at binuhat ko siya na parang Khul Ledesma ang peg. "YEHEY!!!!" Masayang linya niya habang nakataas ang kamay niya kakabuhat ko sa kanya. Umikot kami ng dalawang beses at kaagad na binaba ko siya, hinawakan ko muli ang kanyang kamay at parang hinila ko siya papunta sa may bay side. Noong nandoon kami, sinabi ko kay Katana na "Babe, isigaw mo na isa kang nominee at sana manalo ka." "Pero babe, okay lang naman na-" "Kung ano ang judge, niluto man k hindi ay mananalo ka." Saad ko bigla sa sinabi niya. "Babe, you are my number one writer that never seen before." Ngumiti nalang si Katana sa akin ng tahimik bilang tugon at nakita ko ang liwanag sa ngiti niya. Perfect Timing ah." Dahil doon ay lalo akong nakilig to the bones sa kanya. Ngumiti nalang rin ako sa kanya bilang tugon ko. Ilan segundo na nakalipas ay sinabi ni Katana ay "Sisigaw na ba ako?" Hindi ko napansin ang sinabi niya, parang huminto ang mundo ko dahil sa kanya. Nagbibingi-bingihan na ako dahil sa maamong mukha ni Katana. Sarap kasi pagmasdan. "Babe??" Nagtataka si Katana habang nakatingin siya sa akin dahil tulala at parang istatuwa na ang nangyari sa akin. "Babe???", nag-fingersnap si Katana sa harapan ko kaya biglang nagising ako. Nabiktima ako ng Genjutsu kasi niya. Nag-shake ang aking ulo at parang nagising ako sa katotohanan noong nafingersnap ako ni Katana. "Babe, sisigaw na ba ako o hindi?" Tanong ni Katana habang nakatingin parin siya sa akin. "Ahhhh eh... I-isigaw mo na po, Babe." Tumingin si Katana sa karagatan, huminga siya ng malalin at dito niyang isinigaw ang "MAGIGING SIKAT NA WRITER AKO!!!!" Ngumiti ako noong maisigaw niya iyon, halong tuwa at saya dahil na-realize ko na walang babae ang makakahanap ng kagaya niya. "MA-APPRECIATE AKO NG BUONG BANSA AT NG BUONG MUNDO SA PAGSUSULAT!" Sigaw pa niya. "PAPATUNAYAN KONG MAGIGING WATTPADER AKO!!!" Lumabas ang ngipin ko kaya lalo ngumiti pa ako dahil sa sobrang saya. Hinding-hindi ko siyang papakawalan pa dahil siya lang ang babaeng masasabi sa akin ang word ng FOREVER. Tumingin si Katana sa akin at sabi "I-ikaw naman." "Huh?!" "Ikaw naman ang sumigaw dahil alam kong may pangarap ka." Katana. "Eh kasi-" "Babe?!" Wala na akong magagawa kundi sundin ko rin ang sinabi niya. "MAGIGING WRITER RIN AKO BALANG ARAW!!!" Sigaw ko pa. "AT MAY FOREVER NA AKO!!!" "Ahhhh... Anong forever?" Pagtataka pa ni Katana sa sinigaw ko. Tumingin ako sa kanya na may kasamang ngiti at kaming dalawa ang tinutukoy ko. Ngumiti nalang rin siya sa akin pero ang sabi niya ay "Ba-babe... Grabe ka naman kasi na ako talaga ang forever ang tinutukoy mo." "Babe... wala na ako papangarapin pa kundi ikaw." Sabi ko sa kanya. "Hindi kong aakalain na ikaw pala ang babaeng pinapangarap ko." "Ano ibig mong sabihin, Babe?" "Babe, ikaw ang babaeng type na type ko." Ngumiti na naman si Katana dahil sa sinabi ko. "You're sweet like a candy, you're nerdy but cute, you have an eyeglass and hindi ka masyado maarte." Ani ko. "Wala na talaga akong babae na nangangalang KATANA SCYTHE pag mawala kana sa piling ko." "Babe, iyan ka na naman pero maswerteng-maswerte ako dahil ikaw lang ang lalaking nauunawaan ang aking estado ng buhay." Ani naman ni Katana. "Babe, I love you from the bottom of my heart." "I love you, my honeybunch cococrunch." Dito ko kaagad na niyakap siya muli ng mahigpit at niyakap niya rin ako. Naghalikan naman kaming dalawa sa labi habang we hug each other. Hindi ko talaga aakalain kasi na siya ang babaeng kasintahan ko. Sana siya nalang talaga ang babaeng makakasama ko sa pagtanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD