Chapter 7

1050 Words
KEMBA'S POV A week later... Noong matapos ang magandang tulog ko, kaagad na namulat ang mga mata ko at bumangon na may kasamang ngiti. Masaya lang ako dahil siguro sa panaginip ko. Habang naghahanda ako para sa sarili ko, tumunog ang aking cellphone at simbolo ng MAY TAWAG. Iisa lang naman ang number ng nasa Phone ko kaya alam ninyo na kung sino siya. Sinagot ko ang tawag na iyon kaagad na may halo paring ngiti. "Hello babe?" "Handa kana ba sa Valentines natin?" "Aba! Oo naman." "Babe, sa Luneta Park tayo magdate ah. Naghanda na ako ng pam-picnic natin." "Si-sige lang babe, ako na bahala bumili ng drinks natin at saka ako na rin bahala sa paperplate ah." "Sige babe! Since parati mo akong sinusundo eh ako naman ang magsusundo sa iyo." "Sige babe!" "Ingat ka babe ah." "Ingat ka rin. MWUAAAAAAHF!" Nang mababa ko ang tawag ay nalagay ko ang phone ko sa dibdib at nakatingin sa pader na may kasamang ngiti. Dream date ko talaga na magpi-picnic kami ng kasintahan ko kaya ayun! Dahil kay Katana eh nagkatotoo iyon. ----- Noong nasa Luneta Park na kaming dalawa ng aking kasintahan na si Katana, nag-uusap na naman kaming dalawa habang naglalakad kaming dalawa para makahanap magandang pwesto. "So ibig mong sabihin ay ang next na gagawin mo sa TDM mun ay all about Erika na nangyari noong nineteen eighty-nine?" Tanong ni Katana dahil usapang w*****d story ko na naman but this time ay ang Prequel ng story ko naman. "Ahhh Oo Babe." Sagot ko naman. "Actually eh mula noong nagkakilala sila Akihiro until sa last part na kung saan eh... ayoko maspoil eh." "Aabangan ko iyan, babe." Sabi naman ni Katana. "Then afterwards niyan eh Season 2 na, diba?" "Oo!", noong nakahanap na kami ng maganda't bakanteng lugar ay dito ako dumiretso habang sabing "Dito tayo..." Sinundan naman ako ni Katana ng tahimik sa aking likuran. Nilapag ko ang mga gamit namin sa baba at nag-ayos kami ng pagpipiknikan namin. Ilan sanglit pa ay nakaayos ang lahat, napaupo na kaming dalawa sa lapag at kami'y kumuha ng makakain namin sa basket kaya dito na kami nagsimulang magtanghalian rito. Habang nagtatanghalian kami, pinagmasdan ko ang isang pamilya ilan metro ang layo mula sa amin. Ang dalawang bata ay naglalaro ng Badminton habang kasama ang kanilang ama habang lumapit ang kanyang ina at nagpipicture siya sa kanilang pamilya. Napalingon naman kami sa isang pamilya naman medyo malapit lang sa amin, nagkukuha ng anak ng litrato sa magulang na matanda na habang sila'y kumakain ng sabay. Napalingon nalang ako sa isang pamilya na parang bago palang sila dahil bitbit ng ina ang sanggol habang ang ama naman ay bag ng asawa niya at basket. Hindi ako makakain dahil rito, pinagmamasdan ko sila kung gaano kasaya ang isang maliit ng grupo sa isang lipunan na kung tawagin ay PAMILYA. "Babe, hindi ka makakain ngayon ah. May problema ba?" Pagtatakang wika ni Katana sa akin. "Mabuti sila, masayang-masaya." Sabi ko habang pinagmamasdan ko ang isang pamilya na parang kasama na pati kamag-anak. Napalingon si Katana sa pamilyang tinitignan ko. "Oh? Ano meron naman sa kanila?" "Ang isang pamilya ay isang maliit na unit o grupo ng lipunan pero dito nagsimula at lumaki ang pagmamahalan." Ani ko at sabay tingin sa maamo niyang wangis. "Kaya tayo nagmamahalan sa isa't isa dahil sa pamilya." Ngumiti nalang si Katana dahil sa sinabi ko. "Babe, pwedeng magkasundo tayo sa deal natin?" "At ano naman iyon, babe?" "Babe, pwedeng maging Fiance kita pagkatapos ng pag-aaral natin?" Nagulat nalang si Katana sa akin at naglakihan ang mga mata niya. Baka hindi siya mag-aagree. "Babe, ang aga naman niyan?" "Kasi babe... S-sigurado na akong ikaw ang babaeng para sa akin." "Ako naman eh papayag pero ang mga magulang at grandparents ko kasi eh... hindi ko sure..." pag-aalalang ani Katana. "Gusto ko na maging sila ay agree rin sa deal na sinasabi mo, Babe." "Pero kung ikaw eh aagree ka ba sa deal?" "Babe... Pag-iisipan ko yang deal na yan." Sabi nalang ni Katana. "H-hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko or what dahil ano kasi eh... ahmmmm basta pag-iisipan ko pa." "Okie lang naman sa akin kung hindi." Sabi ko pa sa kanya. "Hindi naman ako magagalit kung ayaw mo dahil-" "Babe, pag-iisipan ko lang talaga yan promise." Sabi pa niya. "O-okie..." ngumiti nalang ako dahil mukhang madali lang hintayin ang deal na iyan. "Kain na nga tayo." Saba pa ni Katana. Dito nalang kami kumain ng tanghalian namin at ayun! Buo na naman ang araw ko. ------ One day later, nasa bahay lang ako ngayon dahil naglilinis naman ako ngayon ng bahay. Noong hinihintay ko ang Washing Machine, nag-uusap naman kami ni Katana sa phone. "Ano?! May trabaho kana?" "Oo babe eh." "Hala! Sana all nalang." "Babe, nakatanggap na ako rito eh kaya mapalad akong nagkaroom ng trabaho kaso hindi ko alam kung paano." "Naku! Ganyan ako noong nag-immersion dati noong senior high-school ako." "Buti ka pa." "Ay babe! Ano ba trabaho mo diyan?" "Ahhhh... Assistant Secretary ata." "Assistant Secretary?!" "Bakit Babe?" "Hala! Sana all nalang talaga!" "Babe, ginagawa ko lang rin naman ito para sa pamilya ko kasi sa probinsya namin kasi eh kawawa naman sila Mama at Papa roon." "Babe, mabuti ka nga na may trabaho ka dahil hindi lang para sa sarili mo kundi na rin sa pamilya mo lalo na't nasa Mindanao pa naman ngayon. Eh alam mo naman sa Mindanao ay may giyera-giyera." "Babe, tapos na ang Marawi Seige." "Ha! Basta babe eh sana maganda ang palalakad ng companya mo diyan at saka huwag mo ipressure ang sarili mo ah." "Opo babe!" "Sige na babe, kumain kana ng lunch diyan ah at saka-" "Ay babe! Baka halos busy ako sa mga gawain ko kaya baka hindi muna tay magdadate or magkakaroon ng kung anong event ng ano meron sa atin dalawa." "Babe, It's Okay! Kaya babe, huwag mong ipressure ah." "Opo, Babe!" "I love you babe." "I love you too babe." Dito na binaba ko ang tawag sa kanya at nilapag ko ang phone sa ibabaw ng lamesa. Napangiti nalang ako lalo dahilsa balita na iyon, masaya kasi ako na may trabaho na ang kasintahan ko. Basta ako eh maghahanap muna ako ng pagkakakitaan for a while since wala pa ako maisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD