Chapter 28 Secret Garden NAGSALUBONG ang mga kilay ni Princess nang isang puting rosas ang tumambad sa kanya pagkabukas niya ng locker. Nakasiksik ito sa isang maliit ngunit cute na teddy bear. Nagtataka siya kung paano napunta ang mga iyon sa locker samantalang naka-lock naman ito. Inabot niya ang mga ito at inistima iyon ng tingin. May isang maliit na papel ang nakapulupot sa tangkay ng rosas. Smile. “Ang korni naman,” bulong niya sa hangin ng mabasa ang nakasulat sa maliit na papel. Isa lang ang taong unang pumasok sa isip niya na maaring nagbigay nito, si Raijin. Wala sa sariling sumulok ang isang ngiti sa labi niya. Actually, it was her first time to receive such a thing. Unang beses niya kasing maligawan. Well, she had had aspiring suitors before, pero sinusungita

