Chapter 29 I’ll Take Care of You “MAY saltik ata eh,” Princess mumbled to herself. Naiisip niya kasi ang sinabi ni Miss Jacquie. Napanguso siya. “Hindi naman kaya.” Ipiniling pa niya ang kanyang ulo habang naglalakad. Para tuloy siyang sira pero wala siyang pakialam. Hindi niya kasi talaga matanggap na inakala ng propesora ng may gusto siya kay Raijin— kahit na hindi naman nito alam na ito ang lalaki sa painting niya. “Wala kaya akong gusto dun!” Napatigil siya sa paglalakad at paglilitanya ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ito mula sa bulsa, without bothering to look at the screen. “Meet me at the parking lot.” Napataas siya ng kilay ng marinig ang utos ng lalaki sa kabilang linya. Bossy. “Excuse me? Who you?” may pagtataray sa boses niya. Salubong pa ang mga k

