Chapter 30 Rank 1 “ANONG ginagawa mo dito?” nakataas ang isang kilay ni Princess nang mabungaran niya sa harapan ng gate ng bahay nila si Raijin. Cool itong nakasandal sa pader habang nakapikit at nakapamulsa. Hindi niya sana ito mapapansin kung hindi lang sa maka-agaw pansin nitong sasakyan na naka-park sa harap ng gate nila at nakaharang sa daraanan niya. “Hinihintay ka,” simpleng tugon ni Raijin, na para bang napaka-obvious ng sagot sa tanong niya. Lalo tuloy nalukot ang mukha ni Pri. “Ano? Bakit mo naman ako hinihintay?” “Siyempre sinusundo kita. Para sabay na tayong pumasok sa school,” sagot ulit nito. Hindi niya alam kung anong meron dito o sa sinabi nito, pero naramdaman na naman niya ang malakas na pagkabog ng puso niya. Tapos ay naramdaman niya ang malamig na sensasyong hu

