Chapter 31 Reasons ISINARA ni Pri ang pintuan sa likurang bahagi ng service van ng Dark Temptations saka siya umibis sa unahan. Tinabihan niya si Camille sa passenger seat. “Tara na po,” hudyat niya sa may katandaan nang driver at nagsimula na silang bumiyahe. “Bakit kaya tayo ang ipinadala ni Ma’am Jessica du’n?” tanong niya habang nakatingin kay Camille. Camille gave her an ignorant look, telling her that she also had no idea. “Ewan ko rin,” sagot nito. “Biglaan nga eh. And I have no idea of where we are heading to. Sabi lang ni Ma’am Jessie, it’s an outreach program—a feeding program—and we have to be there to distribute all those.” May mga klase sila ni Camille ngayong araw pero dahil sa in-charge sila sa mahalagang gawaing ito ay napilitan silang lumiban. Pero minsan lang nam

