“Ano’ng ibig sabihin nito, Andrew?” Diretso ang tanong ko habang nakatingin sa mga armadong lalaki sa loob mismo ng bahay. Parang biglang lumiit ang paligid ko. Parang may dahan-dahang humihigpit sa dibdib ko. “Para sa kaligtasan mo.” “Kaligtasan?” Napatawa ako nang pilit. “Parang mas ligtas pa ang bilanggo sa kulungan.” Tumalim ang titig niya. “Huwag mo akong subukan.” “Hindi kita sinusubukan,” sagot ko, nanginginig na ang boses. “Sinusubukan kong intindihin kung bakit bigla mo akong ikinulong.” “Huwag mong tawaging kulong.” “Kung hindi ito kulong, ano?” Napahawak ako sa braso ko. “Hindi ako makalabas. Hindi ako makagalaw. Lahat may bantay. Lahat may mata.” “Daisy—” “Hindi ito buhay,” putol ko. “Ito ay paghihintay ng kung anong masama.” Sandali siyang natahimik. “May sumusunod

