Claustrophobia (Daisy POV)

1560 Words

“Bakit parang bawat galaw ko, may kapalit na parusa?” Diretso kong tanong iyon kay Andrew habang nakatayo kami sa gitna ng silid, may dalawang armadong lalaki sa magkabilang gilid ng pinto. Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako, mabigat ang tingin, parang sinusukat kung hanggang saan na ang kaya kong tiisin. “Hindi ito parusa,” malamig niyang sabi. “Ito ang proteksyon.” “Pareho lang ang pakiramdam,” sagot ko. “Nasasakal.” “Kailangan mong masanay.” “Huwag mong sabihin sa akin na masanay sa pagiging bihag.” “Hindi ka bihag.” “Talaga?” ngumiti akong walang saya. “May bantay ako kahit magbihis. May bantay ako kahit matulog. May bantay ako kahit umiyak.” Napuno ng iritasyon ang mata niya. “Dahil ayokong makita kang duguan.” “Mas pipiliin ko pang masugatan kaysa mawala ang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD