“Hindi kita kinukulong, Daisy. Pinoprotektahan kita.” Napatitig lang ako kay Andrew. Diretso, matalim, walang paligoy-ligoy ang boses niya. Walang sigaw, walang pagbabanta—pero mas mabigat pa sa kahit anong utos ang dating. “Ganun ba talaga ang tunog ng proteksyon?” tanong ko, pilit pinapanatiling steady ang boses ko. “Dahil ang nararamdaman ko, nasasakal na ako.” Tahimik ang buong sala. Nakatayo ang dalawa niyang tauhan sa gilid, parang mga anino. Naroon si Marco at si Leon, parehong alerto, parehong nakamasid. Umiling si Andrew, lumapit ng ilang hakbang. “Ayokong lumabas ka nang mag-isa. Ayokong mawala ka sa paningin ko. Alam mo namang may mga banta sa paligid. Si Cassandra isa pa yun..” “Yun lang?” napatawa ako nang mapakla. “Andrew, hindi ako bata. Hindi ako ari-arian mo.” Biglan

