“Uy, Daisy! Halika dito, may party kami mamaya. Sobrang saya, promise!” Ang tinig ng dating matalik kong schoolmate ay puno ng kasiyahan, pero may kakaibang tensyon na hindi ko agad naunawaan. Hindi ko alam na may nakaabang na plano sa likod ng simpleng imbitasyong iyon—isang planong ginawa ni Cassandra Vale para sirain ang katahimikan at kaligtasan ko. “Party?” tanong ko, pinipilit ang tono na casual, kahit na may kaba sa dibdib ko. “Sino-sino ang pupunta?” “Ah, same lang. Friends lang, classmates… tapos may ilang bagong tao na cool.” Ang mata niya ay bahagyang nagliwanag, parang may sikreto siyang hindi ko alam. Hindi ko alam na iyon pala ang simula ng isang gabi na magpapakita sa akin kung gaano ka-brutal at ka-obssessive si Andrew Villamor kapag pinag-uusapan ang seguridad ko. “Sig

